Chapter 1

1.3K 35 5
                                    

MIRA.

Lunes ng umaga, nasa labas agad ng bahay namin si Justin. Nakaupo sa motor niya at nagse-cellphone kaya hindi niya napansin ang paglapit ko. Dahan dahan kong sinilip ang cellphone niya pero napasimangot ako dahil nanonood lang pala.

Akala ko, may inii-stalk.

Walang imik akong sumakay sa likod ng motor nya at ang loko, walang pakiramdam. Patuloy pa rin sa pagse-cellphone. I crossed my arms and watch him sighed.

"Ang tagal naman ng babaeng yon," bulong niya at mula sa likod, nakita kong binuksan niya ang messenger niya at pinindot ang convo namin.

Napasulyap ako sa cellphone ko na umilaw. Naka silent kasi kaya hindi tumunog. Nakita ko doon ang chat ni Justin na napakamanhid at hindi alam na nasa likuran na niya ako.

JusTHIN kase hindi fat: tagal, vip ka?

Ngumisi ako at sineen ang chat niya. Nakatalikod pa rin siya sa akin at hindi pa rin ako napapansin. Manhid ba talaga ito o shunga? Bakit hindi niya man lang naramdaman na andito na ako sa likod niya?

Sinukbit ko ng ayos ang bag ko at walang habas na yumakap sa kaniya kaya muntikan na kaming matumba nang mapatalon siya sa gulat.

"Dragonball ni Bulbasour!" Sigaw niya at nanlalaki ang matang lumingon sa akin. Natawa ako nang malakas dahil sa gulat na gulat na expression niya. Ang gulat na expression ay napalitan ng pagtataka. Nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at sa pintuan ng bahay namin.

"D-diba?... hindi ka naman lumabas... paanong..." Tumaas ang kilay ko at kinuha nalang ang helmet ko na nakasabit sa handle ng motor niya.

"Kanina pa ako nandito sa likod mo. Hindi mo napansin kasi nanonood kang porn eh," sambit ko. Natawa ako nang paluin niya ang bibig ko.

"Walang hiya ka! Hindi ano 'yun, pokemon 'yung pinapanood ko," sabi niya at lumingon lingon pa kaya napalakas ang tawa ko. Sumimangot lang siya at sumakay na.

"Kapag ako nainis sa 'yo, ihuhulog kita," bulong niya na narinig ko naman kaya mas lalo akong natawa.

Mabilis niyang pinaandar ang motor pero imbis na matakot ako, itinaas ko pa ang kamay ko at dinama ang hangin.

"Hoy, Miranda! Kumapit ka nga!" Sigaw niya. Umirap ako at kinapit ang isang braso sa kaniya at ang isa ay nakataas pa rin.

Ganun ang nangyari hanggang makarating kami sa tapat ng campus. Nakita ko naman doon ang apat pa naming kaibigan na lalaki. Josh, Stell, Ken and Pablo. They're my friends but I'm most close with Justin. Ikaw ba naman kasabayang lumaki eh.

"Bakit mukhang pinagsakluban 'yan si Jah?" Salubong ni Ken kaya nilingon ko si Justin na nakasimangot. Natatawang kumapit ako sa braso niya. Inirapan niya ako pero hindi niya tinanggal ang kamay ko.

"Alam na kung sinong salarin!" Sabi ni Stell at tinuro pa ako. Tumawa lang ako at inaya na silang pumasok sa loob.

Justin and I grew up together. Magkapitbahay lang kami kaya nakakasawa ang mukha niya. Charot. We studied in the same elememtary school and imagine that? Anim na taon kong kaklase, walang palya. Mula grade 1 hanggang 6 kaklase ko tapos nung highschool, kaklase ko na naman? Kaya ayan, quota na ako sa pagmumukha niya.

Josh, Pablo, Stell and Ken is one of our playmates whe  we are in elementary. Si Josh at Justin ay magkaibigan dahil malapit ang magulang nila. Stell, Pablo and Ken are our classmates in elementary kaya close ko din sila. When highschool came, kami lang ni Justin ang naging magkaklase at nahiwalay sila and now we are in fourth year, kaklase ko na naman ang limang ito.

"Alam niyo ba? Si Ken, kanina nung sinundo namin sa bahay nila, kasama niyang lumabas si Xianne?" Nakangising sabi ni Stell at si Ken, sumimangot agad.

Xianne is Ken's neighbor. Ang alam ko, may gusto ang babae sa kanya kaya kapag nang-aasar si Ken, ibi-bring up lang nila si Xianne, mananahimik na agad siya.

"Anong ginawa niyo?" Tanong ko.

Sumimangot si Ken. "Nagdala nang pagkain tapos ayun, nakipagkwentuhan kay Mama," sabi lang niya at nagsuot na ng earphones kaya nagkatinginan na lang kami.

"Anong lunch natin mamaya?" Bulong ni Justin kaya tiningala ko siya. Wala na ang kaninang busangot na mukha niya. Maayos na ulit, gwapo na ulit siya.

Napanguso ako para mag isip. Araw araw kasi kaming sabay mag-lunch at kada araw, pareho kami ng ulam. Ayaw daw niya kasing kumain kapag hindi rin 'yun ang kakainin ko. Minsan kapag nagustuhan ang isang ulam, halos araw arawin namin pero ngayon, nagke-crave ako sa dinuguan kaya ayun nalang siguro.

Lumingon ako sa kanya. "Nakain ka naman ng dinuguan, diba?" Tanong ko. His brows furrowed and looks at me with his confused face.

"'Yong may maitim na sabaw?" Tumango ako.

Siya naman ngayon ang ngumuso. "Masarap 'yon?"

Napailing na lang ako. Iba talaga kapag rich kid.

"Oo naman. Marami ring sahog na pork 'yun kaya masarap," sabi ko. Tumango tango naman siya at ngumiti.

"Dinuguan, then."

Naging maayos ang simula ng klase namin. Justin is attentively listening pati yung apat kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanila at tumingin sa bintana.

Someone caught my attention.

Halos mapanganga ako nang makita ang isang lalaki na makisig na naglalakad. Malinis ang uniform nita at napakaputi. Parang kakaahon lang sa washing machine at kaka-plantsa lang. Ang buhok niya ay may matingkad na kulay na brown kaya kahit sa malayo ay kitang kita. Bumaba ang tingin ko sa mata niya at nagulat ako dahil nakatingin 'yon sa akin. I saw how his lips slowly form a smile.

"Sinong tinitingnan mo?" I heard Justin asked pero hindi ko maialis ang tingin sa lalaking nakasandal sa tapat nang classroom namin. Nang lapitan siya ng dalawa pang lalaki, hindi pa rin naalis ang tingin niya sa akin at ganon din ako.

"College students yan ah," Justin said pero may bakas ng lamig sa boses niya pero hindi ko pa rin maalis ang tingin sa gwapong lalaki na naroon.

He glanced at his friends and I saw how sharp his jawline is. Matapos ay lumingon siya at muling ngumiti hanggang mawala na siya sa paningin ko kasabay ng pagsara ng kurtina pero nakatulala lang ako at dahan dahang napahawak sa dibdib ko.

"Mag-focus ka sa klase, Mira," Justin said but a smile was formed on my lips.

Mukhang nakahanap ako ng crush ah!

-

Edited Version.

BELONG WITH ME | SB19 Justin ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon