Simula

1.8K 66 11
                                    

Note:

Wala pong perpekto. Hindi po Tagalog ang mother tongue ko kaya expected na hindi maganda ang way ng pagsusulat ko. Kung toxic kang tao ay hindi ka welcome dito. Kung ayaw mo sa story ko ay lumayas ka dahil hindi ka pinilit na i-add ito sa library mo. This is my first story so kung mabait ka please support me and motivate me. Open rin ako sa mga suggestions and mga hula-hula sa kung anong takbo ng story. Salamat sa pagbabasa!
__________________**


Simula

"Hindi ako papayag, Nilla! Masyadong malaki ang Manila at puno nang mapagpanggap at mapagsamantalang mga tao sa mga katulad nating taga probinsya!" Ani Amang Edwin.

Masyadong negatibo ang tingin nito sa mga taong naninirahan sa syudad. Hindi ko alam kung anong ipinaglalaban ni Amang at ayaw na ayaw niyang ni isa man sa amin ay lumuwas sa Manila.

"Edwin, naman! Malaking oportunidad ang naghihintay sa mga anak natin! Kung dito lamang sila sa probinsya anong mararating ng mga anak natin?! Ang magtanim ng mais at palay habang buhay?! Matutulad sa anak ng mga kumpadre natin na nagsipag-asawa ng maaga?!" Rinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ni Manay na tila kinakalma ang sarili.

Karamihan dito sa kadalagahan at mga binata ay nagsisipag-asawa ng maaga. Kuntinto na sila sa kung anong buhay ang nakahain dito para sa kanila. Mga simpleng tao na may mga simpleng pangarap. Ang importante sa huli ay buo at may simpleng masayang pamilya.

"Matatalino at wais ang mga anak natin, may tiwala ako sa kanila. Wag puro sarili mo ang isipin mo... Iba na ang sistema sa manila, ibang-iba sa kapanahunan natin kaya wala ka nang dapat ikabahala." Ani Manay Nella.

Iyon din ang napapanood ko sa balita. Marami na raw ang nabago sa manila. Marami ang pinatupad na batas para masiguro ang kaligtasan ng mga tao.

"Ni bago o hindi ang sistema ay wala rin iyong silbi kung  nasa tao ang mali, kung nadedemonyo parin ang utak at nalalason ng mga bawal na gamot! Puro babae ang anak natin! Magaganda at walang muwang sa mga nakahaing karahasan sa syudad. Hindi ako papayag na lumuwas ni isa man sa kanila. Bahalang maghirap at mabulok dito sa Madalag kaysa mabilad sa panganib ang mga anak natin--"

Napatalon ako dahil sa ibinagsak na mabigat na bagay galing sa loob ng bahay. Nasa labas parin ako ng bahay namin. Galing ako  sa bayan at ito ang naabutan ko. Sabado ngayon kaya umuwi ako. Sa private school ako nag-aaral at scholar ng mga Lancaster.

"Edwin! Walang malapit na koleheyo sa atin sa Madalag! Isang buwan nalang at ga-graduate na ang mga anak natin at alam mo rin na hindi natin kakayahin na pag-aralin sa bayan ang kambal ng sabay! Nagmamalasakit lang naman si ate Rita at gustong tumulong. Hindi ko kanyang ipagkait ang edukasyon sa mga anak natin kung mayroon namang paraan! Grasya na mismo ang lumalapit sa atin! Mag-isip ka naman!" Nanginginig at tila naiiyak na turan ni Manay.

Ah, si auntie Rita na kapatid ni Manay. Nakapag-asawa siya ng foreigner na amerikano, mayaman daw at hiwalay na sa dating asawa. Hindi sila nagka-anak. Legal ang kasal nila kaya naman ng mamatay ang asawa ni auntie Rita ay sa kanya lahat napunta ang mga ari-arian ng namayapang asawa.

At dahil wala naman siyang anak ay nais nitong sa mga pamangkin nalang e- focus ang atensiyon, ang pag-aralin ang mga kapatid ko na magko-koleheyo na. Babalik si auntie sa susunod na buwan pagtapos ng graduation ng mga ate ko. At kung papayag si Amang ay isasama ni auntie sila ate kambal sa manila para doon na mag-aral.

Humugot ng malalim na hininga si Amang bago nagsalita sa malumanay at kalmado nang tuno.

"Inaalala ko lang ang kaligtasan ng mga  bata. Ibang mundo ang papasukin nila. Masyado silang inosente para pakibagayan ang mga tao roon." Ani Amang.

Wild Spring of FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon