ALVIRA
I can't believe he confessed his feelings to me. Noong una hindi ako naniniwala but he actually made an effort to prove himself that he's really serious. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking kahit binasted ay todo pa rin ang pag-effort nito.
"I cooked Adobong Manok for you," nakangiting wika ni Isandro. Lumaki ang mata ko nang inabot niya sa akin ang isang tupperware na may laman na ulam. Iba talaga ang pakiramdam kapag lalake ang mas may gusto sa babae.
"Salamat, tara kainin natin yang niluto mo," nakangiting sambit ko at pinatuloy siya.
"V! Nasaan yung veet?" Napalingon kami parehas ni Isandro kay Diane na naglalakad habang nakatapis ng towel halatang bagong ligo lang, hinahanap yung pangshave.
Lumaki ang mata ko at narinig ko na napaubo si Isandro at nag-iwas ng tingin.
"Nadia! May bisita tayo!" Suway ko sa kanya. Nang napatingin naman si Diane ay nanlaki ang mata at nagmadaling umakyat para magbihis.
Hinanda ko na yung table para sa lunch namin. Nang narinig ko nang bumaba si Diane ay sinamaan ko siya ng tingin. Tinaasan niya lang ako ng kilay, confused.
"Sarap naman ng luto mo, Isandro!" Puri ni Diane sa kanya. Tumango naman ako dahil totoo naman. Pwede na siya maging chef.
He smiled, "Thanks, Glad you liked it," aniya. "How are you and Marco?" He suddenly asked.
These past few days wala akong narinig na balita tungkol sa kanilang dalawa. Nagbago ang mukha ni Diane na naging seryoso.
"Wala we're okay,"
Tumango naman si Isandro. "Marco has been distant around us lately, hindi niya na kami nakakausap at nakakasama," napatingin naman ako kay Diane. Ano nanaman ang ginawa nitong babaeng ito? May misyon pa kami!
Kumain lang nang tahimik si Diane trying to avoid that topic. After we're done eating. Napasinghap naman si Isandro at tumingin sa akin. "Are you free later?"
"Oo why?" Wala naman talaga akong gagawin kungdi bantayan ka.
"Let's go fishing,"
"Sige, Mag-aayos na ako after linisin—" I was caught off by Diane.
"I'll clean this up instead. You go fix yourself," she insisted at nagsimula nang magligpit ng pinagkainan. Isandro nodded to her at nginitian si Diane.
Mamaya nga kausapin ko itong babaeng ito. Parang may mabigat na nangyari sa kanilang dalawa ni Marco. Kailangan kong ipaalala sa kanya na nasa kalagitnaan kami ngg isang mission na kailangan naming magawa.
Pinaghintay ko muna si Isandro sa sofa habang ako ay naligo at nag-ayos. I wore plunging vneck sleeveless flowy dress that is one inched above the knee at nagsuot ako ng sandals. I tied my hair into a ponytail leaving some tiny pieces on the front before going down.
Napatitig sa akin si Isandro with an amused expression. He was wearing a white vneck shirt and khaki shorts at top sider. He looked so clean and masculine.
"Shall we go?"
Tumango naman ako at pinauna niya lumabas.
BINABASA MO ANG
Twisted Game
General FictionAlvira George Fuentes ay isa sa mga pinakahusay na lady pilot sa Pilipinas ngunit hindi nila alam na isa rin itong illegal na espiya at meron siyang isang misyon na makakapagbago ng kanyang buhay. Dito makikilala niya si Isandro Ponce Ildefonso, isa...