Andrew's POV
It's been two days since we got here.
Lunes ngayon at naghahanda kami para sa pag pasok. Ayos na ayos na daw ang papers kaya pwede ng pumasok.
Matapos kong magbihis ay dumiretso ako sa kwarto ni shanty.
Kumatok ako ng dalawang beses at ng nadinig ko ang pagsasalita niya ay pumasok na ako.
"good morning baklaaa!!!" masaya kong bati sakanya
"achim!" ngiti niyang sagot din na gamit ang sarili naming lenggwahe
"grabe baklaa parang nakakapanibagong pumasok no?" ani ko ay saka umupo na sa couch ng kwarto niya.
Busy siya sa pag aayos ng gamit pang school niya.
At dahil transferee kami ay regular ang auot namin. Naka high waisted skirt nanaman ang lola niyo at bongga naka heels!
" kaya nga bakss. Bka nakakahiya sa school mamaya" alanganin niyang sagot
"ano ka ba bakla?! Sa ganda nating to?! Nakoo mamatay sila!" sabi ko at nag kunyaring paypay sa sarili ko.. Dinig ko naman siyang natawa.
"anong konek don bakla?!" natatawa niyang sabi at naupo na paharap sa akin. Pansin ko naman don ang band aid sa sugat niya. Tskk uma arangkada nanaman ang kaputihan ng baklaang to!
"Basta,dimo gets bakla" sabi ko at pinalo ang balikat niya dahilan para samahan niya ako ng tingin.
Pinatalikod ko siya sa akin saka sinuklay ng buhok niya"Bakla, bagong school to ha? Kaya wag kang mag mamaldita. Sana din madali kang maka adjust sa new environment mo ha?" malumanay kong sabi at narinig ko itong tumawa
"tss oo naman baklaa! Ako pa?!" nag mamayabang niyang sabi kaya tumawa kaming dalawa
"o siya! Tayo na diyan at rarampa na tayong mga dyosa" sabi ko at tumayo. Tumayo naman siya at sinapok ako sa likod at naunang lumabas
"anak ng animal na baklaaa! How dare you!" pag sigaw ko at naiiritang sumunod. Kita ko naman siyang tawa ng tawa habang pababa sa hagdan.
Tsk! Di lang kita mahal na bakla kaaa!! Hay nako! Sana may makita akong bagong PAPABLE mamaya^_^ Mwehehehhe.
Shanty's POV
Sabay kaming bumaba ni bakla pagkabukas ng driver. Nandito kami ngayon sa harap ng Admin office at ngayong time nato ay kuha namin ang atensyon ng mga estudyante at lahat sila NGANGA! whahahah.
Nag tinginan kami ni andrew at sabay na natawa. Sabay kaming naglakad papunta sa harap ng limousine at nag apir pa
"o myghasss bekss! It's really a paradise!" aniya at tinapik pa ako
"tsk! You look like an ignorant frog Andrew!" naka ngisi kong tanong at mula sa nakatawa niyang muka naging simangot ito
"ang ganda mo talaga baklaa! Tsk! Tara na!" irita niyang saad at nauna ng nag lakad ako naman ay tatawa tawang sumunod.
Hindi namin kasabay si saturn papunta dito. Kasi hindi pa kami nakakabihis ay umalis na siya sabi ng katulong.
Tuluyan na kaming pumasok sa office. Napaka ganda nito. Gray lahat ng kulay doon ultimo gamit at pader ay kulay abo. Pati ang mga interior design. Meron ding mga magilanngilan na paintings at grabe anding trophies.
Ang lawak din ng office. Talagang mayaman ang may ari ng school."Good morning ma'am, sir. What can we do for you?" tanong sa amin ng babae doon na sa hula ko ay baka nasa mid 40's palang
"uhmmm. We're here to get our schedule and uniform, you know transferee" sagot ni andrew. Pag may nagtatanong kasi laging si andrew ang pinapasabak ko kaya pag may pupuntahan ako lagi ko siyang kasama.
Mahinang natawa ang babae dahil sa tono ni andrew
"okay, wait there, I'll get it" sabi niya at ngumiti saka tumayo at may kung anong kinalikot na mga papeles.
Matapos siguro ng ilang minuto ay bumalik ito sa harap namin para i abot ang mga hinihingi namin
"here, thank you" sabi niya
Inabot naman ito ni andrew. Ngumiti kami pareho dito saka nilisan ang lugar..
"Room no. 108 baklaa" sabi ni andrew na nakatingin sa schedule namjn. Binibit bit niya din ngayon ang mga uniforms namin pareho
"geu bang eo where eo??" pagtatanong ko sakanya
"ayy baklaaa baka transferee tayong dalawa?" sarkastiko niyang bigkass
"tsk! Dodaeche mueos-i" irita kong sabi at natawa naman ako sa pag ikot ng mga mata niya
"tch! San na ba kasi ang saturn na yan?!! Imbes kasi na samahan tayo ngayon eh!" frustrated na wika niya. Habang ako ay patawa tawa lang din.
"baliw ka talaga! Eh kung nagtanong na sana tayo?!!!" sigaw ko
"maygasss may pakinabang ka din pa lang bakla ka!" aniya. Inirapan ko lang siya at naglakad ulit. Siya naman ay may tinatanong ata na studyante.
Nagpatuloy lang ako ng paglalakad ng patalikod. Hanggang sa may mabangga ako sa likuran ko
"what the hell?!!!" isang tinig mula sa lilod ko malamang siya yung nabangga ko. Humarap ako dito at tumambad ang magandamg dalaga.
Matangkad ngunit mas matangkad ako hehehe.
"sorry, sorry" pagpapaumanhin ko
"do you have eyes bitch?!!" malditang tanong niya. Taena nagpakumbaba na nga ako eh!
"etteohge saeng-gaghae?" (what do you think?) mataray ko ring sabi. Huh! Neknek niya kung papatalo ako!
"what?!! Are you crazy? What are you talking about?!!!" maarte niya pading sabi habang pinupunasan ng tissue ang kamay niya
" you! Im talking about you bitch!" sabi ko at naramdaman ko na ang presensya ni baklang andrew
"ibwa museun il-iya?" (hey, what's happening?) tanong sakin ni andrew at tinignan ang babaeng naka bangga ko
"that bitch! Nag sorry na nga ako pero nagalit padin! Myghaaad!" napapapikit kong sabi
"hey? Ms. Whoeveryouare. Anong nginungutangot mo dyan nag sorry na nga diba?" mataray ding sabi ni bakla
Napangisi ako ng kumunot ang noo ng babaeng nasa harap namin. Dito kami magaling ni bakla eh ehahaha
"what can your sorry do?!!" sagot nito
"tanga ka ba?!! Common sense!!! Boba!" sabi ko naman at mas lalo pa akong mapangisi ng mamula ito sa inis walang nagawa ito kundi ang mag walk out!
"boooom!!!" sabay naming sabi ni baklaa at nag apir pa.
"tigas ng muka nung baklang yun ah! Kalurkeyyy!" sabi ni baklaa at lunyaring nag ayos ng buhok. Tumawa naman ako dahil don!
Matapos ang iyon ay hinanap namin ang room na sinabi ng kinausap kanina ni andrew. At pag dating namin don ay star struck nanaman silang lahat. ^_^
+++++++++++++++++
ATE BARS NOTE:
hi guysss??? ^_^ yung mga translations pala ng mga sinasabi nila is meron na don pero yung iba pag nag kataon ay hindi ko lalagyan ng translation para exciting ^_^
Thank you for reading ^_^^_^
