Pinagtapo Pero Di Itinadhana
Naaalala ko pa,
Noong una kang nakita,
Kay ganda ng iyong mata,
Nagniningning sa tuwina.Nung ika'y nilapitan na,
Kay saya dahil pinansin mo sinta,
Dun nagsimula,
Pagtingin at pagsinta.Bawat araw kasama ka ay kay saya,
Hindi ko namalayan na,
Naging mundo na pala kita,
Ikaw na ang dahilan kung bakit ako'y maligaya.Kay bilis lumipas ang mga araw kasama ka,
Panahon na pala,
Panahon na ika'y mawawala na,
Panahon na mamaalam na.Paalam na puno ng sakit sa atin sinta,
Di ko alam pano mabubuhay kung wala ka,
Umaasa na magbago ang iyong isip sinta,
Wag muna, wag mo akong iwan sinta.Ngunit oras ay di kontrolado,
Tumatakbo bawat segundo at minuto,
Segundo at minuto na maglalayo sayo sa piling ko,
Wag muna, di ko pa kaya.Ngunit ako'y naiwan luhaan ang mga mata,
Kahit puso'y durog na durog na,
Umaasang paring magbabalik kapa,
Umaasa sinta na mabubuhay kapa.Pinagtapo lang tayo Ngunit di itinadhana,
Gaya ng ating paboritong kanta,
Hindi na posible pa,
Hindi kana babalik pa.