CHAPTER 25 "Confusion..!"

1K 18 0
                                    

Chapter 25:

KASH'S P.O.V

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang bagay na nakita ko kanina matapos kung depensahan kay Haze ang anak ni Kasey na si Kia matapos ng ginawa nyang marahas na paghila sa kamay ng kakambal na naging dahilan ng pag-iyak ni Hazen dahil sa pagkabigla.

'I saw how Kia secretly wiped her tears away...'

And that fucking made my heart broke!!

Gusto ko syang lapitan para yakapin pero at sabihing magiging maayos lang ang lahat pero hindi ko magawa.

Meron akong hindi maipaliwaag na pakiramdam!

Pakiramdam na paano kung naging akin nga ang kambal?! Malamang na kasusuklaman lang nila ako dahil mas ginusto ko pang mamatay sila dati!!

"Ugh! Kash, naman kasi!!!"Nabalik lang ako sa huwisyo nung biglang magsalita si Haze at binato ako ng unan. "Ano na naman ba kasi ang ginagawa nya dito?!! At bakit ba pinigilan mo 'ko kanina?!!"Muli ako nitong binato ng unan.

"Haze--"Hindi pa man ako nakakatapos sa sasabihin ko ay binato na naman nya ako ng unan.

"Hindi mo dapat kinakampihan yung batang 'yun, Kash?!! Hindi!!"

Sinalag ko naman ang unang binato nya bago sumagot. "Haze, naman! Bata lang 'yun! Ano bang alam nun sa mga nangyayari? Wala naman 'di ba?"

"Kahit pa! That stupid girl just made our son cry!!!"Sigaw nito na ikinainit ng ulo ko, gayunpaman ay pinili kong magtimpi muna. "Well, I won't be surprise anymore if one day she become like her mom---A certified flirty woman!!"Nakangising sabi nito.

That hits the bell!

Tuluyan na akong hindi nakapagtimpi kaya naman wala sa sariling nasampal ko ito ng malakas.

Nagulat naman ito dahil sa ginawa ko.

Maging ako ay nagulat din na nagawa kong masampal ang sarili kong asawa at dahil pa 'yun sa isang batang hindi ko naman kaano-ano.

Hindi ko alam pero bigla na lang nag-init ang ulo ko kay Haze  dahil sa itinawag nito sa bata at sa mga sinabi nya patungkol dito at kay Kasey.

'Damn it!! What did I just do to my wife?!!'

"B-Baby, I-I'm sorry,"Agad akong lumapit dito at niyakap sya ng mahigpit.

Hindi ito nagsalita ngunit umiyak naman ito habang nakahawak ng mahigpit sa damit ko.

"Mommy? Daddy?"Pareho kaming natigilan ni Haze matapos marinig ang boses ng anak namin.

Nilingon ko ito at nakita ang masaya nitong ngiti. "Yes?"Tanong naman ni Haze.

"Can I play? Pleaseeeeeee?"Mahina namang natawa si Haze habang ako ay napailing na lamang.

"Sure."Sagot ni Haze sa kanya ng nakangiti. 

"Yes! Thanks mommy! Thank you Daddy!"Agad naman itong tumakbo palabas ng kwarto habang nagtatatalon-talon.

Binalingan ko ng tingin ang asawa ko bago hinawakan ang gilid ng labi nito na may sugat. "O-Ouch! Kash, ano ba?!"

"I'm sorry..."

THIRD PERSON'S P.O.V

"Kiannnnn!!"Malakas na tawag ni Hazen ang bumulabog sa katahimikang namamayani sa kambal.

Katahimikan...

Hindi nagustuhan ni Kian ang ginawa ni Kia kanina kaya naman mayruong tampuhan sa pagitan ng dalawa na ngayon lamang nangyari sa kanila.

Masamang-masama ang loob ni Kia dahil sa nangyayari sa kanilang lahat habang si Kian naman ay disappointed sa kapatid nya dahil inasahan nyang ito ang unang makakaintindi ng sitwasyon nila ngunit nabigo ang pag-asa nyang iyon dahil sa inasal nito.

Kasalan ba ni Kia na makaramdam sya ng takot, ingit at selos?

Kasalanan ba nyang mahal na mahal lang nya ang kapatid nya at natatakot syang pati ito ay piliin ang nakababatang kapatid kumpara sa kanya na kasama na nito simula nung ipinagbubuntis pa lamang sila ng kanilang ina?

Hindi.

Hindi nya 'yun kasalanan dahil kung tutuusin ay takot lamang syang maramdaman ang naramdaman ng kanyang ina dati.

"Hey!"Masayang bati ni Kian sa kapatid na si Hazen.

"Kian, let's go and play!! I'm excited to play!"Sabi nito habang nagtatatalon-talon at nakataas ang dalawang kamay.

"Sure."Akmang tatayo na si Kian nung biglang sumigaw si Kia.

"Kian, don't!!!"Galit nyang sigaw sa kapatid.

"Will you please stop it, Kia?!!"Inis namang tugon ng kapatid sa kanya.

Dahil sa sobrang inis ay agad na lamang itong pumasok sa loob ng mansyon habang umiiyak at hinanap ang kanyang tumatayong ama.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay ang kanyang tunay na ama ang kanyang naabutan sa sala.

Agad namang napatingin ng nag-aalala si Kash sa kanya bago ito lapitan.

"Hey, are you okay?"Lumuhod pa si Kash ng kaunti para lamang mapantayan sya ngunit sa halip na sumagot ay nanatili lamang itong tahimik.

Hindi ito kumibo o gumalaw man lang ngunit patuloy pa din ito sa pag-iyak.

Sa 'di kalayuan naman ay nakita nyang parating si Chase na nakatingin din sa kanila. Nginitian sya nito bago nya binalik ang tingin kay Kash.

"It's your fault..!"Mahina ngunit madiing sabi nito bago tumakbo palapit kay Chase na agad naman syang sinalubong ng isang mapagmahal at matamis na ngiti nito bago sya binuhat at niyakap ng mahigpit."Daddy!!"Umiiyak na tawag nito sa kanyang ama-amahan.

Parang namang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ni Kash dahil sa eksenang nangyari. 

Gulong-gulo na ito kung bakit ba sya nakakaramdam ng ganito sa kambal na anak ni Kasey.

Hindi nya alam at hindi na talaga nya maintindihan.

Gustong-gusto nya na sya ang tumayo at kilalaning ama ng kambal ngunit hindi nya alam kung bakit o kung dapat ba!

Lumabas na lamang sya ng sala at nagtungo sa gilid ng pool.

Hindi na din nya pinansin ang nakamamatay at mapang-akusang tingin ni Chase sa kanya.

Malamang ay iniisip nito na sya ang nagpaiyak sa bata!

Pero hindi!

Alam ni Kash sa sarili nya kung gaano kaespesyal ang mga bata para sa kanya!

Kaya hinding-hindi nya ito magagawang mapaiyak kahit kailan.

Pero...

Hindi nga ba???

© MerliahSofia

The Billionaire's Woman: Kash Adler (R-18+) || Under Major Revision ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon