My Unknown Fiancé ♥ (One-shot)

577 17 4
                                    

Author's Note :

Weeeeh, first ever one-shot ko to. Walang inspiration kaya heto lang nailabas ng aking mega mind. Bwahahaha, 'me ganon?? Oh well, baguhan pa lemeng si ako, kaya pabayain na si Author. Well just read my one-shot and Enjoyeee ♥ And don't forget to read po ang isa ko pong story "Take My Heart Mr. Cassanova", just click the external link and it will directly lead you to my story. Thanks :DD

If You like this story please hit "VOTE" or you can freely COMMENT on watcha think of my istory or you can Be a FAN.

_Sandy here ♥

------------ My Unknown Fiance ----------

"No,no, you're lying," tinanggal ko ng mabilis ang kamay ko sa pagkakahawak saken ng mama ko para punasan ko ang mga butil ng mga luha mula sa aking mga mata.

"Anak, we're very sorry. Na bankrupt kasi ang kompanya natin eh, ang tanging choice na lang natin para makabangon ay ang pakasalan mo ang anak ng mga Del Valé," sabi ni Papa na tila kinaawaan ako.

"B-but Pa, diba sabi mo hindi uso satin ang arranged marriage, s-sabi mo malaya akong pumili ng lalaking mapapangasawa ko," patuloy lang ang pagbuhos ng luha saking mga mata.

"Sorry talaga Anak, para rin ito sa kinabukasan mo. Pumayag ang mga Del Valé na tulungan tayo tutal naging maganda ang partnership ng kanila at sa ating companies pero may kapalit-" hindi ko pinatapos si Papa at dinugtungan iyon.

"At ang kapalit ay ang pakasalan ko ang ang kanilang anak, yun ba Pa?" humihikbi kong patuloy sa statement ni Papa.

Tumungo lang si Papa at hinawakan muli ni Mama ang mga kamay ko.

"Sinubukan naman namin ng Papa mo na ibahin na lang ang kapalit, pero ayaw nila, desperado talaga silang ipakasal ka sa anak nila," mangiyak-ngiyak na sambit ni Mama.

"Please anak, wag mong tanggihan isipin mo na lang si Zack," bigla naman ulit nagsalita si Papa.

Si Zack ang baby brother ko, fifteen years ang tanda ko sa kanya bale three years old palang siya. Medyo kasi mahirap mabuntis si mama kaya malayo ang agwat namin.

Hmmmp, kawawa naman pala ang kapatid ko kapag hindi ako nagpakasal dyan sa anak ng Mr. Edison Del Valé na yan. Potek sya sinira nya ang dream wedding ko! KAINIS >_<

Wala naman akong choice tutal para rin naman ito sa kinabukasan namin ni Zack, atsaka mabait naman daw yung mapapangasawa ko at madali lang daw yun pag-aralang mahalin sabi ni Papa.

Tiningnan ko ang mga mukha ng mga magulang ko at kitang-kita ko ang hinagpis at awa para sa akin.

"Sige Ma, Pa, papayag na po akong makasal sa anak ni Mr. Edison," wala nang atrasan to, iisipin ko na lang ang mga positive sides kapag nagyari itong kasalan na to.

Nakita ko naman ang gulat na gulat na expression na mukha ng mga magulang ko.

"T-talaga??" utal-utal na tanong ni mama.

"Mahirap man pong tanggapin pero pumapayag po ako," muli na naman pumatak ang mga letsugas kong mga luha T^T

"Kung ganon, bukas na bukas magsimula ka ng magimpake ng mga gamit mo at pupunta na tayo sa Rome," sabi ni papa.

"Rome???" takang-taka at gulat kong itinanong sa kanila.

"Oo Rome, Italy, doon magaganap ang kasalan. Pasensya na talaga anak, sana mapatawad mo kami ng Mama mo," sabi ulet ni papa

Potek talaga dun pa sa dream wedding place ko magaganap etong lintek na kasalan (>.<). Ngumiti lamang ako ng pilit sa harapan nila.

"Wag pa kayong mag-alala hindi naman po ako galit sa inyo, naiintindihan ko naman po kayo eh," niyakap ako ng mahigpit nina mama.

My Unknown Fiancé ♥ (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon