BAKASYON 1 (ASWANG) ONE SHOT

38.9K 366 274
                                    

ORIGINALLY WRITTEN LAST OCT 2010. GINAWA KO 'TO AS A TEXT SERYE NA SINE-SEND KO SA MGA FRIENDS KO.

THIS IS A PERFECT STORY FOR HALLOWEEN. ENJOY!

++++++++++++++++++++++++

"ALL THE CHARACTERS IN THIS STORY HAVE NO EXISTENCE OUTSIDE THE IMAGINATION OF THE AUTHOR AND HAVE NO RELATION WHATSOEVER TO ANYONE BEARING THE SAME NAME OR NAMES.

THEY ARE NOT EVEN DISTANTLY INSPIRED BY ANY INDIVIDUAL KNOWN OR UNKNOWN TO THE AUTHOR, AND ALL INCIDENTS ARE PURE INVENTION. THANK YOU!"
++++++++++++++++

-----------------------

"BAKASYON"

(ASWANG)

Masarap pumunta sa malayong lugar kasama ang mga kaibigan. Kahit saan pa 'yan hindi pwedeng hindi kumpleto ang barkada.

Kaya naman noong nakaraang sembreak ay naisipan naming magbabarkada na magbakasyon sa SAN NICOLAS (Isang probinsiya sa timog).

Ngunit imbis na isang masayang bakasyon, ay nauwi ang lahat sa isang nakakatakot na karanasan na hanggang ngayon ay labis parin naming pinagsisisihan...

---

Ako si Miguel, 20, Palabiro at mahilig mang asar, lalo na ng mga kaibigan kong babae.

Umpisa ng unang araw ng sembreak, tinawagan ako ni Aira, ang crush ko sa barkada.

Nagyayayang magbakasyon sa probinsiya nila kung saan nakatira ang isang malayong kamag-anak niya.

Syempre hindi ako tumanggi, akala ko nga kaming dalawa lang, pero kasama din pala sina Ton2x, Dino, Mia at Kara.

Biyernes ng umaga kami nagkita kita.

Nag byahe lang kami hanggang San Nicolas, gusto naming maranasan ang mag bus.
Nasa bandang likuran kami ng bus.

Katabi ko si Aira habang nasa likod namin nakaupo sina Mia at Kara.
Sa gilid naman nila ay sina Dino at Ton2x.

Napakaingay namin sa bus, seryoso naman si Aira na nakamasid lang sa bintana.

Medyo matagal ang byahe kaya nakatulog na sila, pero ako gising na gising pa.
Nakakainip kaya naglaro muna ako ng PSP.

Maya maya may isang matandang babae ang nagsalita sa gilid ko.

Matanda: Mag iingat kayo utoy, may hindi maganda akong nararamdaman.
Ikaw at ang mga kaibigan mo ay kailangang mag ingat!

Miguel: Saan po lola?

Matanda: Basta (pabulong).

Medyo kinilabutan ako sa sinabi ng matandang iyon. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako dahil mukha kasing may sayad.

Nakaidlip ako, pag gising ko wala na yung matanda.

Gising na rin ang mga kaibigan ko.

Hindi ko na binanggit pa ang sinabi ng matanda dahil baka matakot sila.

Mag gagabi na ng makarating kami.

BAKASYON 1 (ASWANG) ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon