Kabanata 1

5 0 0
                                    

Tahimik akong lumabas mula sa aking silid. Iniingatang hindi gumawa ng ingay.

Tulog na ang mga magulang ko. At heto nanaman ako, hindi man lang dinalaw ng kahit katiting na antok.

Dali dali akong pumunta sa ref para kumuha ng gatas at kung ano mang pagkain na makakapag paantok sakin.

Natakam agad ako sa oreo cake na nasa loob. Agad kong kinuha ang malamig na gatas. May narinig akong hakbang kaya dali dali akong napalingon sa pinag gagalingan nito.

Nagutla ako sa aking nadatnan. Si mama na hawak pa ang tablet at stylus nya. Papalapit na sya sakin at ang nagawa ko na lang ay magkamot ng batok.

"Anak, hindi ka nanaman ba nakakatulog? Ilang araw na yan ha. Lagi kang late sa school. Ano nanaman bang nangyayari sayo?" bungad sa akin ni mama habang nasa harap ako ng ref at naghahanap ng pwedeng makain.

"I'm okay mama. Nagutom lang talaga ako." palusot ko mula sa kuryosong tingin na pinupukaw sakin ni mama.

"Hay nako. Sya sige na at bilisan mo na jan. Ikuha mo na rin ako ng gatas at malapit na akong matapos sa design na ginagawa ko. Matulog ka na ha at ayokong malalate ka nanaman bukas."

"Opo mama." kumuha ako ng dalawang baso at pinagsalin si mama at ang sarili ko.

Hindi ko na kinuha ang cake na nasa ref. Baka bukas ko na lang kainin.

"Goodnight Chiro." ani ni mama sabay halik sa aking pisngi. Humalik din ako pabalik.

"Night, ma" habang dala ang gatas ay umakyat na ako patungo sa aking kwarto. Narinig ko na lang ang buntong hininga ni mama.

Hi. Ako si Chimoro Van Zodina,  isa akong senior high student. Grade 12. Labing siyam na taong gulang. Isa akong arts and design student.

Simula bata ako, ang paguhit na ang pangtakas ko sa malupit na mundong inihain sa akin.


Mahal ko ang pag guhit. Mahal ko ang mga kagamitan. Mahal ko ang mga kulay. Mahal ko ang bawat pintang aking nagagawa dulot ng mapait na karanasan.


Siguro'y namana ko sa aking talento sa aking ina. Walang katumbas ang kanyang galing sa paguhit. Mapa damit, mukha, o lugar. Si mama ay isang license architect.

Bagamat retiro na propesyon matapos ang dalawangpu't limang taon, hindi matatagong isa sya sa mga pinaka mahusay sa kanilang propesyon noong sya'y nagsisimula pa lang.


Ang aking ama ay isang Businesses Man. Malaki ang impluwensya ni papa sa kanyang mga kasabayan. Si papa ay galing sa isang mahirap na pamilya. Nag aral ng mabuti at nakilala si mama. At ngayon na matagumpay na sya sa napiling buhay, masasabi kong masaya sya. Sa piling ni mama, at sa piling ko.


E ako ba?

Hindi ako masaya sa buhay ko.


Hindi ako kuntento sa lahat ng bagay na hawak ko.

Mahal ko sila, oo, pero...

Hindi na ako kailanman sumaya, lumigaya, o magalak man lang. Hindi ko na alam ang pakiramdam ng tatlong salitang nawala na sa bokobularyo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Keep Dreaming, Mr. FrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon