I can see you following me,
But I can't feel you with me.
Sa madilim na eskinita, may isang babaeng tumatakbo. Panay ang tingin sa likod at habol ang bawat hininga. Nakasuot siya ng kulay gray na hoodie jacket. Nakapantalong itim na hapit at nakaputing rubber shoes. Magulo na ang buhok at nakatabing na sa mukha ang mga ibang hibla nito.Mabilis ang takbo niya. Malalaki rin ang bawat hakbang. Tila nakikipagkarerahan sa kung sinong kalaban. At kung tatanungin, sino nga ba ang pinagtataguan?
Masikip lang ang eskinita. Madadaanan ang mga pinto ng bahay. May isang bahay pa nga siyang nadaanan na tinahulan siya ng asong bantay. Halos mapamura siya ng makitang nasa dulo na siya ng eskinita. May bakod doon na humaharang dahil iyon ang boundary ng eskinitang iyon at nang isa pa.
Pero agad din siyang nakaisip ng paraan. Inilinga niya ang paningin at swerteng nakita ang isang kahon. Matibay ito dahil gawa sa kahoy. Tila isang baul kung titingnan pero isang kahon. Tumuntong siya do'n. Tumingin muna sa likod at nagmadali ng makakita ng ilaw na malamang ay galing sa flashlight ng mga pulis.
Mabilis siyang humakbang at tumalon na maingat ring nakababa. Saktong pagtayo niya ay pumito ang mga pulis at itinutok sa kanya ang flashlight na dala.
"Sumuko ka na! Ibalik mo sa 'min ang ninakaw mo!" Natawa siya sa sinabi nang pulis. Humarap siya at nakangising nagtaas ng dalawang kamay.
"Boss, baka naman pwedeng palagpasin mo muna ako oh. Mabait naman ako. Hindi ko naman kayo isusumbong." Nakangisi siyang tumingin sa mata ng pulis. "Pramis, hindi ko sasabihin sa PDEA na nagdodroga kayo."
Nagulat ang dalawang pulis. Ang isa ay akmang aakyat na ng bakod pero pinigilan siya ng kasama. "H-hayaan mo na siya. Hindi ako pwedeng m-masibak." Natatakot nitong sabi.
Huminto ang kasama nito, tumingin sa kasamahang pulis at ngumisi. "Natatakot ka ba sa babaeng 'yan?" At tsaka masamang tumingin sa dalaga.
"Paano mo nasabing nagdo-droga kami? Ang lakas ng loob mo bata." Matapang nitong sabi sa dalaga. Ngumisi lang ito at ipinasok ang kamay sa bulsa.
"Simple lang." Inilabas nito ang isang pakete ng ipinagbabawal na droga. "Sa inyo 'to 'di ba? Tsaka. . .sa inyo na nga nanggaling e. Kung hindi kayo guilty, hindi kayo matatakot. Ingat kayo mga parak, baka matokhang kayo sa daan." Inihagis niya ang pakete sa dalawang pulis. Suwabeng iniwan ang dalawang pulis na natulala sa nangyari.
Malinaw pa sa memorya ng dalaga kung paano niyang nalaman na nagdodroga ang dalawang pulis na iyon.
Kasalukuyan siyang naglalakad sa may tulay. Nagtaka siya ng makitang may nakaparadang mobil ng pulis sa kabila ng tulay. Mula sa kabila ay sinilip niya kung may tao sa loob. At ikinagulat niya ng makitang may dalawang pulis na humihithit ng kung ano. At hindi na siya nagtaka kung ano ang ginagawa nila.
Nagtago siya sa madilim na parte ng tulay. Doon sa parteng hindi siya mapapansin. Kinuha niya ang cellphone niya at nag-compose ng message.
To: Kap Salvi
Kap, si Andeng ho ito. May gusto lang ho sana akong ipaalam. 'Yung dalawang bagong pulis na nadestino dito sa bayan kailangan niyo hong ipatokhang. Mga naghihithitan sa oras ng pagroronda. 'Yun lang Kap. Salamat ho.
Agad niya itong isinend. Sakto namang umalis ang mga pulis pero may naiwan silang malaking ebidensya. Nahulog nila ang isang pakete ng droga. Dinampot ito ng dalaga. Kinapa ang marker sa bulsa at sinulatan ito ng letrang M. Ito ang initials ng dalawang pulis na kaniyang nakita. Mercado at Matias. Kahit bago ang dalawa ay madalas na niya itong nakikita. Kinuhanan niya ito ng litrato at tsaka ipinasa sa kapitan.
Sinadya niyang ipakita sa mga pulis na 'yun ang pagnanakaw niya. Kasama sa plano niya ang magpahabol at sa huli ay nagtagumpay siya sa kanyang plano.
Alas dose y media na ng madaling-araw. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa lugar. Pundi na kasi ang mga ilaw sa poste ng ilaw. Mabagal lang ang lakad ng dalaga. Nakayuko siya at nakapamulsa ang kamay sa hoodie jacket na suot.
Napadaan siya sa nag-iisang bahay na may ilaw. Maganda ang bahay at malaki. Lahat ng mg bahay doon ay nakapatay ang ilaw maliban sa isang 'yun. Nagtaka siya sa nakita. Mula sa bintana ng bahay ay may nakita siyang anino ng tao. Nakataas ang kamay nito at may dalang kutsilyo. Nagulat siya nang marinig ang malakas na sigaw mula sa bahay na iyon. Agad siyang nagtago sa likod ng puno sa harap ng bahay nang bumukas ang pinto. Lumabas dito ang lalaking naka-itim na jacket, naka-mask at may dalang malaking bag. Dahan-dahan siyang lumabas ng puno ng makalayo ito. Tumakbo siya palapit sa bahay at pumasok dito. Nagimbal siya ng makita ang duguang katawan ng isang babae. Nakaupo ito sa sofa habang nakatingin sa TV. Dilat ang mga mata ngunit halatang wala na itong buhay. Hawak nito ang patalim na nakatusok sa kaniyang dibdib. Humakbang siya sa likod at tinakpan ng kamay ang bibig. Tumalikod at tsaka tumakbo.
Mabilis siyang nakatakbo palabas. Sinundan kung saan tumungo ang lalaking pumatay sa babaeng nakahandusay. Hindi rin nagtagal ay nahagilap na niya ito. May nakita siyang bakal na tubo. Pinulot niya 'yun at iniakma papalo. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit dito ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay ikinagulat niya nang may humatak sa kanya. Tinakpan nito ang bibig niya. Nabitawan niya ang kahoy na dala. 'Agad naman silang nakapagtago sa likod ng pader kaya hindi sila nakita ng lalaki nang mapalingon ito dahil sa ingay na nagawa ng dalaga.
Nang makalayo na ang lalaki ay tsaka siya binitawan ng kung sinong humatak sa kanya.
"Ano ba!?" Galit siyang tumingin sa lalaking humablot sa kanya. "Sino ka ba?! Ano sa tingin mo ang ginawa mo?! Kailangan kong habulin ang lalaking 'yun!"
Seryoso ang tingin sa kanya ng lalaki. "Delikado ang gusto mong mangyari."
Natawa siya. "Bakit kasi nangingialam ka? Ako na'ng bahala kung mapahamak ako. Labas ka na do'n at hindi mo ako kilala para makialam." Tumalikod na siya at tatakbo na sana ng magsalita muli ang lalaki.
"Kilala kita, Summer. Kilalang-kilala." Seryosong sabi nito na nakapagpatigil kay Summer.
BINABASA MO ANG
After The Rain
Romance"I hope that AFTER THE RAIN, the tears in my eyes will wash away." -Summer