CHAPTER 5

7.4K 110 3
                                    

"Ano bang nangyari kanina?" Tanong ng mommy ni jillian sa kanilang dalawa

"May nakasabunutan po kanina si jillian mamu." Sabi ni danica

"Ikwento mo, kung paano nagsimula"

Kinuwento ni danica kung paano nagsimula ang away nila

"Kung hindi lang ako nangako kay jillian, kick out na sana sila." Nagtitimpi ng galit ang mommy ni jillian

"Mamu kailan niyo po siya ipapaopera?" Tanong ni claude sa mommy ni jillian

"Gusto kung ipaopera na siya ngayon, pero ang gusto niya ay kapag tapos na daw yung problema at pangarap niya."

"Sino ang kamag anak ni jillian claire Montenegro?" Tanong ng kakalabas na doktor

"Kami po." Sabi ng mommy ni jillian at lumapit sa asawa niya para kumuha ng suporta kung may masama mang balitang sasabihin ng doktor

"Kung mas maaga lang po sana ninyo siyang napaoperahan hindi sana po aabot ng ganito." Bakas sa boses ng doktor ang takot, lungkot at guilt

"Bakit ano po bang nangyari dok?" Naluluhang sabi ng mommy ni jillian

"May taning na po ang buhay ng anak niyo."

"Ano po?"

"May tatlong buwan na lang po siya para mabuhay." Sabi ng doktor

Napasinghap naman silang lahat sa narinig

"Jake sana hindi na lang ako nangako kay jillian, sana hindi na lang ako nakinig sa gusto niya, sana pinilit na lang natin siya."

Hinihintay nilang magising si jillian pero dumating na ang gabi hindi parin siya nagigising kaya lalo silang nag-alala


JILLIAN POV

"Mommy okay lang po yun, at least may tatlong buwan pa para mabuhay ako at makasama kayo." Sabi ko kay mommy

Hindi nagsalita si mommy nanatili lang siyang nakaupo sa kama niya

"Sweetheart kumain kana." Sabi ni daddy

"Kumain na rin po kayo." Sabi ko sa kanila

"Susunod kami." Sabi ni mommy

Isang araw na ang nakalipas pero hindi parin ako pinapayagan ni mommy na pumasok, hindi niya na rin ako pinapalabas ng bahay

Andito ako ngayon sa kusina hinihintay sila mommy at daddy

"Ma'am mauna na raw po kayong kumain." Sabi ng serbidora

Gaya nga ng sabi ng serbidora ay nauna na akong kumain

Kumakain ako ng pumasok sila mommy at daddy sa hapag kainan

"Jillian, ayaw mo bang sabihin kay kyle?" Tanong ni mommy

Secretly married to him [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now