MOTHER

33 1 0
                                    

THE MOTHER

Written by: Lorely_03

(WALA PO AKONG GANA SA PAGSUSULAT NITO  KAYA SIGURO PANGET TO....)

"Leo, please don't leave me. You can't do this to me..."Umiiyak na pagmamakaawa ni Miyuki Habang pinipigilan sa braso ang dating katipan.

"I'm sorry Miyuki, but I think I can't stay with you anymore. I need to find my happiness."Matigas na sabi ni Leo.

"Happiness? Bakit Leo? Hindi ka ba masaya sa akin? Paano naman ako?..."Humahagulhol na ang dalaga.

"Im sorry but I need to go."Anito na hinila ang braso na hawak ng dalaga.

"Leo stop, please don't leave me!... I need you..."Anas ng dalaga na nakaluhod na sa lupa Pero ni sulyap ay hindi naman ginawa ng binata.

"Leo, akala ko hindi mo ako iiwan tulad ng ginawa ng iba, akala ko iba ka sa kanila napaniwala mo ako."Aniya sa pagitan ng mga hikbi.

__

"Miyuki, anak kumain ka na. Kahapon pa walang laman ang sikmura mo."Anang Ina niya.

"Mamaya na lang po ma, wala po akong ganang kumain."Mahinang anas niya.

"Pero anak, kahapon ka pa walang kain."

"Mamaya na lang Po ako kakain ma, 'wag niyo na po akong alalahanin."Aniya na nakatitig lang ang mga mata sa kisame.

"Sige, kung yan ang gusto mo."Anito. pagkatapos Ay iniwan na nito ang dalaga.

Nakamata lang ang dalaga sa kisame ng kanyang kwarto habang nakahiga sa kama. Waring nag-iisip ng tamang gagawin.

__

Isang desisyon ang nabuo sa kaniyang isipan. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay naka impake na ang lahat ng kaniyang mga gamit na dadalhin para sa kaniyang pag-alis. Agad siyang naligo at nagbihis pagkatapos ay bumaba ma para magluto para sa kaniyang ina. Kung gugustuhin lang niya aalis siya ng walang Paalam pero may respeto siya sa kaniyang ina at kahit papaano kailangan naman niyang magpaalam dito. Kung bigla nalang siyang aalis baka mag alala ito sa kaniya at magdudulot lang iyon para mas lalong lumala ang kalagayan ng kaniyang ina.

Muling nanumbalik sa kaniyang ala-ala ang masakit na sinabi sa kaniya ni Leo......

"Leo, bakit? Diba gusto naman ako ng pamilya mo? Hindi naman sila tutol sa atin diba?"

"It's Not about my family Miyuki, walang kinalaman ang pamilya ko dito. Sariling desisyon ko 'to at higit sa lahat hindi mo ako kayang pigilan sa desisyon ko. Find your happiness too, Miyuki. 'Wag kang magpaka obsess sa isang lalaki. Maraming lalaki diyan na mas nababagay sa'yo. At kung ayaw mong bumaba ang tingin sa iyo ng isang lalaki huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa isang lalaking ayaw naman sa iyo.!"May pang iinsultong sabi nito.

At sa isa pang pagkakataon muling tumulo ang masaganang luha sa kaniyang mga mata. Paulit- ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang masasakit na katagang binitawan ni Leo.

Sumapit ang 5:00 ng umaga, alam niyang sa mga oras na iyon ay gising na ang ina.

"Good morning, ma."Malungkot na bati niya sa ina.

Malungkot siya dahil sa pagkabigong dinanas sa unang lalaking inibig niya Ng wagas At malungkot din siya dahil sa unang pagkakataon ay maiiwan niya ito.

"Good morning din, Anak."Anito.

__

"Ma, gusto ko lang po sanang magpaalam sa inyo. Aalis na po ako, tingin ko po kasi hindi Ko makakayang manatili dito hanggat hindi ko siya makakalimutan. Mas lalo lang akong masasaktan pag mananatili pa rin ako dito."Malungkot na ani niya.

(One-shot) THE MOTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon