Chapter 01

259 7 15
                                    

Mabilis akong nagtungo sa A-Band room nang matapos ang performance nila. Like what I've expected, nakaupo sa sahig si Adrian, parehong nakapikit ang mata habang nakasandal ang ulo sa pader. Mukhang napagod sa performance nila.

Tatlong kanta ba naman ang pinarinig sa amin. Siguro ay bumawi sila dahil matagal na rin nang huli silang mag-perform.

Maingat akong umupo para mapantayan siya, ang nakapikit niyang mata ay unti-unting dinilat para makita ako.

"Sorry. Naabala kita." Bulong ko. Umiling siya at umupo ng maayos. Wala pa ang mga kasama niya. Siguro ay palihim na naki-pagkita sa mga nobyo nila.

Alam ko ay hindi taga rito ang girlfriend ni Gabriel, si Rhys naman ay sa ibang department at si Killian, baka nasa labas na naman ng LU. Bumibili ng siomai do'n sa babaeng gusto niya. Nakakatuwa dahil halatang patay na patay siya ro'n sa babae.

"Napagod ako ro'n. Wala ba akong pampalakas diyan?" Mahina kong hinampas ang braso niya. Andrian and I started as a friend. He's my first love kaya sobrang ingat ko no'ng nagsisimula palang kami. We never kiss or date privately, madalas ay may kasama kaming dalawa. It's not that I don't trust him.

Nine months kaming magkaibigan, at kahit ngayon na dalawang taon kaming magnobyo, hanggang kiss sa forehead, cheeks and holding hands lang kami.

Lumaki ako sa isang conservative and religious parents. Halos araw-araw ay pinapangaralan nila ako. And Adrian respect them. Kahit na minsan ay kami lang ang nandito, hindi siya gunagawa ng first move.

"I love you." He said. Hinawakan ko lang ang kamay niya at ngumiti rito.

"Kumain kana ba?" Tanong ko. Mabilis siyang umiling kaya kinuha ko ang bag ko kung saan nandoon ang dala kong pagkain. Mapili kasi si Adrian sa pagkain, hindi nga siya kumakain sa canteen, e. Siguro ay nasanay lang siya sa lutong bahay.

"Girls scout?" Nakangisi niyang tanong. Simula rin kasi ng maging kami, parang nakasanayan ko ng magdala ng pagkain. Abala rin kasi sila sa study at sa band nila kaya minsan ay nakakalimutan niyang kumain.

"Ang galing mo kanina." Ngumiti lang siya habang kumakain. Hinayaan ko nalang muna siyang kumain. Nakakatuwa lang siyang pagmasdan. Lalo na pag ganitong gutom siya, parang lahat nalang ng iluluto mo ay masarap sa kaniya.

Nang matapos siyang kumain ay saktong dumating na rin si Ryven Rhys. Hindi siya kumibo, halatang wala na naman sa mood. Ganyan naman iyan, laging galit sa mundo.

"What's wrong? Hindi na naman ba dumating si Rexha?" Tanong ni Adrian. Tumango lang si Ryven at tahimik na sinandal ang ulo sa keyboard ng piano. I'm not really sure kung girlfriend niya ba iyon nililigawan palang.

"Una na ako? May kailangan pa akong ayusin, e." Paalam ko kay Adrian. Tumango siya bago tumayo. Tinulungan niya ako at sumulyap kay Ryven. Nakayuko pa rin 'to halatang pagod talaga.

Tuluyan na akong lumabas at nagtungo muna sa building namin. Wala naman na akong pasok pero nakalimutan ko lang ang libro ko. Habang nasa hallway ay rinig ko ang mga babaeng nag-uusap. Hindi ko sana iyon papansinin nang bigla kong marinig ang pangalan ni Adrian.

"Sus! Siya lang naman ang walang talent sa kanila. Nasama lang sa Astrophile dahil anak mismo ng CEO." Kumuyom ang pareho kong kamay. Hindi ako palaaway o mahilig maghanap ng gulo pero pag ganitong si Adrian ang usapan, tumataas ang dugo ko.

One More Chance For Us, Dr. Torres - ( This Love Series - 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon