Jacob's POV
It's been three days ng di ko nakikita si Karlie. Ano na namang nagyari sa kanya? Nakailang tawag na ako sa kanya di niya parin sinasagot at pang-ilang text ko na ito sa kanya wala paring reply.
Pinatawag ko sa Principal's Office si Ella kasi siya lang naman ang nakakaalam kung nasaan ngayon si Karlie. Dumating naman agad ito sa Principal's Office at sinabi ng Principal na pumunta dito sa Office ko.
Nagulat nalang siya nung nakita niya ako. Oo pala, hindi pa nila alam na ako na ang president nila dito.
Umupo nalang siya ng nagtataka kung bakit ko siya pinatawag.
"Do you know where Karlie is?" tanong ko sa kanya at umupo sa mesa.
"Nasa bahay, may lagnat kaya di siya muna pumasok ng ilang days, naulanan kasi siya noong nauna siyang umuwi kaya, ayon."
Lumabas ako agad ng office at nagmamadaling maglakad papunta sa parking lot at nagmaneho ng mabilis palabas ng school campus.
"Meron po ba si Karlie?" tanong ko sa mama ni Ella at ngumiti ng pilit dahil nag-aalala na ako kay Karlie. "Ah nasa kwarto siya natutulog, may sakit kasi eh, pasok ka muna." sabi nito at pumasok na kaming dalawa.
"Kumusta po si Karlie? Okay lang ba siya? Mataas po ba lagnat niya?...."
"Iho, ayos lang si Karlie. Konting pahinga lang gagaling na siya. Boyfriend ka niya?
Swerte talaga ni Karlie sa'yo." putol niya sa sinasabi ko at ngumiti."Tita, puwede ko po ba siyang makita?" tanong na may pagkahiya. "Puwede naman iho, sa may bandang kaliwa ang kwarto niya at maghahanda muna ako ng miryenda." tumayo na siya at pumunta na sa kusina habang ako naman ay pumunta agad sa kwarto ni Karlie.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Naramdaman niya atang may pumasok kaya tumalikod. Umupo ako sa tabi niya at wala pa rin siyang imik, alam niya atang ako ito.
"Karlie, bakit di mo agad sinabi sa akin, baka ano pa nangyari sayo nung naulanan ka." I said and hugged her, a piece of tear flows down my cheek.
Wala parin siyang imik kaya humiga muna ako sa tabi niya for a minute. "Dito ka lang Karlie." sinabi ko at tumayo na agad at lumabas ng kwarto.
Karlie's POV
Bakit ba siya nandito? Naramdaman ko na agad ang presence niya nung pagbukas pa ng pinto. Kinakabahan tuloy ako ng wala sa oras. Hinayaan ko nalang siyang magsalita ng mag-isa sa tabi ko, bahala siya. Suyuin niya muna ako bago ko siya kausapin.
After a few minutes bumukas ulit ang pinto at tumigil na ako agad sa pag-ayos ng kumot ko.
"Karlie may niluto akong sopas, kainin mo ito para gumaling na ang pakiramdam mo." sabi nito at naramdaman kong ngumiti siya na may halong lungkot.
Bumangon ako agad at niyakap siya. "I'm sorry Jacob di ko sinagot mga tawag mo at text mo. Nag-aalala ka pa tuloy sakin, I'm so sorry." at bumuhos na ang mga luha ko, isinubsub ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya. "It's okay baby, I'm glad that you're okay." he replied and kissed on top of my head.
Inubos ko agad ang sopas na binigay niya para mas makapag-usap pa kami ng mas matagal. Siya pala ang mas matampuhin sa aming dalawa at gustong gusto niya pang nagpapalambing sakin kung nagtatampo siya. Tumigil na kami sa pakikipagkulitan sa isa't isa at nag-unan ako sa dibdib niya.
"I love you Jacob." sabi ko at tumingala sa mukha niya. "I love you more Karlie." sabi niya at ngumiti at hinalikan ako sa labi.
We pressed our lips for seconds at biglang may tumulo na luha mula sa mga mata ko, di ko alam kung bakit, siguro dama ko lang ang tunay na pagmamahalan namin, siguro masaya ako ngayon sa piling niya, siguro mahal na mahal ko na talaga siya at gagawin ko lahat para lang sa kanya. Hindi na ako nag-isip ng kung ano-ano at pinakinggan nalang ang tibok ng puso niya.
"Jacob? Do you love me?" tanong ko sa kanya na naka unan parin sa dibdib niya at hindi parin siya nililingon.
Bigla siyang napabangon at hinarap ako. "Of course baby, gagawain ko lahat para sa iyo at sa atin na rin, iapaglalaban kita kahit ano man ang mangyari. Mahal na mahal ki Karlie." at hinalikan ako sa noo. Hinigpitan ko nalang ang yakap ko sa kanya at sinuklian niya naman ang yakap ko ng halik sa ulo ko.
Nakatulog ako sa dibdib niya habang hinahaplos niya ang ulo ko at nagising nalang ako ng pumasok siya na may dala-dalang pagkain. "Kain ka na baby. Niluto ko ito para sa'yo." sabi nito na nakangiti. "Anong oras na?" tanong at bumangon sa pagkakahiga.
"6:30 na ng gabi kaya kumain ka na para inomin mo na itong gamot mo pagkatapos mong kumain." sabi niya at umupo na sa tabi ko na nakangiti.
Kukunin ko na sana ang pagkain ko pero tinanggi niya. Kinuha niya yung spoon na may laman at isinubo sa akin na nakangiti, nagulat nalang ako kung bakit niya ginawa iyon pero hinayaan ko na, mas lalong nai-inlove ako sa kanya kapag ganyan ang mga ginagawa niya.
Natapos ko naman agad ang kinakain ko at ininom na ang gamot ko. "Baka may gagawin ka pa sa school, eh ako ang inaatupag mo dito." nag-aalalang sabi ko sa kanya. "Kahit na meron pang nakatambak na mga dapat kong gawin diyan, ikaw parin ang uunahin ko at sisiguraduhin kong ligtas ang pinakamamahal ko sa buong mundo." sagot niya sakin at niyakap ako ng mahigpit na nakangiti parin. Ano meron sa kanya? Kanina pa siya nakangiti, yung tipong mai-inlove ka dahil lang sa ngiti niya na parang nang-aakit.
Pero napangiti nalang ako at niyakap rin siya nga mahigpit. Nagyakapan kami ng ilang minuto at tumigil din kami agad nang may kumatok sa pinto. Tumayo agad si Jacob at binuksan yung pinto, nag-usap muna sila at hindi ko marinig. Lumabas muna si Jacob nang matapos silang mag-usap, nilingon ko kung sino yun, si Ella pala.
"Kumusta ka na Karlie?" tanong ni Ella sa akin at umupo sa tabi ko habang pinapakiramdaman ang noo ko kung mainit-init pa. "Medyo okay naman na." sagot ko sa kanya at nginitian.
Tumayo na si Ella at nagpalit pambahay, lumabas na siya ng kwarto at pumasok na si Jacob pagkalipas ng ilang minuto.
"Babe, be strong okay? Kailangan ko muna kasing umuwi eh. Ayos lang ba sa'yo kung uuwi muna ako?" tanong niya na mahinhin ang pagkakasabi. "Okay lang J, baka may importanteng gagawin ka pa at baka nakakaistorbo pa ako sa'yo." sabi ko at ngumiti nalang.
"No babe, hindi ka nakakaistorbo sa mga trabaho ko." sabi nito at hinalikan ako sa noo. "Bye babe. Uwi na ako." at hinalikan ulit ako pero sa labi na ngayon, sinuklian ko naman ito at diniinan ko.
Lumabas na siya at nilingon muna ako for once at ngumiti, nginitian ko na rin siya at umalis na.
Napag-usapan pala namin kanina na Babe ang itawag niya sa akin at J ang tawag ko sa kanya. Parang corny 'no? HAHA pero hinayaan ko nalang para sa kanya.
*******
Sorry for a long time update. Please vote and follow me. Thanks.
Lots of love!
BINABASA MO ANG
Bed Friends Forever (BFF)
RomanceWARNING: Rated SPG (R-18) | Mature Content Karlie abandoned her house because of her parents forces her to marry a man that she don't even knows a lot about this man, all just she knows is she will marry him for the business of her parents. Until th...