Chapter 2: Letting Myself Go

1 0 0
                                    

/Faith's POV/

Do you know what is the hardest part about breaking up?

Its not about why or in what reasons did he or she hurt you.

Its not about coming up with reasons why did he or she broke up with you.

Hindi din mahirap na bahagi ng paghihiwalay ang paglimot sa isang tao.

Ang pinaka mahirap na part sa isang break up

Ay kung ano ang gagawin mo kapag wala na siya

Kung papano ka mabubuhay ng wala na siya.

Kung papano ka magpapatuloy araw-araw na wala na siya sa tabi mo.

"It's not when during the run, it was after it that you feel the pain"

Hindi mahirap mag move on, or makahanap ng kapalit sa kaniya. Madaming tao sa mundo at sigurado ako na maraming katulad niya.

Maraming tao ang kaya kang mahalin at kayang iparamdam sayo yung mga bagay na ipinaramdam niya.

Pero ang mahirap, ay kung papano ka kikilos o gagalaw kapag nakasanayan mo ng andun siya.

"Kahit na konting mga galaw lang ng katawan mo pinapaalala siya, ultimo pag hingga mo lang siya pa rin yung nasa isip mo"

Mahirap masanay na mag-isa lalo na kung lagi siyang nasa tabi mo.

It was hard to remove the attachments you both made with each other.

Sabi ng iba "wag mong ibigay lahat para kapag dumating sa punto na wala na, may matitira pa sayo"

But how can we love without giving everything we have?

Papano tayo magmamahal kung hindi natin binibigay ang buong tiwala natin sa taong mahal natin?

Ito yung pilit kong sinasabi sa sarili ko... dati

But now I learned my lesson in the most hardest and painful way.

Nakakabulag pala kapag sobra mong mahal ang isang tao.

Nakakabulag pala kapag sobra sobra yung tiwala mo sa kanya na dumarating sa puntong nagmumukha ka ng tanga.

Mali na pala kapag sobra na.

It's been two months after kong makipaghiwalay kay Jack. It was hard, very hard.

Ilang araw akong hindi makakain or makatulog. Walang oras na hindi ko iniisip kung papano na ako? Kung ano ng mangyayari sakin, hindi ako natatakot sa rason na ibibigay niya, natatakot ako para sa bukas.

Kase nasanay ako na lagi siyang nandyan.

Nasanay ako na pagdilat ng mga mata ko ay tatawag ka agad siya. Na boses niya agad ang bubungad sa umaga ko.

Nasanay ako na sa mga tawag niya , sa mga text niya kung kumain na ba ako o kung hindi.

Nasanay ako pag-uwi ko sa trabaho ko ay nasa labas ka agad siya ng school na pinapasukan ko.

Nasanay ako na bago ako matulog boses niya pa rin yung maririnig ko.

Naging dependent ako sa kaniya hanggang sa dumating sa puntong wala ako kung wala siya.

Hindi na ako nakakatayo sa sarili kong paa ng hindi niya inaalalayan.

Lahat ng desisyon ko siya na yung nagsasabi, lahat ng galaw at suot ko kailangan gusto niya, nasa standard niya.

But I was blinded by love. I was controled by love.

I've been reminding myself na don't grow too dependent on him kase kapag nagloko yan wala na.

Pero iniisip ko na mahal niya ko. Mahal na mahal ako ni Jack kaya hindi niya ako lolokohin. Hindi niya magagawa yun

And this time nagkamali ako.

Nagloko siya, he betrayed me. He hurt me in the most lainfuk way one can imagine. At wala na ko.

Sa nakalipas na dalawang buwan na naghiwalay kami ni Jack. I isolated myself from the outside world.

Hindi ako lumabas sa kwarto ko, hindi ako kumakain ng maayos at hindi na rin ako pumapasok sa trabaho ko.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa sandaling wala ng luhang pumatak.

Iniwasan ko rin yung pamilya ko, yung mga kaibigan ko pati na rin ang mga messages ni Jack.

Ayaw ko silang harapin, hindi ko pa kaya.

Sa nakalipas na dalawang buwan wala akong ginawa kung di magmukmok sa kwarto ko.

It was hard to be single again, to be  in your own again. To stand and face each day knowing that the person you love the most will never be on your side again.

I was lying in my bed right now nang marinig kong bumukas yung pinto.

"Anak, kumain ka muna di ka na kumakain ng maayos baka mapano ka niyan" sabi ng lola ko habang may dalang pagkain.

Umupo ako ng maayos para makakain, wala talaga akong gana pero nahihiya naman akong tanggihan ang luto ni lola.

Di ko siya magawang titigan ng mabuti. My grandmother was very close to my heart, mas close ko pa siya sa mga magulang ko. Siya din yung nagsabi sakin na hindi daw maganda ang pakiramdam niya kay Jack at dapat ko na daw siyang hiwalayan dahil masasaktan lang ako.

Hindi ko siya pinakinggan dahil mas pinili ko si Jack, she was very hurt that time dahil yun ang unang beses na sinaway ko ang utos niya. And now ayokong makita niya na mali ako at nasasaktan ako. Everytime we see each other, she will always warn me about Jack. And everytime we see each other, I always hurt her with the same reason.

"Hali ka nga dito apo" yaya sakin ni lola sa tabi niya. Sumunod naman ako pero di ko pa rin maiangat ang ulo ko. Nahihiya ako, nahihiya ako dahil di ko siya sinunod nun.

"Okay lang yan apo, everything will be alright..." sabi sakin ni lola habang akap akap ako.

"Alam kong masakit at nasasaktan ka ngayon, pero lilipas din yan and soon di mo na mararamdaman ang sakit na parang wala lang nangyari" di ko mapigilang hindi umiyak, lola's words are really comforting.

"It was all a process, hija, kailangan mong maranasan toh para sa susunod ay alam mo na ang gagawin mo" sabi ni lola.

"Ang sakit sakit lola, walang oras na hindi ko siya naiisip, na hindi ko siya namimiss. Walang oras na hindi ko hahanap hanapin yung presensya niya" sabi ko kay lola.

"Okay lang yan apo, lilipas din ang lahat darating din ang panahon na hihilom din ang mga sugat. May mga peklat mang maiiwan mula sa mga sugat na iyon ay magsisilbi naman yung tanda na natuto ka na" mahinahong sabi ni lola.

"Pero bakit lola? Bakit niya binasura yung pagmamahal ko sa kaniya? Bakit parang wala lang sa kaniya yung pinagsamahan namin? Bakit parang andali lang para sa kaniya na itapon amg lahat?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko masasagot yan hija, kung gusto mong malaman ang mga sagot jan ay isa lang ang alam kong paraan" sabi ni lola.

I was just staring at my grandmother the whole time. Alam ko kung ano ang gusto ng lola ko. Alam ko na yun lang din ang tamang paraan para masagot ang lahat ng tanong ko.

Pero di ko magawa, I can't bring myself to face the one that hurt me the most again. Di ko pa kaya, di pa kaya ng puso ko.

"Palayain mo na ang sarili mo hija, you need to set yourself free. Kaya isa lang ang solusyon dyan, kausapin mo siya"

Tama si lola, I need to let myself free from the pain and all the questions that never leaves my head. Kailangan ko na siyang kausapin.

Pero makakaya ko ba?

-----
P.S. this was slightly edited and was publish around Jan. 4

Vows and PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon