Chapter 1:

34 0 0
                                    

August 30, 2012:

Isang taon mula ng namaalam ang aking pinakamamahal na si Ian. Ngayon ay naghahanda na ako, dadalaw kasi ako sa kanyang puntod. Kasama ko ang aking alagang aso na kanyang iniregalo sa akin. Ang pangalan ng alaga kong aso ay Iani, bakit nga ba Iani? Ian + Ani = Iani.

Nilalakad lang namin ni Iani ang daan papunta sa puntod ni Ian. Malapit lang kasi sa subdivision namin yung sementeryo kung saan siya nakalibing. Habang naglalakad kami ay may nadaanan ko ang restawran na lagi naming kinakainan sa tuwing magkasama kami, sa restawran na iyon ay tumutugtog ngayon ang aming theme song. Nakarating na rin ako sa wakas sa sementeryo at natatanaw ko na ang museloe kung saan naroon ang kanyang puntod. Papalapit na ako sa Museleo na iyon. Natanaw ko ang mga malalaking litrato sa loob nito at nakita ko ang mga litrato naming dalawa. Ako'y unti unti pang lumapit. Lagi akong nakaupo sa gilid ng kanyang puntod sa tuwing dadalaw ako rito. Halos kalahating araw ako narito. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang aming litrato, naiiyak ako at naaalala ang mga masasayang ala-alang kanyang iniwan.

To be continued...

Its Really Hard to Let Go.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon