Chapter 1

43 1 0
                                    

"Nay, kung di ako luluwas ng Maynila hindi ko kayo maiaahon sa kahirapan." Sabi ko kay Inay, nakakalungkot nga lang na kailangan kong umalis para lang matulungan sila. Hindi ganun kadali ang buhay dito sa Cebu. Hayyy. 

"Basta anak magiingat ka doon, wag mong pababayaan ang iyong sarili."Sabi ni inay, ang problema ko dun ay kung saan ako titira sa manila? Baka matulog na lang ako sa daan. Buti nalang nandun yung bestfriend kong si Myka. Kaya lang sabi nya di naman ako pwedeng magtagal sa apartment nya kasi, may mga kasama din sya dun. 

" Opo inay, andun naman po si Myka. Kaya wag na po kayong magalala"

"Osige, Ayos na ba lahat ng gamit mo? Baka maiwan ka pa ng bus."

"Opo inay, alis na po ako andyan na po ung tyrsikel sa labas. Lagi po kayong magiingat inay"

"Sige anak, heto ang pera. naipon ko yan, gamitin mo muna anak. lagi kang tumawag saken ha?"

"ang inay talaga magdadrama pa. Alis na po ako inay. " sabay halik sa pisngi ni Inay. at sabay talikod. nagpahatid na ko sa bus terminal. Hayy nakakalungkot talaga. pero kailangan kong lumuwas.

Ako nga pala si Kylie Elisse Yu, College na nyan ako sa pasukan. Hehe. Nagtataka siguro kayo sa pangalan ko. pangmayaman diba? ^________^ Mayaman kasi kami dati, kaya lang iniwan kami ng tatay ko dahil mas pinili nya ung mana nya kesa samen ni inay at ng isa kong kapatid.

.................................

"miss gising!" Napamulat ako agad ng maramdama ko yung pagyugyog saken ni manong konduktor.

"Bakit po manong?"  papungas pungas kong tanong.

"Andito na tayo, kaw nalang naiwan dito sa bus." Napatayo ako agad. sa sobrang kakaisip nakatulog na pala ako.

"Sige manong salamat po." bumaba na ko ng bus. at tinext si Myka. biglang ng ring yung cellphone ko. pagtingin ko..

MYKA CALLING.....

agad kong sinagot. "hello best, andito na ko."

"andito na din ako fren, saan ka banda?" tanong nya.

"Dito ako sa malapit sa bus. hintayin kita dito"

"malapit lang pla, nasa likod mo lang ako hahahaha"

paglingon ko, andun nga si Myka hahaahah. Sumakay na kami agad ng jeep, at dumeretso na sa apartment na tinutulyan nya. Pagdating namen di naman msyadong maliit ung apartment, kaya lang sobrang dami na sila. pero maganda ung lugar, di na ko magtataka may kaya naman sila myka. Hayyyy. Napagdesisyunan namen na maginquire na agad sa school at maghanap ng murang tutuluyan namen. Nagpahinga lang ako saglit at nagpalit ng maayos na damit.

*****AJ POV*****

"Ma, ilang beses ko na bang sinabi sa inyo yan. na ayaw ko na kay Sabrina. at ayaw ko sa plano nyong yan. Napakabata ko pa!" sagot ko kay mommy. Grabi talaga sila. Kung magmadali wagas. 

"No, My decision is Final. You can choose or else mawawalan ka ng mana" Galit na Galit na sya. Ang bata ko pa para gawin ko yung gusto nya. I want to enjoy my life pa. 18 pa lang ako eh.

"Ma, I have girlfriend na " Di ko alam kung bakit ko nasabi agad yun.

"I dont believe you, Allen Jake." Ayan talagang galit na sya.

"I---I'll bring her tonight here! Bye Ma!" Tumalikod na ko agad at iniwan na galit si mommy. Bahala nga sya. Sobra na sya ah. pagsakay ko sa kotse ko tinawagan ko lahat nung mga barkada ko at sinabi ko ung problema ko. Sagot naman nila magkita-kita daw kame sa campus.

SAVING HIM, MY LAST CHOICE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon