Chapter 2

731 30 1
                                    

MIRA.

Inilibot ko ang paningin ko sa cafeteria. Umaasa na dito rin kumakain 'yung lalaking nakita ko kanina. Malaki naman ang cafeteria kaya dito kumakain ang highschool and college students.

Ang school kasi namin ay may highschool and college students kaya sobrang lawak nang campus. Magkalayo din ang college building sa highschool building pero kaya namang lakarin.

"Muntik na akong ma-zero doon sa surprise quiz!" Reklamo ni Josh kaya sa kanya nabaling ang tingin ko.

"Ilan score mo?" Tanong ni Stell.

Josh showed him three fingers on the right and 5 fingers on the left.

"35? Eh, up to 40 'yung quiz! Ako ba pinagloloko mo, Josh Cullen?" Pablo exclaimed pero inirapan siya ni Josh.

"Shunga, 3 + 5 kase! 8 lang ang nakuha ko!" Sabi niya kaya natahimik ako pero sila nagtawanan. Kumain na lang ako at nanahimik. Baka pagtawanan din ako sa score ko.

"Ikaw, Mira? Score mo?" Ayan na nga ba ang sinasabi ko.

I sighed and frowned. "Five," sabi ko. Nagtawanan na naman sila kaya lalo akong sumimangot.

Bully.

"Ang galing! Ako kasi, 9 over 40 lang eh!" Stell laughed.

Napailing na lang ako at nilibot muli ang paningin ko. Naputol lang ang pagtingin tingin ko nang kalabitin ako ng katabi ko.

"Kumain ka, bakit panay lingon ka?" Sambit niya at nang tingnan ko ay nakakunot ang noo niya. Napanguso ako at umisang lingon pa at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang kanina ko pa hinahanap.

Tumatawa siya kasama ang mga kaibigan at naglakad sila palampas sa table namin at naupo sa katapat na table sa likod nila Josh kaya tanaw na tanaw ko siya.

Hay, napakagandang tanawin naman. Nakakaganang kumain!

Ngumiti ako at tumitig sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang pagtama ng tissue sa mukha ko.

"Hoy, Miranda! Anong nangyayari sa 'yo? Bakit ganyan ka makatitig? Crush mo ako?" Napasimangot ako sa sinabi ni Josh.

Akala niya siya ang tiningnan ko! Assumero ampotek.

"Lumayas ka diyan, may tinitingnan ako!" Sabi ko at hinawi ang mukha niya at ayan, ang napakagandang view.

"May crush ka doon? College students 'yan ah," rinig kong sabi ni Stell. Pati sila ay nakalingon na din kaya naman sinaway ko.

"'Wag kayong lumingon. Parang mga tanga ito! Mahahalata tayo eh!" Sabi ko pero nginisian lang ako ni Josh at lumingon muli doon.

"Castro!" He shouted at ganoon na lang ang gulat ko nang nag-angat ng tingin ang crush ko. Pakiramdam ko ay aatakihin ako nang tumayo ang crush ko at lumapit sa amin.

"Uy, Josh pre!" Napalunok ako nang makalapit na siya sa table namin. Yumuko ako bago pa niya ako balingan ng tingin.

"Drake, p're. Kumusta?" Tanong ni Josh at nakipagyakapan sa crush ko.

Hoy, madaya! Dapat ako may yakap din!

"Ayos lang. Maayos na sa pag-aaral. Kailangan na eh, baka hindi maka-graduate," natatawang sabi niya. Nag-angat ako ng tingin pero napayuko muli ako nang makitang nasa akin pala ang tingin niya.

"May gagawin ka ba? Lika, upo ka muna dito. Pakilala kita sa tropa ko," Josh asked at automatiko akong umusog palapit kay Justin. Halos mapatili ako nang tumabi sa akin ang crush kong gwapong gwapo.

Nilingon ko si Justin nang marinig ang pagbaba niya ng kutsara at pag-inom ng tubig. He's just staring at his food at tahimik.

"Hi, you're the girl on the window, right?" Nilingon ko naman si crush na nakangiti na pala sa akin.

Oxygen, please!

I smiled and tuckled my hair behind my ear. "Y-yes. H-hi..." sabi ko at narinig ko ang pagpigil ng tawa ni Josh.

Drake smiled and offered his hands. "I'm Drake. By the way, you're cute," he said kaya hindi ko maiwasang hindi pamulahan.

Ano ba 'yan! Gusto kong tumili at maihi sa kilig pero syempre, nakakasira ng poise 'yun kaya kalma muna. Dalagang Filipina, Mira.

"Nice to meet you," I said and tuckled my hair behind my ear.

"Kumekerengkeng, saan na ba pamalo ko?" dinig kong bulong ni Pablo kay Josh kaya natawa sila pero sinamaan ko lang siya ng tingin. 

Drake stayed with us until his blockmates called him. Nagpaalam siya kay Josh pati sa amin. They all bid him goodbye, pati ako pero si Jah, abala sa kanyang cellphone kaya habang pabalik kami sa classroom, pinalo ko ang balikat niya.

"Why?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Bakit hindi ka man lang nagpaalam kay Drake?" Tanong ko. I heard some whistles pero nakatuon lang ang paningin ko kay Justin na sumimangot.

"Hindi kami close," sabi niya at natahimik na hanggang makarating kami sa classroom. The afternoon class went well kagaya noong pang-umaga. Pinagawa lang kami ng ilang essays, pinagsolve ng mga formula at pinakopya.

"Tara, fishball tayo! Libre ni Mira!" Walang hiyang sabi ni Josh pagkalapit sa amin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ang kapal ng mukha mo, 'no?" Sambit ko pero nginisian lang ako ng loko.

"Biro lang, ito naman. Ilakad na lang kita kay Drake!" Sabi nya saka umakbay pa sa akin. Nilingon ko naman siya dahil talaga namang nakaka-enganyo ang offer niya.

"Sure ka? Ilalakad mo ako?" Tanong ko. He smiled smugly and nods.

"Oo naman, gusto mo itakbo pa kita eh," sabi niya kaya napangisi na rin ako at pinanliitan siya ng mata.

"Sure 'yan?"

"Oo! Peksman!"

"Deal!"

Nag-apir kami at tumuloy na din palabas. Sinabayan ko ng lakad si Justin na nakatutok na naman sa cellphone niya kaya siniko ko.

"Tahimik mo," puna ko. Nilingon niya ako at pinakita sa akin ang cellphone niya kaya nilapitan ko 'yon. Napatango naman ako nang makita ang ginagawa niya.

"Para kay Kuya Yani 'yan?" Tanong ko.

"Yes. Malapit na siyang mag-migrate abroad eh. Bibilhan ko man lang ng pabaon," sabi niya kaya natawa ako.

Kuya Julian, Justin's older brother was promoted to his corporate job at na-assign siya sa branch abroad. Magse-stay yata siya doon ng ilang taon kaya ayan, tumitingin si Jah ng pwedeng ipambaon sa kuya niya. Hindi man kasi halata, close siya sa kuya niya. 'Yung panganay kasi nila, si Kuya CJ ay pamilyado na at matagal nang nakabukod kaya mas close si Justin kay Kuya Yani.

"Oh, tusok na. Tusok all you want!" Sambit ko nang makarating kami sa stall na may tindang fishball, squidball, kikiam, kwek-kwek at marami pang iba.

"Mira, gusto mo nito?" Nilingon ko si Justin na nasa kabilang stall at may itinuro kaya lumapit ako sa kanya at nakitang may tinuturo siyang shakes.

I nodded immediately and smiled at him. Alam kasi niyang favorite ko ang shakes!

"Anong flavor ang sa inyo?" Tanong ng tindera. Sasagot sana but Justin beat me to it.

"Chocolate."

I smiled at him and gave him two thumbs up.

"Very good, my boy!"

-

Edited Version.

Sabay ko na ito sa editing ng Sweet Lullaby!

BELONG WITH ME | SB19 Justin ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon