Part 5

252 8 0
                                    

( LISTEN TO THIS SONG WHILE READING ENJOY! )

Nung nakita mo ang message ni Stell umakyat ka na sa Rooftop.

Pagka-akyat mo doon sa rooftop tumingin ka sa paligid at wala si Stell doon.

Kaya nagstay ka na lang doon at lumanghap ng sariwang hangin at nagiisip ka sa nangyari kanina nila Sejun at Josh sayo.

Maya-maya may nag notif. Sa cellphone mo at nag send sayo si Stell ng picture niya.

Napangiti ka na lang dahil pinasaya ka nanaman ni Sunshine boy Ajero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiti ka na lang dahil pinasaya ka nanaman ni Sunshine boy Ajero

Maya-maya biglang may humila sayo at niyakap ka. Nakita mo si Stell na umiiyak at ayaw ka pa niya bitawan.

"S-Stell.." sabi ko.

"(Y/n)... saglit lang.. kahit saglit lang.."sabi niya.

Nanlalambot ang puso mo dahil parang iiyak na si Stell.

At pagkatapos ka niyang niyakap tinitigan mo lamang siya habang nagpupunas ng kanyang luha.

Niyaya ka niyang umupo sa tabi.

"Stell.. bakit ka umiiyak?" Tanong mo.

"W-wala... wala lang to.." sabi niya.

"Pwede mo naman siguro sabihin saakin diba?" Sabi ko.

"Ayoko (y/n)... masasaktan ko lang kayo..." sabi niya.

Nagkaroon ng katahimikan sa inyong dalawa. Maya-maya may kinuha si Stell sa bulsa niya at nilagay sa buhok mo.. ito ay strawberry na hair clip.

"A-ano to? Para saan?" Tanong ko.

"mahalaga yan para saakin... sana kahit maliit at simple lang yan sana pahalagahan mo" sabi ni stell.

"Nakita ko kayo ni Sejun kanina... at ni... Josh rin (y/n)...." sabi niya.

" A-ahh yunn ba?..." sabi ko.

"Alam ko na yung pinagusapan ninyo... kaya ayoko kayong masaktan eh... at kikimkimin ko na lang sa sarili ko..." sabi niya.

"A-ano? Hindi kita maintindihan Stell..." sabi ko sa kanya.

"Hindi pa ba obvious?" Tanong niya saakin habang namumuo na ang luha niya sa nararamdaman.

"N-na ano?" Sabi ko habang nanginginig ang boses ko.

"Na gusto kita (y/n)! Hindi mo ba nakikita yung mga pagalaga ko sayo? Pag-aalala ko sayo? Lahat yun ginagawa ko kase mahal kita! At alam ko hindi ako ang pipiliin mo... kase hindi mo ako gusto..." sabi niya habang umiiyak.

Dahil sa narinig mo hindi mo napigilan umiyak at dali-dali mong niyakap si Stell at niyakap ka niya ng mahigpit.

"S-sorry sorry s-sorry Stell... sorry... Stell...." sabi ko.

"Sorry.. din (y/n).. dumagdag pa ako sa problema at iniisip mo ngayon.. sorry talaga.." sabi ni Stell.

Binitawan ka na ni Stell sa pagkayakap niya sayo at tumakbo siya papaalis. Hindi mo na kaya yung mga nararamdaman mo ngayon.. kase ang bigat sa puso at hindi mo alam kung anong gagawin mo...

Umupo ka muna sa tabi at nagisip isip
Maya-maya tinext ka ni Ken...






New Message From Ken🐓

Ken🐓
(Y/n), kanina pa kita hinahanap... asaan ka ba?

(Y/n)❤
Nandito ako sa Rooftop... nagpapahangin...

Ken🐓
Sige.puntahan kita diyan.

(Y/n)❤
Ayyy HINDI WAG NAA! Ako na lang pupunta sayo diyan....

Ken🐓
Sure ka?

(Y/n)❤
Oo. Saan ka ba?

Ken🐓
Sige. Nandito ako sa balcony.

(Y/n)❤
Sige papunta na ako.

Ken🐓
❤❤

♡☆ IMAGINE SB19 ☆♡ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon