14

683 45 0
                                    

Kristia's PoV

T-teka lang. A-anong nangyare?

Napahawak ako sa labi ko pagkatapos lumayo ng konti ni Michael.

"Huy. Hindi mo na naman ba ko iimikan?"

Loading... 30%

"Kristia?? Yuhoo???"

Parang nanigas ata yung katawan ko? Bakit hindi ako makaimik?

*tsup

"Hindi ka pa rin ba gagalaw? Ilang kiss pa gusto mo?"

"Hoy! Bat ka ba nanghahalik ha?!"

"Natulala ka nga ehh. Nagustuhan mo no?"

"Pano yung girlfriend mo ha?! Baka magalit saken yon?! Laking ganda nun saken Michael siraulo ka! Ayoko ng- ano baaaaaaa 😣 halik ka ng halik sasapakin na kita!!"

"Ehh kasi naman sino ba may sabing may girlfriend ako?" Sabay ayos ng upo tapos akbay saken

"Di ba ikaw?! Pinost mo pa nga sa twitter mo!!"

"Hay nako Kristia. You're still the same. Tamang hinala ka pa rin"

"Anong tamang hinala ka dyan?"

"Sabi ko nga sayo di ba? Wala PA akong girlfriend liligawan at pasasagutin ko pa lang?"

"Edi siya-"

"Shut it. I won't date my sister for Pete's sake Kristia hahaha"

"S-sister?!"

"Yes. Older sister"

"Kelan ka pa nagka-ate?!"

"Last year ko lang nalaman. She's my sister from another mother"

"Eh?!"

"Kaya wag mong pagselosan yung ate ko"

"Sinong nagseselos?!"

"Sino bang umiiyak dito kanina? Haha"

"Malay ko ba!!😣"

"Uso kasi magtanong Kristia"

"Kakabukas ko lang kaya ulit ng twitter kanina!!"

"Pero nagselos ka nga?"

"Hinde! Che!"

"Talaga?"

"Hindi nga!"

"Namiss mo ba ko?"

"Hinde!"

"Ok sige alis na lang ako"

"Hoy san ka pupunta?!"

"Uuwi? Hindi mo naman ata ako kailangan dito ehh..."

Hinila ko naman siya ulit paupo

"Maupo ka nga! Bwisit!"

"Ano na naman kasalanan ko sayo?! Wala na kong lugaran ha"

"MADAMI!"

"What?! Hindi na nga kita nakita ng 3 years may kasalanan pa rin ako sayo?!"

"Oo! Miss na miss na miss kaya kita! Ni hindi kita makausap! Hindi kita makita!! Masyado kang nagtago bwisit ka!!"

"Yun naman gusto mo di ba?"

"Kaya nga! Pero hindi naman to the point na hindi ko na alam nangyayare sayo! Leche 🙄"

"Ang gulo gulo mo. Now tell me, how can I make it up to you?"

"Hindi ko alam tss"

Narinig ko namang medyo natawa siya tapos pinisil yung ilong ko

"Ano ba?!"

"I love you"

😳

Detox LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon