Part 15

179 5 1
                                    

Someone's POV

RISE AND SHINE! Umaga na at Stay lang sila ngayon sa Rest House pero sila Tatang,Ms.hong at Ate Rappl ay pumunta doon sa Company.

Maaga silang umalis at maagang nagising si Stell. At naisipan niyang maghanda ng Breakfast para sa kanila.

Habang nagaasikaso si Stell. Maya-maya nagising na si (y/n).

"Stell Good Morning... aga mo yata magising?" Sabi ni (y/n).

"Naghahanda na ako ng breakfast natin." Sagot ni Stell.

"Gusto mo bang tulungan kita dyan?" Tanong ni (y/n).

"Patapos naman rin ako... paki gising na lang sila Sejun." Sabi ni Stell.

Pumunta na si (y/n) sa Room nila Stell.

Kumatok siya ng tatlong beses at binuksan ang pinto.

Pagbukas niya nakita niya si Justin at Josh sobrang himbing ng tulog.

Una niyang ginising si Justin dahil alam niyang nagigising agad to kumpara kay Josh.

"Jah..jah.. gising na.. malapit na maluto yung breakfast.." mahinang sabi ni (y/n).

Tinapik tapik ni (y/n) yung braso ni Justin. Pero di pa rin ito nagigising. Kaya medyo nilakasan niya yung paggising kay Justin.

"Jah.Gising na." Habang tinatapik yung pisngi ni Jah.

Habang tinatapik niya ito nagulat na lang siya nang hilain ni Jah yung kamay niya papalapit sa kanya.

"Hoy! Nu bang ginagawa mo?" Mahinang sabi ni (y/n).

"Kiss mo muna ako :( " sabi ni Jah. At tinuro niya yung pisngi niya.

Sinampal ni (y/n) yung pisngi ni Jah ng mahina " tangek ka Jah! Di ka naman ganyan nyare sayo?!"

Lumipat naman siya kay Josh at sinubukan niyang lokohin ito para mabilis magising.

"JOSH GISING! NAGAGALIT SI TATANG! HINAHANAP KA!" Sigaw ni (y/n) habang tinatapik si Josh.

Biglang nakabangon si Josh. Yung mukha niya parang nawawala na bata. " huh? Bakit galit? "

" HAHAHAHA JOKE LANG! GISING NA! HANDA NA DUN YUNG BREAKFAST!" Tawang-tawa sabi ni (y/n).

"LOLO MO!" sabi ni Josh at humiga ulit sa kama.

"Punta na kayo dun ah? Gigisingin ko pa sila Sejun." Sabi ni (y/n) at umalis na siya sa kwarto at pumunta na sa kwarto nila Sejun.

Pagdating niya dun kumatok siya ng 3 beses at pumasok. Pag bukas niya ng pinto nakita niya yung paligid. "Ang gulo naman ng kwarto nila. May ipo-ipo bang dumating dito kaya makalat?"

Una niyang ginising si Sejun.

"Sej. Gising kana ready na yung breakfast..." sabi ni (y/n) habang tinatapik si Sejun.

Maya-maya nagising na ito at lumabas na para tulungan si Stell.

Pumunta naman si (y/n) kay Ken. Hinuli niya talaga si Ken kase alam niyang mahihirapan siyang gisingin si Ken.

Pag punta niya kay Ken nakita niyang topless si Ken.

"Ampotchi naman.. di man lang ako sinabihan ni Sej." *facepalm*

Kaya tinakpan niya ito ng kumot.

"Ken! Gumising ka na nga! Ikaw na lang di gising dito... a-at m-mag t-shirt ka na nga!" Sabi ni (y/n).

Pero di pa rin bumabangon si Ken. Kaya lumabas muna siya para i check si Josh.

"Dapat pagbalik ko dito bumangon ka na ha?!" Sabi ni (y/n) at binatuhan niya ng pillow si Ken.

♡☆ IMAGINE SB19 ☆♡ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon