Chapter 3

9 2 0
                                    

Mary Claire's POV

•••

"Maria Clara, hintay!"

Agad akong tumakbo nang makitang papalapit na si River sakin. May nadaanan akong kaklase ko na kaibigan ko.

"Aries! Catch! Pakidala sa room." initsa ko sa kanya ang bag ko. Agad niya naman iyong nasalo at pabiro pa akong sinaluduhan. Nginisihan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagtakbo. Pinagtutulak ko ang mga studyanteng humaharang sa daanan ko.

"Clara!"

Napalingon ako sa likuran at nanlaki ang mga mata ko. Heck! Bakit niya ba ako hinahabol?

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Hindi nalang kaya ako papasok, tutal second day palang naman naman. Hindi pa nagkaklase ang mga teachers.

The bell rang! Hudyat na magsasara na ang gate.

I cursed. Bakit ngayon pa? Buwesit! Pambihira! Ang taas pa naman ng pader ng Centre High, mahirap akyatin. Proven and tested by yours truly. Ilang beses na rin akong umakyat dun, minsan inaabot ako ng sampung minuto sa pag-akyat. Ilang beses na rin akong nahulog. 12 feet? Sinong buwesit ang magpapatayo ng ganoong kataas na pader. Wala rin namang mga puno sa malapit para kung sakali pwedeng akyatan.

Nasa dulo na ako ng hallway. Wala nang studyanteng nagagawi rito.

"Clara, ano ba?!"

What the fuck! Nakasunod parin pala siya sakin!

Tumigil ako sa pagtakbo at bahagyang hiningal. Ang layo kaya ng tinakbo ko. Nilibot ko na yata ang buong building.

"Bakit ka nanghahabol?" anggil ko. Kami lang ang tao rito sa dulo ng hallway. Nag e-echo rin ang boses ko sa paligid.

"Bakit... bakit... ka... kasi... tumatakbo?!" putol-putol niyang sabi habang hinihingal. Sigurado ako, kung mag carpet lang sa sahig, siguradong sumalampak na siya dun. Psh. Akala mo naman siya lang ang tumakbo.

"Bakit ka kasi sumusunod?"

"Eh tina... tinatakbuhan mo ako!"

"Hindi kita tinatakbuhan, duh!?"

"Oh eh, saan ka pupunta? Dun ang room natin!" sabay turo niya sa kabilang dulo ng hallway.

"Natin?" my forehead creased. Wag niyang sabihin na...

Tumango siya. "Oo, classmates tayo. Wala ka kasi kahapon kaya hindi mo alam." wika niya. My universe shattered.

"Saan ka ba kasi pupunta? Pasalamat ka di kita sinumbong kahapon kina Tita."

Yan na nga ba ang sinasabi ko. Sumbungerong lalaki.

"Hindi ako papasok." simple kong wika. Hindi ako magpapahalatang nati-threaten ako sa sinabi niya.

"Ano? Na naman? Saan ka ba pumupunta?" sunod sunod niyang tanong.

"Tatay kita? Tatay?!" pambabara ko sa kanya.

Humakbang siya papalapit sakin. He's face looks frustrated.

CONFESSIONS OF A HANDSOME JERK (Sarmiento#1)Where stories live. Discover now