CHAPTER 20

2.5K 37 0
                                    

"It's okay sweetheart." Ani ni mommy at kumalas sa pagkakayakap

Lumabas ng dinning si mommy kaya napabuntong hininga ako

'Babe where are you? I need my strength now.'

Napa buntong hininga na lang ako dahil may kailangan siyang gawin

Napa lingon ako sa pintuan ng dining ng marinig kung bumukas ito

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit

"Are you okay?" Tanong niya at hinagod ang likod ko

Sinubsub ko naman ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap siya pabalik

"S-sinigawan ako ni daddy." Sumbong ko sa kanya kaya natawa naman siya

Lumayo ako ng kaunti sa kanya at pinalo siya sa dibdib

"Sinigawan na nga ako natatawa ka pa."

Lalo naman niya akong niyakap kaya naipit ang dalawang braso ko sa yakap niya

"Natatawa lang ako sayo kasi parang bata ka kung magsumbong." Napanguso naman ako sa sinabi niya

"Anong pinag-usapan niyo pa?" Nanatili siyang yumakap sa akin kaya napangiti ako

"He gave me a bodyguard." Inangat ko ang mukha ko at ngumuso

"Okay lang yun, para naman sayo yun eh." Sabi niya at hinalikan ako sa gilid ng labi

"Go confront your dad. Say sorry to him, and comeback to me." Nilagay niya sa likod ng tenga ko ang mga ilang hibla ng buhok ko

"You'll come with me?"

"Nope, usapan niyo ng daddy mo yan, gusto kitang tulungang magpaliwanag pero alam mo naman ang daddy mo hindi siya nakikinig sa akin kapag galit, at ayaw niya akong masigawan kung galit siya."

"Hihintayin mo ako ha?" Tumango naman siya bilang sangayon

"I'll be back." Tumingkayad ako at humalik sa labi niya at lumabas ng dining

Naabutan kung naguusap sila kuya at daddy sa sala samantalang si mommy ay nakita kung umaakyat ng hagdan

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanila upang hindi ko sila maistorbo sa kanilang ginagawa

"D-dad?" Malambing kung tawag sa kanya, nakaupo siya kaya yumuko ako upang mayakap siya

Natigilan siya saglit pero hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa ng kung anong papeles na hawak niya

"Dad sorry na, sorry dahil hindi ako nakapagpaalam, pumunta po kasi kami biglaan sa province nila claude, hindi ko po nasagot ang mga tawag niyo kasi nageenjoy po kami at may rules po kami na hindi sasagot o gagamit ng cellphone kapag nag-vavacation, sorry na po dad." Nakangusong kung sabi

Inilapag naman niya ang hawak niya sa lamesa

"Come here." Ani niya at Tinapik ang tabi niya

Binaklas ko naman ang braso ko at naglakad papalapit kay daddy at umupo sa tabi niya

"Sa susunod magpaalam ka para hindi kami magalala." Seryoso at mautoridad niyang sabi kaya napayakap ako sa kanya

Secretly married to him [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now