***
ASTROPHILE BAND
***
"OMG! May performance ngayon ang Astrophile Band, hindi ba?" Kinikilig na sabi ni Cassy. Ang dakilang fangirl ng Astrophile Band.
Well, I can't blame her.
Sikat sila sa university namin, bukod kasi sa pare-parehong talented ay anak pa ng A&L entertainment ang isa sa kanila. Aldreid Adrian Torres - Ang nag-iisang boyfriend ni Celestine Victoria Montazon.
Ako lang iyan, huwag na kayong magulat.
"Grabe! Ang swerte naman ng babaeng mamahalin nila, 'no? Si Adrian na taga-pagmana ng A&L Entertainment, Si Killian na anak ng pinaka-mayamang negosyante sa bansa at si Ryven na anak at apo ng CEO of LU university and LU hospital. Hay! Luluhuran po lahat." Palihim akong natawa sa naging saad ni Cassy.
Siya talaga ang sobrang fan ng A-Band, ako naman ay nanonood ng performance nila pero, kay Adrian ako focus. He's the guitarist of the band.
"Baliw! Nakalimutan mo ata si Gab. Napaka-hot kaya nun pagnaka-hawakan ng drum stick." Kinikilig naman na dagdag ni Belle.
"Dzuh! Asawa ko iyon, syempre kahit hindi iyon mayaman ay handa akong mangalakal ng basura kasama siya." Nailing na lamang ako at tuluyang lumabas ng klase.
Kung tutuusin ay sikat na talaga ang banda nina Adrian kung hindi lang masyadong private at mahigpit ang management na nakahawak sa kanila. Iba-iba rin sila ng kurso ngayong college na kami kaya minsan na lang sila mag perform.
Tahimik akong nagtungo sa practice room ng A-Band. Palihim na nakangiti nang makita ang nobyo ko. Ginulo niya ang buhok niya at kumuha ng tubig para uminom.
"Babe!" Nakangiti kong tawag sa pangalan niya. Napalingon sina Ryven at Killian. Si Gab naman ay abala na naman sa cellphone niya. Laging ganyan iyan, parang may sariling mundo.
"Wala kanang pasok?" Malambing niyang tanong. Lumapit siya at humalik sa pisngi.
Kinuha ko muna ang panyo at pinahid ang pawis sa noo niya, "Tapos na. Maaga kaming pinatapos. Panay reklamo ba naman si Cassy." Mahinang natawa si Adrian.
"Have you seen my Little sis?" Tanong ni Adrian. Umiling ako. Baka may bantay na naman si Leandra kaya hindi na naman makapanood ng performance nila.
"Tsk! Baka pinabantayan na naman ni Mommy." Ngumiti na lamang ako at nagpaalam sa kaniya na sa kaniya. Sumilip lang talaga ako dahil mamaya ay magkakagulo na naman sa court. Paniguradong madami na namang lalapit sa kanila.
***
"Saan ka galing?" Tanong ni Cassy nang maupo ako sa tabi nila. Hindi naman sa tinatago namin ang relasyon namin ni Adrian, pero hindi rin naman namin sinasabi sa lahat ang relasyon namin. Kung ano ang nakikita nila o iisipin nila, iyon na.
"Galing ka na naman siguro kay Adrian, ano ba kayo?" Tanong naman ni Belle. Hindi ako sumagot sa halip ay ngumiti na lamang ako.
Hinayaan ko lang silang asarin ako dahil limang minuto nalang ay magsisimula na ang banda nina Adtian.
"Okay na 'to. Sa ngayon ay free pa iyong performance nila pero pag na debut na sila, sure ako na isa lang ang matitirang kidney ko." Biro ni Cassy, na sinang-ayunan naman na iba kong kaklase. Kapag ganitong may event ay nagkakaroon talaga ng performance ang Astrophile Band. Minsan ay tatlong kanta o dalawa, depende sa kung ilan ang gusto nilang gawing cover.
"Astrophile!!!" Halos sabay-sabay kaming sumulyap sa entrance ng basketball court nang pumasok ang A-Band. Nanguna si Ryven na mukhang may hinahanap sa audience. If I'm not mistake ay iyong secret girlfriend niya.
Sumunod si Killian na parehong saka lagay ang kmay sa loob ng bulsa ng pantalon niya. Habang magkasabay naman si Gab at Adrian na nakangiting kumakaway sa amin.
Halatang kabisado kung saan kami naka-upo, e.
"Omg! Ang pogi talaga ni Ryven!"
"Itabi niyo, ako na riyan kay Killian!"
"Sa inyo na ang tatlo, basta sa akin si Gab!"
"Go, Adrian!" Malakas na sigaw ni Cassy. Baliw talaga 'to minsan.
Nakangiting kinuha ni Killian ang mic, "Good afternoon, Laurent University!" Muling nagsigawan ang tao sa court nang marinig ang malambing na boses ni Killian.
"Namiss namin kayo." Dagdag naman ng nobyo ko. Bigla akong kinilig kahit buong campus na ang namiss niya.
"It's nice to be here again. Singing in front of you, LU students!" Mahina akong natawa nang magsalita si Ryven, halatang napilitan na naman, e.
"Sing with us!" Malakas na sigaw ni Gabriel. Muling nag-ingay sa buong basketball ball. Lalo na nang magsinulang maggitara si Adrian at sinabayan naman ni Gab nang pag-drum.
Hindi pa man nagsisimula ang kanta ay para na kaming nasa totoong concert.
Nang hawakan ni Ryven ang mikropono ay kusang tumigil ang ingay, na para bang signal iyon na magsisimula na siyang kumanta.
"Here I am waking up, still can't sleep on your side. There's your coffee cup. The lipstick stain fades with time. If I can dream long enough, you'd tell me I'd be just fine, I'll be just fine."
Ang malamig niyang boses ay hindi masakit sa tainga pakinggan. Ang linis ng boses niya kahit pa halatang nag-rehearsal pa sila.
"So I drown it out like I always do. Dancing through our house. With the ghost of you, and I chase it down. With a shot of truth. Dancing through our house. With the ghost of you"
Mas lalong lumakas ang pagtugtog ni Adrian at Gab sa drum at gitara. Muling umingay ang lugar nang mapagtantong si Killian na ang kakanta.
Si Killian ang main vocalist ng banda, in short siya talaga ang may pinaka-magandang boses sa kanilang apat. Siya din ang may pinaka-madaming taga-hanga sa kanilang apat.
"Cleaning up today. Found that old Zeppelin shirt. You wore when you ran away. And no one could feel your hurt. We're too young, too dumb. To know things like love. But I know better now (Better now)"
Ramdam na ramdam ni Killian ang pagkanta nun. Na para bang alam niya kung paano ilalabas ang emosyon niya sa pamamagitan ng pagkanta.
Isa lang ang masasabi ko, para kaming nanood ng concert sa sobrang ganda ng boses ni Killian. Mas lalo pang gumanda ang kanta nang magback-up singing si Ryven. Ang malamig niyang boses ay bumagay sa kalmadong boses ni Killan. Nakangiti kong pinanood si Adrian na nag-eenjoy masyadong manood sa bawat reaksyon namin.
"So I drown it out like I always do. Dancing through our house. With the ghost of you, and I chase it down. With a shot of truth. Dancing through our house. With the ghost of you"
Nagulat ako nang sabay-sabay nilang ikanta ang huling linya ng ghost of you. Well, narinig ko naman ang boses ni Adrian pero, iba pa rin pala kapag nasa harapan siya ng madaming tao, deretsong nakatitig sa mga mata ko, na para bang ikaw lang ang babaeng nakikita niya.
-To Be Continued....
BINABASA MO ANG
One More Chance For Us, Dr. Torres - ( This Love Series - 2)
RomanceTHIS STORY IS GOING UNDER REVISION, MEANING I WILL BE MAKING CHANGES TO THE PLOT, CHARACTERS AND MORE ____________ CELESTINE VICTORIA MONTAZO & ADRIAN ALDREID TORRES Why do we love someone when we are not destined to be t...