Six

5 1 0
                                    

SANA ALL



Chapter 6








"Emms.."

"What's wrong Fab? You looked down."


huminga akong malalim, gustong kong ikwento sakanya yung moment namin kanina ng crush ko, yung typical na after along day, i chichika mo sa Bestfriend mo yung pangyayari sainyo ng crush mo. But this time, hindi ko kaya. At hindi maaari.

Ngumiti ako.

"Na miss lang kita. Magkalapit naman yung building natin, pero hindi man lang tayo nagkikita."

Kita ko naman sa screen ang pag sad face niya. Nag vivideo call kami ngayon ni Emmy. Maya maya bigla nalang siyang tumawa, May sira din talaga tong babae na to.




"Wala naman kasi tayong subject man lang na magka klase tayo, pero  Namiss din kita Fab, okay lang yan. text mo nalang ako kung may free time ka okay."

Tumango nalang ako. Tapos nakinig sa mga kwento niyang wala nang katapusan. Kinwento niya ata lahat ng ngyare sakanya ngayong araw. Diko naman masabi yung part ng first subject ko at yung part na may yumakap saakin. Pag naalala ko kinikilabutan ako.


Maya maya bigla siyang natahimik, hindi siya makatingin sa screen.


"You know what Fab? I think I'm Inlove."

Nakangiti niyang sinabi, kita ko rin ang pamumula ng kanyang pisngi.

I don't know how will I react.


Maganda si Emmy, mababa lang ng konte saakin ang taas niya. Last month lang pinagupitan niya ang mahabang itim na buhok hanggang sa taas ng kanyang balikat. Pero mas lalo lang syang gumanda sa ayos ng buhok niya ngayon. Maputi rin at sexy ang katawan. Palaging naka ngiti gaya ng mga magaganda niyang mga mata. 

Hindi malabong ma Inlove rin sakanya si King. Madali siyang magustuhan. Sa isipang yun nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Diko makuhang maging masaya para sakanya.



Unti unti akong ngumiti.



"Im happy for you Emms."

"Hindi mo man lang ba itatanong kung kanino?"

"Kanino ba?"

Do I need to asked?  It's too obvious.






Sasagot na sana si Emmy, nang may nagsalita sa likod niya. Mukhang katulong nila.


"Andyan na sila? Ahh okay manang. Bababa na po ako. Saglit lang."

Nakatalikod siya sa screen habang sinasabihan si manang. Bumaling siya saakin pinatong ata ang tablet na gamit sa kung saan. At nakita ko nalang siyang tumayo na parang nag mamadali.

"What's wrong Emms?"

Bumalik siya sa harap ng screen.

"Andito ang pamilya ng fiance ko Fab. Oh god! Hindi paako bihis. May dinner pala kami ngayon. Sorry Fabi. Mag usap nalang tayo bukas okay. Mwaa."

Tapos pinatay niya na yung monitor.
Napahinga nalang ako ng malalim.






Sana all.

----

Lumipas ang ilang araw,
Friday na ngayon. Maaga palang nasa classroom naako. Syempre tinupad ko yung promise kung dina malilate.

Biglang tumahimik yung maingay kung mga kaklase ng pumasok si Mam Magbanua, kasunod nito si King!

pansin ko nitong nakaraang mga araw ay halos palaging sabay na dumadating ang prof at si King. Para bang saka lang siya pumapasok kapag andyan na si mam. Napalingon ako sa gilid ng pasalmpak siyang naupo duon. Nakakunot ang nuo at parang naiinis parin. Sa lumipas din kasing mga araw pansin kong palagi siyang mukhang badtrip at hindi pa namamansin.

Hindi ko naman masabi kung dahil ba ito doon sa huli naming pag uusap o may iba pang dahilan.

Dahil din tahimik nalang siya at halos wala talagang kibo, hindi na masyado ako inaatake ng kaba pag ganitong magkatabi kami. Unti unti din ay nasasanay akong nakikita siya araw araw. Pero diko din maiwasang malungkot pag naiisip kong wala na siyang balak na kausapin ako.

May mga pagkakataon namang nahuhuli ko siyang nakatingin din saakin, pag sumusulyap ako sakanya paminsan minsan. Pag ganun ay iiwas lang siya at ibabalik ulit ang paningin sa harap.  Diko naman maiwasang kiligin ng tahimik sa tuwing nahuhuli siyang naka tanaw din.

Napahinga naman akong malalim. Isa pang naiisip ko ay yung report namin nextweek. Sa monday na yun at diko alam kung paano ko siya kakausapin tungkol dun. Kaya naisip ko na kakausapin ko siya after class. Bahala na kung pansinin man niya ako o hindi. Kung hindi naman niya ako tutulungan ay okay lang. kaya ko naman sigurong mag isa gawin ang report nayun.


Bago nagpaalam si mam Magbanua ay tinawag niya kaming dalawa ni King. At ni remind about saaming reporting sa monday. Sabay naman kaming sumagot ng

"Yes Maam."

Nakita ko sa gilid ng mga mata kong umupo siya ulit. At hindi parin nagligpit ng gamit. Mabilis na lumabas ang iba naming kaklase, dahan dahan namang nilagay ko sa aking bag ang aking mga gamit. Sinulyapan ko siya at medyo nagulat pa ako ng makitang nakatingin din siya saakin.


Bago paman ako makapag salita ay bigla na siyang tumayo at sinabit ang kanyang bagpack sa isang balikat. Naglakad siya pa harap saakin, hindi siya tumigil kahit na sobrang lapit na niya saakin. Napaatras ako ng tumigil siya halos 3 Inches nalang ang layo saakin. Wala naakong matrasan dahil nasa likod ko ang aking arm chair!

Matangkad siya saakin ng di hamak kaya naka tingala ako sakanya. Achievement ito dahil nakakaya ko nang makipag titigan sa kanya ng ganito! Sa sobrang lapit niya saakin ay naamoy kona ang mabango niyang hininga. Na siyang dahilan ng pag bilis ulit ng tibok ng aking puso.


Hindi kagaya noong lunes na ngumingisi pa siya. Ngayon naman ay masyado siyang seryoso. Galit nga ata siya saakin.

"Let's meet tomorrow."

"Ha?" Ano daw?

"I said Let's meet tomorrow, for the report."

Report! Oo nga pala. Ano ba! Nawawala nanaman ata ako saaking sarili. Lumayo ako ng konte sakanya at bumalik sa bag ko at sinirado ang zipper nito.

"Okay. Text mo nalang ako kung saan."
I said without looking at him.

"I will call you."

Dahan dahan ko siyang hinarap. "Okay."
Gusto kong mag sorry sakanya tungkol dun sa huling pag uusap namin. Ayokong maging mukhang masama at maldita sa paningin niya.

"Ahm-"

"I'll go ahead." Bigla nalang siyang naglakad paalis. Okay fine! Bukas nalang ako mag sosorry!


-












"CRUSH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon