CHAPTER 33

1K 13 1
                                    

Chapter 33:

"So, sinabi mo na pala kay Kash??" Bungad na tanong sa'kin ni Chase sa loob ng kusina.

~FLASHBACK~

"Kash, sa'kin ka naman maniwala---"

"Bakit, Haze? May balak ka bang itangi?"Nakangising tanong ko sa kanya.

Galit na galit naman syang tumingin sa'kin.

"Shut up!!!"Pasigaw na bulyaw nya sa'kin.

"Don't shout, Haze. Mas lalo kang napaghahalataan!"Mas lalo ko pa itong nginisian.

"Kash---"

"All this time! For all this time, Haze! Wala ka palang ibang ginawa kun' di ang lokohin lang ako!! Kung anak mo nga si Huxley kay Josh?!! Then, it means na yung batang ipinakilala nya sa'kin ay ang batang minsan kong tinuring na akin!! Na pinalabas nyo lang na patay na!!"

"Kash---"

"Exactly, kash! Exactly!" Tuwang- tuwang putol ko kay Haze na ang sama na namang makatingin.

"Sinabi ng manahimik ka!!!"Galit na galit na sigaw nito sa'kin.

Sa halip na manahimik ay tinawanan ko lang ito.

"Didn't you know, Kash, na alam ni Haze ang tungkol sa mga anak natin?? Pero hindi nya 'yun sinabi sayo..."Natatawang sabi ko.

"Totoo?!!!" Galit na tanong ni Kash kay Haze.

"So, what kung hindi ko sinabi sa'yo?!---"Pareho kaming nabigla ni Haze nung sampalin ni Kash ng ubod ng lakas si Haze na ikinatumba nito.

Napabaling sa kaliwa ang ulo nito at nung lumingon ito sa'min ay duon ko nakitang umaagos ang dugo mula sa gilid ng labi nito habang umiiyak.

"Kash..."Umiiyak na tawag nito sa panglan ni Kash.

"Unang-una sa lahat! Wala kang karapatan para itago sa'kin ang tungkol sa mga anak ko!! Wala, Haze!! Wala!!!!"

Nginisian ko na lamang ulit si Haze bago ako tumalikod at iniwan silang dalawa.

'I finally did it!! Ako pa din ang panalo sa huli, Haze! Ako pa din!'Mas lalo pa akong napangisi dahil sa naisip ko.

~END OF FLASHBACK~

Isang linggo na ang nakalipas matapos ng bagay na iyon at madami ding nangyari.

"Yeah."Tanging naisagot ko na lamang.

"Kasey, are you mad at me??"Malungkot na tanong nito.

"Of course not!" Sagit ko bago lumapit at yumakap sa kanya."I miss that resort, Chase. I hope we can still go back there."

"Of course, we can.."Nakangiting sagot namam ni Chase.

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya."Itatapon ko lang yung basura sa labas. Kumain na kayo ng mga bata."

Dinampot ko na yung trash bag at dinala iyon palabas ng bahay.

Nung matapos ay agad na dapat akong papasok sa loob ng bahay nung may berdeng van ang huminto sa harap ko.

Tatakbo pa sana ako papasok matapos makita ang hawak nilang mga baril pero agad na nila akong hinatak papasok sa loob ng van.

***

THIRD PERSON'S P.O.V.

Alalang-alala na si Chase kay Kasey dahil hindi pa din nila ito mahanap.

Tatlong araw na simula nung magpaalam si Kasey sa kanya na magtatapon lang sya ng basura pero hindi na ito bumalik pa hanggang sa umabot ang tatlong araw.

The Billionaire's Woman: Kash Adler (R-18+) || Under Major Revision ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon