Chapter 02: Thank you

70 4 0
                                    

Chapter 02: Thank you

***

Wala pa sila Mama nang makauwi ako sa bahay kagabi. Naabutan ko lang si Mikmik na inaantok habang naghihintay sa unang taong darating sa bahay. Galit na galit ito nang makita niya ako, pero nang iniabot ko ang slice cake na binigay ni Andrei para sa kanya, nawala ang galit nito. Hindi ko alam ang relasyon nilang dalawa o kung gaano sila ka-close o kung paano.

Naghahanda ako para sa almusal nila Mama at para na rin sa pagpasok ko. Lagi akong nauunang magising sa pamilya namin, kaya ako na rin ang naghahanda ng makakain namin sa umagahan. Si Mikmik naman, lagi kong ginigising t'wing weekdays. Lagi naman kasi itong nahuhuli sa paggising. Hindi talaga siya magigising pag hindi mo ginising.

Hindi naman siya laging puyat. I guess, he's just really love sleeping.

"Mik, gising na," mahina kong tinapik ang kaliwanag balikat niya. Tinanggal ko ang kumot sa kanya ngunit hinila niya lang ito pabalik.

"Hm..."

"May klase ka ngayon. Ayaw mo ang ma-late 'di ba?"

Nang magtagumpay ako—actually, halos sampung minuto kami naglabanan sa kama. Uupo siya sa kama, lalabas ako, babalik ako, nakahiga nanaman siya. So, binuhat ko nalang siya pababa.

"Ate, where are you going? Are you going to Ate Cherry's house again? Sama ako, Ate!" sunod sunod na tanong ni Mikmik.

"Papasok ang Ate mo, Mikhail," si Mama.

I saw Mikmik disappointment. Lagi nang nagtatanong sa akin si Mikmik kung saan ako pupunta matapos siyang mabigyan ni Andrei ng slice cake. Kulang nalang ay dalhin ko mismo si Andrei sa bahay namin.

Cherry:
Hahatid ako ni Kuya. Kita nalang tayo sa tapat ng school!

Na-excite ako bigla pumasok. Nagmadali akong magsuot ng sapatos at nagpaalam na agad kina Mama. Minsan lang naman kami magkita ni Adri. Minsan nga, twice a week lang. Hindi ako sanay. No'ng bata ako, lagi lang siyang nasa bahay. Ngayon, may lagi na siyang pinupuntahan. Lagi ko na siyang namimiss.

Parang gusto ko nalang maging bata ulit. Gusto ko nalang siya makita araw araw. Ayoko na siyang mawala sa paningin ko.

Bumili ako ng iced coffee habang hinihintay si Cherry. Ilang minuto nalang mag-uumpisa na ang klase. Hindi ako sanay ma-late, si Cherry oo. Pero kung makikita ko naman si Adri, ayos lang sa akin kahit ilang minuto pa akong late. Pero kung malaman man nila Mama, tiyak lagot na ako.

"Mag-time na, Yas. Bakit nasa labas ka pa?"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Ben, kaklase ko sa ibang subject. Napansin ko ang pagkahingal nito. Nagmadali siguro dahil malapit na ang mag-time.

"Coffee?" alok ko.

Umiling ito. " 'Di na. Anong oras na, huy! Baka mapagalitan ka ng Guard."

"May hinihintay lang ako," ngumiti ako. "Una kana."

"Sige," he smiled back, "Sabi mo eh."

Nauna na siyang pumasok. Habang ako, naghihintay pa rin sa pagdating nang magkapatid na Cruz. This is so unusual. 'Pag si Adrianne kasi ang naghahatid kay Cherry, maaga silang nakakarating. Ano nanaman kaya ang nag pa-late sa kanila? Limang minuto na ang nakakalipas sa first subject namin. Tutal, nag-uumpisa na ang klase.

Complicated (Domino Series #1)Where stories live. Discover now