Nine

6 1 0
                                    


THE LEE FAMILY

Chapter 9

Pinakilala ako ng mommy ni Emmy sa pamilya Lee bilang bestfriend nito. Napansin ko naman ang pagka kunot ng nuo ni King ng sulyapan ko siya. Yes Im your Fiance's bestfriend!

Nalaman ko rin na si Jax pala at si King ay mag pinsan sa mother side. Pero dahil ulila na si Jax eh sakanila narin ito tumutuloy ngayon.

-

Nakamasid lang ako kay Ruru, habang unti unti nitong pinupuno ang aking plato ng ibat ibang ulam na nakahain doon.

Hinayaan ko nalang siya nang mag umpisa siyang kumilos para saakin kanina. Wala parin siyang pinagbago. 

Kung diko pa nga siya pinigilan ay baka nagmukha nang gabundok ng pagkain ang aking pinggan.

"Thank you." Nakangiti kong sabi sakanya. Bago inasikaso naman ang sarili.

Tumusok ako ng gulay at dahan dahang sinubo yun nang mapadako ang paningin sa aking harapan. Natigilan ako ng makita ang supladong tingin ni King. Nakapatingin din ako sakanyang tabi ng maramdaman din ang masamang tingin ni Jax. Nakakunot nuo paitong sumulyap kay Ruru pagkatapos ay saakin ulit. Ano bang problema ng dalawang to?

Naagaw ng aming pansin si Emmy na mukhang hirap na hirap sa pag hiwa ng karne sakanyang plato. Natigilan naman ako sa aking pag subo ng biglang kinuha ni King ang plato nito at pinag palit sa plato ni Emmy. Pagkatapos ay hiniwa nito sa maliliit na piraso ang lahat ng karne sa plato. Ibinalik ulit sa harap ni Emmy ang plato at kinuha ang sariling plato.

"Ang sweet." Narinig kung bulong ng pinsan babae ni Emmy saaking tabi.

Yumuko ako at parang walang ganang hiniwa hiwa din ang ilang karne saaking plato. Ang dali dali lang naman hiwain nito-. Natigil naman ako ng maramdaman ang pag dikit ng braso ni Ruru sa aking braso.

"Let me." Sabi nitong nasa pinggan ko ang paningin. Kinuha nito sa aking mga kamay ang kutsilyot tinidor.

"It's okay Ruru."

Pero wala naakong nagawa nang  lumapit pa siya lalo, hindi gaya ng ginawa ni King na pinagpalit ang kanilang plato ni Emmy, sa aking harap niya mismo ito hiniwa ng maliliit. Binalik niya saaking mga kamay ang kubyertos at ngumiti.

"Kumain kapa ng marami."

Medyo nahiya naman ako sa inasal nito, feeling ko namumula ako ng mapansin din ang tingin ng iba naming kasama sa hapag. Ngumiti nalang ako sakanya at nagpasalamat ulit.

Tumikhim naman si King pagkatapos ay  ang medyo malakas na pagbagsak ng iniinumang baso ni Jax.

"Whats wrong Iho?"

Tanong ng mommy ni King. Nilingon naman ito ni Jax at nginitian.

"Diko po sinasadya tita. Im sorry."

Baling niya din sa ibang kasama namin sa hapag. Pero ng dumako naman saakin ang tingin nito ay biglang nangunot ang nuo.
pareho sila ni King na masama ang tingin saakin.









---

Nabusog ako. Pinilit kong ubusin ang laman ng aking plato. At dahil narin mayat maya akong sinasabihan ni Ruru na ubusin ko iyon.

Andito na kami ngayon sa likod ng kanilang bahay, sa may pool side. Ang mga matatanda naman ay tinuloy ang pag uusap sa living room at umiinum ng alak. Kasama ko dito ang ilang pinsan ni Emmy, naiwan naman sa living room si Ruru, hinila ito ng mga tito. Ilang buwan din kasi itong namalagi sa cebu kaya marahil ay namiss din siya ng mga ito.

"CRUSH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon