TIED LOVE <3 2

47 4 2
                                    

JENECA'S POV

 Two days absent ako sa school, first time nga eh, siguro alam naman ng mga teachers at classmates ko ang dahilan. Sa loob ng dalawang araw na yan ay magkasama kaming dalawa kahit gabi na, nag oovernight kami minsan sa bahay nila o di kaya sa bahay namin, nag s-star gazing kasi kami yan ang paborito naming gawin..

At bukas na pala siya aalis papuntang Amerika, meron na lang kaming mahigit kumulang ng sampung oras para magkasama at kailangan naming i-spent yun ng tama, para naman kahit memories ay meron kami.

"Jen, May bisita ka!." makasigaw naman tong si mama, parang magigising pati yung mga kapit bahay! tss. nakakatamad gumalaw eh..at sino naman ang bisita ko? eh gabi na? Tumayo na ako at bumaba wala akong pakialam kung ano ang ayos ko ngayon..nakakatamad talaga eh..

"Buong maghapon siyang nagkulong sa kwarto niya simula nung umuwi siya dito kanina." narinig kong nag uusap si mama at ang bisita ko raw..

"Oh Jen, nandito ka na pala." sabay tingin sakin..na nasa hagdan pa rin nakatayo..

"Ma sino yang kausap mo?"

"Yung bisita mo, sino pa ba? Alangan naman multo di ba?"

"Akala ko kasi multo eh. Hihihi..Aray! Ma naman!" nabatukan tuloy ako -3-

"Bilisan mo diyan, kanina ka pa hinihintay nitong si Paul. Sige bye alis na ako."

"Sige na ingat! Baka matapilok ka sa daan. Hahaha! XD"  *DEATH GLARE*  "Joke lang." at yun umalis na si mama so ibig sabihin kami na lang ni Paul ang naiwan.

S

I

L

E

N

C

E

"Ahm..Jen ano...may gusto lang ako ibigay sa'yo bago ako umalis bukas.” may kinuha siya sa bulsa niya at binuksan ito... SERIOUSLY?! “Ingatan mo’to ah, pasensya na kung yan lang ang kaya kong ibigay. Di bale kapag may trabaho na ako, promise ibibigay ko sa’yo ang lahat ng gusto mo ta---”

“Ssshhh...di ba sinabi ko na sa’yo na huwag kang mangako dahil mapapako yan, naintindihan mo?” tumango naman siya sakin at isinuot niya ang bracelet sa braso ko. Oo bracelet ang ibinigay niya sakin pero itong bracelet na ito ay masasabi kong napakaespesyal, dahil galing ito sa best friend at sa taong mahal at mamahalin ko habang buhay.

Tiningnan ko ang bracelet at may nakalagay na ‘Paul, my KING’ habang sakanya naman ay ‘Jeneca, my QUEEN’, oh di ba ang sweet? Hahaha

“Salamat Paul, nga pala dito ka ba ulit matutlog?” tanong ko sakanya.

“Gustohin ko man pero hindi pwede dahil kailangan ko pang maghanda para bukas.”

“Ganoon ba? Sige umalis ka na, delikado na sa daan dahil gabi na.”

“Ouch naman, parang tinataboy mo naman ako niyan.” shit! Nagpacute talaga ang loko, alam kong cute ka, so please pwede bang itigil mo na yan? Baka hindi kana makaalis bukas! Aish pati sarili ko kinakausap ko na! Sisihin niyo ang bakulaw na’to! Argh!

“Tss. Sige na nga, pero kailangan dapat bukas nandoon kasa airport bago ako umalis. Para naman sa huling pagkakataon ay makita ko ang babaeng pinakamamahal ko, naintindihan mo?” I feel my face turns red when said that to me, nakakahiya! Napakafeeling talaga nito kahit kailan! Pero honestly kinilig ako sa sinabi niya.

¤Tied Love ♥¤ (Short Story) EXO Fan FicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon