3rd Trip

1.2K 32 16
                                    

[Darcy's POV]

Blink. Blink. Blink. Blink. Blink.

Totoo ba 'tong mga nakikita ko? Si most-pogiest-machoest-mabangoest-papabolest crush ko ay makakasabay ko hanggang sa Pampanga? Weh? Totoo? Kailangan ko ng malakas na sampal sa mukha. Seryoso lang.

Sige, isang blink nalang. At kung hindi siya nawala sa harapan ko, ibig sabihin totoo 'to!

Blink.

Aweeeeeeeeeee! Hindi siya nawala! Totoo nga! Oyeah, oyeah! Oh, oh, oyeaaaahhhh!

Ay tama na. Baka makahalata na siya! 'Yung landi hormones ko kasi masyadong naexcite, 'yan tuloy hindi ako nakasagot sa kanya.

I need to compose myself. Whooo, relax Dars. Relax...

"Ehem. Hi! Wow, coincidence nga naman." At nginitian ko siya ng pinakapacute kong smile.

"Haha, oo nga e." sabi niya sabay upo sa tabi ko. Ermahgerd. 'Yung scent niya, nanunuot sa kaloob-looban ng ilong ko! Shemayness. Papabol, pwedeng pakiss? Isa lang!

"Taga-saan ka, Kuya? Pampanga? Olongapo?" PAMPANGA PLEASE?

"Olongapo," Aww! Fail. Sayang naman, hindi bale. At least kasabay ko siya. Hihi! "Ikaw? Taga-saan ka ba?"

"Taga-Pampanga lang e, San Fernando," Sa Kalayaan Village. Ang complete address ko ay ****. Ligawan mo na 'ko dali!

"Ahh. I see," Shoot. Ayun na naman 'yung ngiti niya! Omaygawd, akin ka nalang.

Paalis na 'yung bus. Mga isang oras nalang biyahe ko, which means I have about an hour left to landi this boy. HAHAHAHA. Grabe, pansin ko lang. Hindi man ako malandi no? Slight lang.

 After five minutes...

 Ampupu naman. Wala akong maisip na excuse para kausapin ko siya. Gaaawd!

"Uhh..."

"Hmm?" Ih! Ayan na naman 'yung matipid niyang sagot. Kaasar. Nag-eeffort magsimula ng conversation 'yun tao oh! Tulungan mo naman ako!

"Ah? Eh, wala. Sorry," Waaa! Ano pang sasabihin ko?

"Ano nga palang pangalan mo?" ASDFGHJKL. Sabay kaming nagtanong. Syeteee, he's aking for my name! HE'S FREAKIN' ASKING FOR MY BEAUTIFUL NAME! Kyaaaaa! Kinikilig lahat ng muscles sa katawan ko! Pati pwet ko kinikilig, anobey!

Hep! Kalma Dars. Kalma. Mapaghahalata na niyan...

"Ano, umm, Darcy." At pinakitaan ko siya ng aking sweetest smile. Fall for me, beybe!

"Dave," he extended his hand to me. OH MY GAWDNESS. Ito na ang chance ko para hawakan ang kanyang kamay. Oohlala!

 Unti-unti kong iniabot ang kamay ko...

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Nang mahawakan ko 'yun kamay niya...

Tae, nakuryente buong katawan ko! Ang sarap mangisay ngayon!! 'Yung landi hormones ko gising na naman! EMEYGEDNES.

"Nice to meet you, Dave."

LANDI LVL. 10000000000000000000

I think I'm gonna die!

Love Story sa BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon