Chapter 19

4.9K 136 4
                                    

Lacey's POV

"Do you think this plan will bomb?" Rinig kong tanong ni Winter habang nandito kami sa loob ng van at papunta sa address na sinabi ng lalaking ito.

Handa na kami. Si Kariz ang may alam sa location na sinabi ng lalaki at isang abandonadong church ang pupuntahan namin. Yung plano ko din ang sinunod dahil yun lang ang pinakamalapit na paraan para mapatay ko kaagad si Layton.

"It will if we'll stick to it." Sagot ni ate. "Call an ambulance ang police sa bahay para sa investigation."

Napansin kong malapit na kami sa location nang maituro ito ng lalaki kaya sinuot ko ang sako sa ulo ko at itinali ito para magmukhang nahuli ako ng lalaki.

"Subukan mong gumawa ng maling hakbang hindi mo na makikita pamilya mo." Banta ko sa lalaki kahit hindi ko makita ang reaksyon niya. Alam ko namang natatakot din siya sa amin.

Huminto kami sa tabi para hindi kami pagdudahan ng mga tao ni Layton. Maluwag na tinali ni Summer ang wrist ko bago kami lumabas.

"Pakiusap, wala kayong gagawin sa pamilya ko. Ginagawa ko lang naman ito para may pang gamot sila." Ani ng lalaking ito habang gina guide niya ako patungo sa church.

Alam kong delikado ang plano dahil pwede niya akong barilin bago pa kami makapasok sa church at tumakas nalang pero mahal niya ang pamilya niya kaya wala siyang magagawa.

"Sandali lang." may isa pang lalaki na sa tingin ko ay pinigilan kami. "Siya na ba yan?" Tanong niya.

"O-oo." Napamura ako ng mahina dahil mukhang kinakabahan ang lalaking ito.

"Dalhin mo na kay Bossing yan." He made an evil laugh bago binuksan ang pintuan.

Pagkapasok na pagkapasok namin, amoy ko na ang upos ng sigarilyo dito sa simbahan. Wala akong marinig na ingay dito sa loob. Nagbago nalang ito nang may narinig akong yabag ng sapatos di kalayuan sa pwesto ko.

"Ang dali lang pala na hulihin ka, inaanak." Si Layton nga ito. Boses palang niya siguradong matatakot ka pero para sakin, hindi uubra ang boses lang niya na yan. I'm fully trained at isa ito sa training namin kaya hindi niya ako masisindak.

"Ninong, please." I try my very best para magact na medyo takot like Selina. "Hindi kasi tama ang ginawa niyo sa bestfriend ko kaya wala akong nagawa kundi isumbong kayo sa pulis." I used the story para kapani paniwala.

He made a loud, evil laugh. "Mali ang ginawa ng anak ko kaya ko siya pinarusahan."

"Pero hindi niyo alam na nahospital siya dahil hindi siya makahinga! She almost died because of you!" Sigaw ko. Hindi ako makahinga ng maayos at ang kaunting butas sa baba ko ang hinihingahan ko.

"Wh—" natigil ito sa sinabi ko. "What?" Halatang hindi nito alam kung ano ang nangyari sa anak niya matapos niya itong saktan.

"Yes. At ikaw din ang dahilan kung bakit hindi ko na siya nakita pa."

Narinig akong papalapit ito sa akin. Naramdaman ko nalang ang mahigpit nitong pagkaka hawak sa panga ko. "Don't worry, inaanak ko. Hindi mo na talaga siya makikita pa dahil sa susunod na minuto, wala ka ng mata."

Suddenly I see brightness from the lights but darkness because of the devil in front of me, grinning. But then it vanished as he saw my face.

Nawala ang ngisi niya. Ako naman ang pumalit nito at mas nginisian ko pa dahil hindi si Selina ang inaasahan niya.

Bago pa siya makapag salita, tinanggal ko ang tali sa kamay ko sabay tuhod sa kanya. Mabilis kong inagaw ang baril sa pantalon nito tsaka ko tinutok sa sintido niya dahil tinutukan ako ng baril ng mga tao niya.

The Lieutenant's Brat Girlfriend IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon