Prologue

30 2 0
                                    

Mary Claire's POV

•••

Naglalakad ako sa hallway ng Centre High. Napapaismid ako tuwing may mga nakikita akong nakatingin sakin. Fuck you, all! Ang ganda sanang sumigaw ng ganun habang nakataas ang middle finger kaya lang graduating na ako ngayong school year. Susubukan kong magtino dahil kahit papano gusto ko rin namang makapagtapos at makatungtong sa college. Though wala namang naniniwala na may pangarap akong ganun. Everyone see me as a delinquent brat. Bangungot ang tingin sakin ng mga teachers.

Nangunot ang noo ko nang may nakita akong studyanteng umirap sakin. I glared at her as I mouthed my famous 'fuck-you'. Nagitla ito at mabilis na umalis. Tsk. Takot naman pala. Pasalamat siya at bagong buhay ako ngayon. Well, unang araw palang naman ng klase kaya hindi pa ako sure sa mga pinagsasasabi ko. Malay mo maya-maya may masusuntok na ako kaagad.

Iba-iba ang mga nakakasalubong kong mga schoolmates. Commoners, populars, nerds, jejemons at marami pang iba. May mga lovers na nagkukuwentuhan na tungkol sa summer nila, may mga sawi at loner na nasa sulok lang nakatunganga, may mga nerds na halos madapa na sa hawak na mga libro, mga commoners na walang pakialam sa paligid, mga higad na tumitili pag may dadaang heartthrobs. May mga heartthrobs rin na puro lang sa mukha, wala namang substance. Siyempre andiyan rin ang mga mean girls na nagpapapansin sa mga heartthrobs. Isama pa ang mga maarte at mga feeling ganda nilang mga alipores, taga bitbit lang naman ng bags. De Prada at LV, fake naman! Tsk. Tsk. Tsk.

Hay buhay! Ako? Isa lang naman akong ewan. Oo, ewan! Hindi ko alam eh. Basta ang alam ko lang, tao ako na palamura, mahilig sa away at gulo, mahilig mag-ditch ng class, mambully ng mga schoolmates. Hobby ko ring asarin ang mga mean girls. Lalo na yung mga taga-cheering squad! Konting flirt ko lang sa mga crush nila, ayun sasabog na sila. Kasalanan ko bang lumalapit at kumakagat rin sa laro ko ang mga lalaking gusto nila? Hindi naman ah. Nakakatuwa kasi silang tingnan pag galit, parang galit na canvas. Isa pang hobby ko ay landiin ang mga playboy dito sa campus at sasabihin mismo sa kanila ang famous lines nila gaya ng 'break na tayo', 'ayoko na, you're no fun to be with', 'I'm just playing around, okay?', so on and so forth. Ganun kahit wala naman kaming label. Then the nerds! Gustong-gusto kong kinukuha ang mga eye glasses nila at ibabalik lang pag uwian. Yeah, child acts it is. But I love it! Gustong-gusto kong gawin ang mga iyon.

Laging sumasakit ang ulo at tumataas ang alta presyon ng mga magulang ko sakin.

Hay pero makakapagtapos ako, no matter what!

Dumeretso ako sa cafeteria, nakipag-apir pa ako sa mga kakilala ko. Marami naman akong kaibigan, though halos lahat sa kanila lalaki. Tapos yung iba naman, graduate na.

Napangisi ako nang mamataan ko si Vivian na nakapila sa may counter habang may kausap na guy. Kung hindi ako nagkakamali ay ka-edad lang namin ang lalaki. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya kaya baka transferry. Kapansin-pansin rin na maraming schoolmates naming babae ang nakatingin dun sa guy. Well, the guy's quite handsome. May mga impit na tumitili pa nga.

Vivian is the mean girl's leader. Siya ang pinakagusto kong inaasar sa kanilang lahat. Nakangiti ito habang may pahampas-hampas pang nalalaman habang kausap ang lalaki. Nasa likuran niya as usual ang mga alipores niya.

Shez! Natutukso tuloy akong inisin si gaga. Pero dahil mahirap baguhin ang mga bagay na nakasanayan mo na... Here I am, naglalakad papunta sa dereksiyon nila.

Naks, ang lapad ng ngiti ni Lola. Di niya alam paparating na ang bangungot niya. Tsk. Nanlaki ang mata ng mga alipores ni Vivian na nakakita sakin. Nginitian ko lang sila.

Nang makalapit ay agad akong bumati. "Hello, Vivian!"

Natigil sa pagsasalita si Vivian. Her ugly smile faded. I giggled as she ridiculously look at me.

"Long time no see, Vivian-girl. How's your summer?" kunwari ay tanong ko ngunit agad kong inilipat ang tingin sa lalaking kausap niya kanina.

Nakatulala ito sakin. I smiled. He's handsome really, a godlike creature.
Brush up ang hairstyle niya. Makapal ang kilay, singkit ang mga mata, aristocrat nose and reddish sexy lips. Bagay na bagay rin sa kanya ang uniform namin. Para siyang real life anime na madalas kong makita sa mga manga books.

Parang familiar ang features niya, ewan.

I step forward. Hinarap ko ang lalaki, tinabunan ang pigura ni Vivian na nasa harap niya.

"Hi there, cookie!" sinadya kong palambingin ang boses ko sa lalaki. Bahagya kong sinulyapan si Vivian sa likod ko. Lalong lumapad ang ngisi ko nang makitang hindi na mai-drawing ang mukha niya.

Nang balingan ko ang lalaki ay nakatitig na ito nang mariin sa akin. Lalong naningkit ang singkit nitong mga mata. I tilted my head towards him.

"Maria Clara?" he muttered.

What?!

Biglang nanlaki ang mga mata ko. What the heck?! How did he know my name? My real name?!

"Heck?! How did you know my name?" may bahid na ng inis ang boses ko. Shit! Buti nalang mahina lang ang pagkakasabi niya nun, kundi!

He look at me, surprised. Umangat ang gilid ng labi niya habang kagat-kagat ang ilalim ng labi. Tila pinipigilang matawa. Lalo tuloy kumunot ang noo ko.

Hinakbang ko ang paa ko para mas lumapit sa kanya ngunit wrong move. Humakbang rin pala siya kaya ilang pulgada nalang ang layo namin sa isa't-isa. What the fuck! I cursed under my breath.

He smiled. "Clara, it's me. River." he said.

Then parang computer na sinaksakan ng USB ang utak ko nang banggitin niya ang pangalang yun. Nag-umapaw na mga senaryo ang nag-flash sa utak ko.

River?! As in RIVER SARMIENTO?!

Yung inaanak ni Daddy na madalas sa bahay noong 11 years old palang ako? Yung batang bastos na hinalikan ako noong grade 6 ako?! Hindi lang basta smack na kiss, kinain niya yata ang buong labi ko noong mga oras na yun! Shit! Kaya pala familiar ang mukha niya.

Heck! I'm doomed--- no! He's doomed! My jaw clenched.

Nandilim ang paningin ko at bago ko mapigilan ang sarili ko, tumama na ang kamao ko sa mukha niya. Singhapan ang mga studyanteng nakakita ang pumailanlang sa paligid.

"Oh my God, what did you do, Claire?!" matinis na boses ni Vivian. Ngunit hindi ko siya pinansin. Wag siyang magkakamaling lumapit dahil pati siya masusuntok ko.

I glared at River. Lalo akong naiinis nang nakangisi pa siya habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Fuck you." I raised my middle finger before I exited the cafeteria.

"Bye, Maria Clara!" sigaw niya pa kaya mas lalo akong nangitngit sa inis.

Fuck shit!

At dito nagsimula ang bangungot ko...

•••

CONFESSIONS OF A HANDSOME JERK (Sarmiento#1)Where stories live. Discover now