Baby Angel

36 0 0
                                    

BABY ANGEL

Ina's POV

Marriage is a sacred sacrament and it is accompanied with great responsibilities.

Rings...

Vows...

Marriage contract...

They are all nothing without commitment. We all have the freedom to choose our partner whom we will spend the rest of our lives with. We are also free to decide when we will walk in the aisle of cathedral and say each other's vows.

Unfortunately, I don't have that kind of freedom.

"Ina, anak. Pinadala na dito ang larawan ng ka-match mo.", kalahating gising pa lamang ang kaluluwa ko nang marinig ko ang tawag ni Mama.

Tama ang narinig niyo, "larawan ng ka-match ko". Hindi ako ang pumipili ng taong jojowain at pakakasalan ko. Bahagi iyon ng relihiyon namin kung saan ipapadala ang mga larawan namin sa ibang bansa at i-mamatch kami sa isang tao na kabilang din sa ganitong relihiyon. Masasabing ma swerte ako dahil sagot na nila jowa ko at hindi ako mamamatay na virgin. Pero sa kabilang banda ay kinakabahan ako. Kung ikaw ba namaý magpapakasal sa taong hindi mo kakilala. Ni hindi ka pa sigurado kung anong lahi siya at kung ano ang kulturang nakagisnan niya.

"Lagay mo na lang diyan ma.", walang ganang sagot ko. Ilang beses na akong pinadalan ng ka-match pero hindi palaging natutuloy. Magandang bagay yun para sakin, dahil sa tuwing iniisip ko na may ka-match na ako, kinakabahan ako na baka dito na magtatapos ang kalayaan ko. Kalayaang lumandi.

Don't misunderstood. Hindi yung literal na pokpok o yung nang aagaw ng jowa. Definition ng landi sakin ay 'happy crush' lang. Yung hindi mabilang ang crush mo na kahit sino i-ship sayo nafa-fall ka dahil marupok ka. Yung parang tangang umaasa sa tao kahit hindi naman talaga magiging kayo sa huli dahil nga sa arranged na ang marriage ko. Ini-enjoy ko na muna ang oras na malaya pa akong lumandi sa mga crush ko dahil hindi ko na yun magagawa kapag na confirm na ang ka-match ko.

Tumayo na ako sa kama saka nag ayos ng sarili. Naligo ako at nagbihis ng damit panlabas. Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Wala din naman akong gagawin dito sa bahay kaya naisipan kong gumala kasama ang Tulips.

"Saan ka na naman pupunta?", tanong ni mama habang nagsusuot ako ng sapatos. Wala na din naman siyang magagawa dahil nakabihis na ako.

"Aattend lang ng event", simpleng sagot ko habang nagtatali na ng sintas ng sapatos.

"Anong event na naman iyan? Anong oras kang uuwi? Sino mga kasama mo?", sunod-sunod na tanong ni mama na parang adik ang anak sa sobrang sigurista.

"Kasama ko si Mother Horn", Yun tawag ko sa isang manager namin na siyang ginagamit kong magic word kapag nagpapaalam sa parents.

"Ah ok.", And it works everytime. *smirk*

***

"Oh andito na si Ina!", banggit ni Jimmy nang makapasok ako sa cafe. Mukhang ako na lang ang hinihintay. Nandito na si Jimmy, Mina, Nathan, Yanyan, Jill, Tan, at si Totoy my loves. Ay wait-

"Asan si Jose?", tanong ko nang mapansin na hindi pa pala kumpleto ang grupo.

"Andun sa computer shop. Naglalaro sila ni Jordi", sagot ni Tan.

"Yiee ba't siya hinahanap mo? Crush mo ba si Jose? Ayieee", at itong lentek na Mina ay inasar na naman ako sa iba. Siya talaga mahilig mang-isue sakin, dalawa sila ng ate niya. Mas magaling pa sila sa match makers ng religion namin. Sa tuwing i-shiship nila ako sa isang lalaki, na fa-fall ako. Sila din may pakana diyan kay Totoy kaya medyo nadala din ako. Punyeta.

Baby Angel (Senpai Is A Lie Book 4)Where stories live. Discover now