Chapter 2

3 1 0
                                    

"Nasan ka na?" bahala ka sa buhay mo lam mo yun dahil malakas amats natin mga tol ng sinabi niyang bilisan ko mas lalo ko pang binagalan sabi naman ng mama niya hanggang 6 pm bukas ang office na yun so eto ako ngayon binibilang ang bawat hakbang na aking ginagawa habang palayo sa silid na humuhubog sa akin para sa kinabukasan lalim ba legit yan honor student to kahit gaganto ganto to.

"Antagal niyo!" niyo? So ibig sabihin may iba pa kaming kasama bakit hindi niya sinabi pero mabuti narin siguro para hindi naman kami masyado mailang sa isa't-isa.

"Niyo? sino-sino ba tayo?"

"Isa ko pang tropa sasabay daw eh." tignan mo nga naman talaga oh sa chat normal makipagusap sa personal ang sarap nalang makipagusap sa pader kung saan madalas napupunta ang mga baby ko baka nga mas magsalita pa yung mga yun eh.

"Ahhhh okay andito na ako sa jeep give me 5 minutes and I'll be there." oh diba may pa 5 minutes pa tayong nalalaman para sosyal.

Hindi pa ako nagpapakilala no okay my name is Mark Zyan Costalona 17 years old nakatira sa bahay ng aking best friend na si Mike Ark Dela Cruz reason broken family kasi kami at nahirapan akong magtransfer sa Muntinlupa kung saan na kami nakatira ng aking ama masyadong mahigpit ang school na papasukan ko doon at tatanggapin nila ako basta next school year pa ako gagaraduate edi parang bumalik lang din ako ng g11 diba gagaraduate na nga tayo eh. Yung ibang details ng buhay ko saka ko na ikukuwento okay nandito na kasi ako sa terminal at binibilisan ko na baka iwananan nila ako eh.

"Ikaw palang?" tanong ko siyempre with matching hingal para hindi tayo masermonan mga sir.

"Oo." patay galit na ata.

"Nasan na yung tropa mo?"

"Wala pa nga eh hindi ako nirereplyan hindi din online."

"hintayin nalang natin baka malapit na siya."

at yun nga po mga sir ang Great Wall of China ay bumalik na naman sa pagitan naming dalawa isipin niyo nalang nandito kami sa terminal nakatayo malapit sa pila pero hindi nagpapansinan at dahil masiyado akong natuwa sa Summer time saga kanina dahil wala ang mga teacher namin nag shutdown na ang pinakamamahal kong cellphone buti na nga lang nareplyan ko pa to kanina eh kung hindi huh patay na tayo ngayon.

"F... lowbat na ako tara na nga." galit na to pustahan ang hirap naman ng sitwasyon ko ngayon pag nakita ko lang talaga yung tropa mong yun uppercut siya sa akin.

"Hindi na natin siya hihintayin?" tanga ka ba bakit ganyan pa tanong mo ewan ko ba matalino ka naman pero bakit ganyan ka.

"Bahala siya kung gusto mo hintayin mo basta mauuna na ako."

"Woi ang sungit meron ka ba ngayon tara na nga." hinila ko nalang siya papunta sa pila siguro ako nalang muna magaadjust sa ngayon hays miss ko na rin tong bestfriend ko eh hindi dahil sa crush ko siya miss ko na yung kaibigan ko ganon. Siguro ngayon dapat kumilos muna ako bilang bestfriend niya hindi yung Mark na may gusto sa kaniya. Ewan ko o nagiimagine na naman ako sa lawak ng jeep sakin pa siya tumabi like diba galit ka sa akin? O dahil dalawa lang naman kami kaya alangang lumayo pa siya.

"Aabot kaya tayo?" tanong niya.

"Oo naman maaga pa naman eh."

"Paano kung -."

"Stop aabot tayo trust me." sinasabi mo boi.

"Sabi mo eh." wait nagusap ba kami? ngayon lang ata kami nagusap ng normal yung hindi galit or sarcasm yung tono. Ewan ko lang ah pero ang gaan ng feeling ko ngayon feeling ko lang naman eh. At dahil nagtila anghel ako ayon nakuha namin ang inaasam namin na permit problema nga lang magkaiba kami ng lugar na pagdadausan.

"Bacoor ka talaga anlayo naman."

"Eh Muntinlupa nilagay kong permanent address sa form ko eh."

"Yan kasi."

"Eh totoo naman kasi yun dun naman talaga ako nakatira." medjo badtrip ako ngayon at tila halata yun sa tono ng boses ko.

"Chill ok lang yan pareho parin namang test yun eh." wait tumawa ba siya? this is the first time not actually the first time na nakita ko siyang tumawa pero diba galit to sa akin sakyan ko na nga lang.

"Ewan ko sayo uuwi na ba tayo?"

"Ikaw?"

"Ikaw nga una kong tinanong eh."

"Maaga pa naman eh gala muna tayo." feeling ko hindi na to galit sa akin ano kayang nangyari sa kanya sa byahe namin. At yun nga mga sir gumala pa kami pumunta sa mall like sa National bookstore, Comic Alley, at kung saan saan pa puro tingin lang naman ako mga sir dahil wala tayong pera naubos ko na.

"Hindi pa pagod?"

"Medjo uwi na tayo?"

"Hmmm sige tara na." at yun nga sumakay kami sa jeep syempre magkatabi na naman kami magkasama kami eh.

"Diba students kayo."

"Ayy opo ma'am bakit po?"

"Bakit wala ng sukli binayad niyo 50 pesos yun ah."

"25 po ata isa eh."

"Oo yun yung regular pero diba may discount kayo ayan nga oh kitang kita na estudyante naman kayo." oo nga no naka uniform ako at pareho kaming may school I.D so tama si ate karapatan namin na mabigyan ng discount sa gantong mga bagay.

"Kuya estudyante tong dalawa na to oh sukli nila." like nakakahiya ate pero tama naman kasi siya bakit ka mahihiya kung ikaw yung tama diba at yun binigyan kami ni kuya ng tig 5 pesos.

"Salamat po ma'am." at nginitian lang niya kami like ang cool ni ate kaso ako yung nahihiya sa nangyari.

"Lalake gisingin mo ako ah pag bababa na tayo."

"Bahala ka diyan."

"Lah sige na."

"Oo na may magagawa pa ba ako."

"Wala, gisingin mo ko ah."

"Oo" at para malaman kung galit pa ba talaga sa akin tong kumag na ito sinandal ko ulo ko sa balikat niya legit yung antok ko mahina kasi talaga ako sa biyahe pero in fairness mga tol, bitch, at sir hindi siya kumibo hinayaan niya lang ako dahil likas na malandi ang tao kahit nahihirapan ako tinuloy ko padin I feel safe eh char pero legit nawala yung uneasiness ko kapag nabyahe ngayon isama ko kaya palagi sa byahe ko to at dahil alam kong mahaba ang byahe sinubukan kong umidlip pero nakakapagtaka lang wala pa atang 5 minutes pumara na siya at ginising nya na ako. Ako naman syempre hilo kasi patulog na ako oh.

"F.... mali tayo ng binabaan."

"Ha?"

"Mali ata tayo ng binabaan."

"Edi sumakay nalang tayo ulit."

"Wait, malapit na naman tayo eh lakadin nalang natin."

"Tinatamad ako."

"Kaya ka di napayat eh hindi ka naglalakad lakad kasi."

"Alam mo yang pagiging matipid mo ikakamatay natin yan."

"Talaga?."

"Hindi."

"Bahala ka diyan."

"Woi hintayin mo ako." at yun nga nagsimula na kaming maglakad sa ilalim ng madilim na kalawakan kasi 6 pm na din nagenjoy ata kami sa pagtitingin tingin eh.

"Malapit na ba tayo?"

"Oo malapit na wag ka puro reklamo."

"Ewan ko sayo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Kuwento Ni MarkWhere stories live. Discover now