Chapter 1

3 1 0
                                    

"Angel,come here honey." tawag pansin ng mommy niya sa kanya.

Nasa isang event sila ng araw na iyon at sinama ulit siya ng magulang niya. This event are for the kids na ulila na ng lubusan at ang parets niya ang namamahala dito. Her parents build a foundation para makatulong.

Mabait ang parents niya at mapagmahal lalo na pagdating sa mga bata kaya siguto pati siya ay napamahal na din sa mga ito.

Naka upo siya ngayon kasama ang ibang mga organizers sa event na iyon at nakikipag kwentuhan. At nang tawaging siya ng mommy niya ay nag excuse muna siya sa mga ito.

Nang makalapit siya dito ay kaagad siyang pinakilala nito sa mga kasama nito.

"This Angel Gia my only daughter."pag papakilala nito sa kanya.

" Hello po good afternoon po." pagbati niya sa mga ito.

Mangiti ngiti siyang nakipag kamay sa mga ito at ng matapos ay tumayo siya sa gilid ng mommy niya.

"Naku kumare malaki na pala itong anak mo na alala ko nakikipaglaro lang ito sa mga bata noon pero tignan mo naman ngayon dalagang dalaga na kung umakto." sabi ng isang babae doon. Ngumiti naman siya dito.

"Ilang taon ka na ba iha?" tanong naman ng isa sa kanya.

"17 pa lang po ako madam." sagot niya dito.

"Naku bata pa pala itong anak mo Angela." sabi nito sa mommy niya. "Siguro maraming nanliligaw sa iyo noh? Gandang bata mo eh." tukso nito.

"Ahmm..wala po." pag de-deny niya.

"Sa ganda mong yan? Jusko iha kahit ideny mo yan halata naman na maraming nanliligaw sa iyo." saad naman nito. Nag blush naman siya dahil sa sinabi nito.

"Naku Claire kahit naman may manliligaw yang anak ko ay hindi pa yan pwede mag boyfriend lalo na at strikto ang asawa ko." sabi ng mommy niya.

Nagtawanan naman ang mga ito dahil sa sinabi ng mommy niya. At natigil lang ito ng dumating ang daddy niya.

"Anong pinag-uusapan niyo wife?" tanong ng daddy niya ng makalapit ito at tumabi sa kanya.

"Tungkol lang kay angel at sa mga manliligaw. Sinabi ko lang sa kanila na hindi pa spwede mag boyfriend si angel dahil masyado pa siyang bata at kasi alam kong magagalit ka hubby." pagpapaliwanag ni mommy.

"At talagang hindi muna siya pwede mag boyfriend tsakana pag trenta anyos na siya." saad naman ng daddy niya.

At dahil sa sinabi ng daddy niya ay lalong nagtawan ang mga taon doon pati ang mommy niya.

"Grabe ka naman Arthur baka mamaya tumandang dalaga yang anak mo." saad naman ni Madam Claire.

"Oo nga hubby ayoko naman mag isa iyang anak natin." saad naman ng mommy niya.

"Hindi naman niya kailangan ng lalake sa buhay niya nandito naman ako wife." pag aargumento nito.

"Tama si Dad,Mom nandyan naman kayo kaya hindi ko na kailangan ng ibang lalake sa buhay ko. Ayaw mo nyun Mom mas maaalagaan ko kayo ni Dad." sang ayon niya sa daddy niya.

"Aww ang sweet naman ng baby ko." sabi ng daddy niya at hinalikan siya sa noo.

"Ang swerte niyo naman sa anak niyo Arthur at Angela maganda na mabait pa." sabi naman ni Madam Dan na sinang ayunan naman ng lahat.










Next Page for the next chapter~

Behind Her InnocenceWhere stories live. Discover now