Chapter 3: Can we talk?

3 0 0
                                    

/Faith's POV/

Matagal kong pinag-isipan ito.

I thought that this day will never come.

Kung saan mag-kikita kami hindi na dahil sa date.

Yung mag-uusap kami hindi na tungkol kung saanong nangyari sa amin maghapon or kung anong mangyayari sa hinaharap.

Hindi ko naisip na daratimg yung panahon kung saan tititigan namin ang isa't isa ng may pagmamahal.

Ang totoo niyan, ito yung pinaka kinatatakutan kong araw, ito yung araw na lagi kong pinagdadasal na sana hindi dumating.

Yung araw ng huli naming pagkikita, ng huli naming pag-uusap.

Yung araw na kailangan ko ng kalimutang may kami pa.

Sino ba naman ang hindi takot dito di ba?

Sino bang taong ayaw magkaroon ng happy ending kasama ang taong mahal nila?

Pero tyambahan lang sa pag-ibig, it's a matter of chance and luck, kung sino ang tinamaan ng swerte siya ang masaya pero kung sino ang tinamaan ng lintik siya yung uuwing lumuluha.

Dahil wala naman daw sigurado sa pag-ibig, kahit ibuhos mo pa ang lahat, kahit ibigay mo pa ang lahat, kung iiwan ka iiwan ka, kung hindi ka mahal, hindi ka mahal.

Matagal kong pinagplanuhan ang oras na toh.

Ni hindi ako makatulog ng maayos dahil sa kakaisip kung anong pedeng mangyari at kung anong pwede kong makita.

Gusto kong malaman kung napektuhan rin ba siya ng pagloloko niya? Kung dinaranas din ba niya yung dinaranas ko? O nararamdaman ba niya yung nararamdaman ko?

Ayaw kong mag-expect na makita kong malungkot at nasasaktan din siya dahil sa mga nangyari, pero may bahagi sa puso ko na pilit umaasa.

Umaasa na pwede pa ang lahat.

Na hindi pa huli ang lahat.

Madaming senaryo ang umaandar sa utak ko.

I already simulated all possibilities na pedeng mangyari sa pag-uusap namin.

Hinanda ko na rin ang sarili ko, ang puso ko.

Kahit hindi ako sigurado kung kaya ko na ba. Kung magagawa ko na ba siyang harapin ng hindi naaalala ang lahat.

Ang lahat ng pagloloko at paggamit niya sa akin.

Handa na rin ako sa lahat ng mga sasabihin niya.

Alam ko handa na ako kaya wala akong dapat ikatakot.

I need this to move forward,

I need this to free myself,

I need this to let him go.

Nasa isa akong coffee shop ngayon sa isang mall.

This is our favorite mall.

Favorite coffee shop.

Favorite seat.

At inorder ko rin ang favorite naming drink.

I was observing the people passing by sa may bintana.

May iilan akong nakikitang kasama ang panilya nila, ang mga kaibigan nila, mga kaklase, o kaya naman mga lolo at lola.

Meron rin akong nakikitang mga iilang magkasintahan.

It was refreshing to see them smiling and laughing with each other.

Nakakatuwa lang dahil hindi lang puro sakit ang nadudulot ng love, pwede rin tayo nitong pagkaisahin at pasayahin.

I was watching them with a smile in my face. At hindi ko namalayan na nanjan na pala siya sa tabi ko.

Napansin ko siyang nakatayo sa harap ko at tinititigan ako ng maigi.

This is it.

"Hello Jack, please have a seat" sabi ko sa kanya habang tinuturo ang upoang nasa harap ko.

I need to keep my diatance from him.

Kase alam kong bibigay ako, bibigay ako at patatawarin ko ulit siya.

But I need to be stronger, so I needed this space, very much.

"I called you kase kailangan nating mag..." hindi ko natapos ang sinasabi ko ng bigla siyang sumingit.

"Namiss kita" sabi ni Jack.

Natigilan ako.

I didn't expect him to say that.

To say those words na parang wala lang.

Na parang nagbakasyon lang ako at walang nangyari saming dalawa.

Para sa iba those words are really meant something.

Pero para sakin hindi.

Hindi ko alam kung bakit

Pero nadismaya ako sa sagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vows and PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon