Ghost PoV
Haaaaysst nako nakakaboring naman wala akong magawa na kahit ano ...
" la la la la la la la ,Hays, hoy grim reaper !" Tawag ko sa gream reaper na yun hahaha la lang trip ko lang sya tawagin......
"Aish ano na naman ha white lady !!! "
"Ay grabe ka naman white lady eh nakapink na dress ako noh hmp!"
"Kung ayaw mong tawagin kitang white lady then wag mo akong inisin,dahil may susunduin pa ako mamaya kaya kung magtatanong ka sa pangalan mo hanapin mo ang katawan mo..."and then babush nag iisa na naman ako huhuhu hanggang kailan
....... Char lang hahahaha wala talaga akong ibang maisip gawin eh wait ayun si black lady hehehe kailangan ko syang inisin para may kalaro na ako hahahaha .....Kaya ang ginawa ko is tumawid ng kalsada but napatigil ako ng may kotse na papalapit sa akin kaya naman tinakpan ko angdalawang mata ko pero pag bukas ng mata ko wala na yung kotse at I'm safe wow...."Tsk , syempre Isa kang multo kaya hindi ka tatablan ng kahit ano mang bagay"kausap ko sa sarili ko .......
Hmmmm alam ko na mag aabang nalang ako nang mga dadaan na kotse , for sure wala namang makakakita sa akin
kaya , arat na!!!Wohooooo exciting talaga hahaha nakakalimang kotse na ako hahaha tumatagos lang kasi ako kaya ang saya-saya..
Ayun na may paparating na naman .....
5
4
3
2
1
Wohoooooooo......
ayun na naman ....hahaha wohoooooooo .........
.ayun na naman , pero nag taka ako nung magtama ang mga mata namin at may nakita akong bahid ng gulat say mga mata niya bago siya pumreno .......
"Ano ba magpapakamatay ka ba?!"at mas lalo akong nagulat nung kinausap niya ako ???
"Nakikita mo ako?!"gulat na tanong ko sa kanya....kumunot naman ang noo niya at nagsalubong ang dalawang kilay hala ka nabadtrip ko ata......
"Are you crazy?!"bulyaw niya sa akin ....
"Huh?! Grabe ka naman crazy agad , kasalanan ko ba kung nakita mo ako?"
"At bakit hindi kita makikita kung haharang harang ka sa kalsada?huh? Kung gusto mo ng mamatay
tumalon ka sa bangin hindi yung magpapasagasa ka "inis na sabi niya sa akin , napayuko naman ako ...."Eh hindi ko nga alam kung buhay pa ba ako eh " nakita ko namang mas nagsalubong yung kilay niya pero napabuntong hininga Rin kalaunan....
"Get in"this time ako na naman ang nagtaka.. .
"Bakit naman?"tanong ko...
"I'll bring you to the hospital"
"Anong hospital"
"Tsk,just get in" pero mas lalo
akong nagulat nang hawakan niya ang wrist ko at pinapasok say kotse niya....."Na-nahahawakan mo ako?!"tanong ko na ipinagtaka niya.....
"Malamang , Alam mo sa mental kita dapat dalhin eh"
Hinayaan ko nalang sya magmumukha lang syang tanga sa ginagawa niya kasi wala namang makakakita sa akin kasi nga multo ako kaya sobrang nakakapagtaka .....
Makalipas ang ilang minuto at tumigil na sya sa pag mamaneho at bumaba na sya , tinignan niya naman ako na para bang sinasabi nya na bumaba na din ako kaya naman ang ginawa ko ay bumaba na .......
"Ano naman ginagawa natin dito?!"tanong ko sakanya....
"Ipapacheck up kita"tsk tanga talaga ....
"Walang makakakita sa akin , kaya pwede ba aalis na ako at bitawan ko na ang kamay ko"
"Tsk , I don't want to, Isa pa yang kamay mo ang ginaw ginaw tapos ang putla mo pa.....
"Oh my ghost,nakikita mo ang mukha ko?!"gulat na tanong ko sa kanya na ikina inis niya ....
"Tsk nagbago na ang isip ko mag pa check ka mag isa mo "inis na aniya at lumabas na kaya naman sinundan ko sya he can help me to find my body.... ......
Pero nagtaka ako nung may familiar na lalaki syang kaharap na kausap niya ......
"What are you doing here?"tanong nung lalaki...
"None of your business"cold na sabi ni Mr . I don't know , kasi nga hindi ko pa alam ang pangalan niya .....napabuntung hininga nalang si mr.familiar at~
"Cyte let's go kailangan na nating pumunta sa ~" naputol ang dapat
sasabihin niya nang makita si Mr.idontknow..."Clevin,Clevin Aiton Ramirez right?"tanong nung babae....
"Roxanne"cold na sambit ni Clevin ..... And thanks god at nalaman ko na din ang banal na pangalan ng taong to.....
"Uhm C-clevin tara na ?"pacute na Sabi ko sa kanya......tinignan naman niya ako at napabuntong hininga ......
"And where are we going?"tinaasan niya naman ako ng kilay ....
"Excuse me , sinong kausap mo Clevin ?"nagtatakang tanong ni Roxanne ..... Nako nakalimutan ko na hindi nga pala nila ako nakikita hahahaha .......
"Sinong kausap ko ? Tsk well it's none of your business" balewalang sagot niya kung sagot nga ba ang tawag dun at naglakad na paalis at sinadya talagang banggain ang braso ni Clyte at sumunod naman ako....akala siguro niya na hindi lang ako kilala ng Roxanne na ito.......
"Don't follow me"maawtoridad na utos niya sa akin pero hindi ako nagpatinag hindi din Naman niya ako masasaktan eh .....
"I said don't follow me"paguulit niya ..... So no choice ako sasabihin ko nalang sa kanya na kailangan ko ang tulong niya .....
"I need your help" napatigil naman siya sa paglalakad ng marinig sinabi ko....
"I'm not a psychologist"
"Hindi yun"napabuntong hininga naman ako bago ko sabihin ang dapat sabihin....
"Please help me find my body " diretsong sabi ko na mas lalong ikinakunot ng noo niya
......
"Are you kidding me?,hahahahaha you know wala ako~"bago pa niya matapos ang speech niya tumakbo ako sa kalsada at sakto namang may paparating na sasakyan , nakita ko ang pagkagulat sa kanya at tatakbo sana sya papunta saakin pero huli na dahil nasagasaan na ako ng kotse.char , syempre dumaan lang sa akin ang kotse na yun hahahahaha kala niyo naman masasagasaan ako ? Well I am a ghost.....
Pagkatapos kung gawin yun ay tumakbo ako papunta sa kanya na parang nakakita ng multo eh nakakita naman talaga sya ng multo.......
"Ngayon naniniwala ka na?"tanong ko sa kanya na hindi parin makaimik...
"Please help me find my body....
CLEVIN AITON RAMIREZ"+++++++++++++++++++
Pls do vote,comment and share......tnx
Reyreychesentrix
.