Kabanata 1

1.4K 89 57
                                    

Unedited!

Kabanata 1


It's been a week nang mangyari ang kahiya-hiyang tagpong iyon at hanggang ngayon ay hindi parin ako pinapansin ni Cain. Todo iwas siya kapag nagkakasalubong kami, eh sa iisang bubong lang naman kami nakatira, sa iisang apartment, sa iisang kwarto.

Kung maka-iwas siya parang siya iyong naagrabyo, eh ako nga itong nakitaan! Ang arte-arte! Anong gusto niyang palabasin? Na nakaka-trauma ang nakita niya na ni pag-sulyap sa akin ay hindi niya magawa?

I've been trying to talk to him to make things clear pero sa ginagawa niya parang ako pa ang lumalabas na may kasalanan. Na siya ang biktima!

Well, aminado akong may kasalanan din ako. Dahil sa pagkapahiya ko sa ikalawang pagkakataon ay sinuntok ko siya! Yes, I punched him at sapol sa mapula at mamasa-masa niyang labi!

Sa takot ko na baka sabunutan niya ako dahil sa ginawa ko ay tumakbo agad ako sa cr at doon nagpalipas ng mahigit dalawang oras. Hindi ko na inalam kung ano ang lagay niya pagtapos ko siyang suntukin. Nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ay saka lang ako lumabas sa banyo.

Holly Mary! Bakit ko 'yon ginawa?!
Pano nalang kung ipatanggal ni Cain ang scholar ko sa tito niya dahil sawa na siya sa kamalditahan ko?!

Wag naman sana. Ang babaw naman niya kung ganoon. We're living together since grade seven at marami na kaming kabalbalang ginawa sa loob ng mahigit pitong taong iyon. At di na bago ang aksidenting magkasakitan kami kapag naghaharutan kami at nag-aagawan ng gwapong Hollywood actor na pinanood namin.

Sa loob ng pitong taon ay ngayon lang ito nangyari. Ito rin ang pinakamatagal na hindi niya sa akin pagpansin tuwing may hindi kami pagkakaintindihan. At ito rin ang unang beses na nahantad ang katawan ko sa harap niya, with his naked eyes! Kahit bakla si Cain ay lalaki parin siya. May lawit parin siya sa pagitan ng hita at sabi ni Amang nanunuklaw daw ang mga ito kaya dapat mag-ingat kami. Ayaw kong makagat ano!

"Madalag! Madalag! Sinong baba sa Madalag?!" Ani kundoktor.

Agad akong nagpara at nagbayad. Wagas kung makangiti si manong kundoktor sa'kin nakita ko tuloy ang hidden treasures niya. Masayahin talaga ang mga pilipino dahil kahit tatatlo nalang ang ipin ng isa diyan at partido puro bagang nalang ay nagagawa pang maging matamis ang ngiti kahit nakakaumay.

Nilakad ko ang matarik na daan patungo sa bahay namin. Kailangang lakarin dahil sa hindi kaya ng motor o kahit na anong sasakyan dahil sa hindi pa konkreto ang mga tulay na tanging  katawan lang nang puno na basta lang pinutol at ginawang tulay.

Pinulot ko ang mahabang kahoy at ginawa kong pansuporta sa pagtawid ko sa tulay dahil wala itong hawakan.
Malayo ang bahay namin sa sentro ng Madalag. Kailangan pang maglakad ng mahigit trenta minutos depende sa bilis ng paglalakad.

Kahit alas kuwatro palang ng hapon ay  hindi na abot nang sinag ng araw ang loob ng gubat. Mabini at presko ang panghapong  simoy ng hangin na tumatama sa nakahantad kong balat. Purong kulay berde ang naka paligid sa akin. Naglalakihang puno at mga ligaw na damo ang tanging makikita. Babaybayin ko lang ang ginawang pansamantalang daan at makakarating din ako sa amin.

Tahimik. Tanging pagaspas lang ng mga dahon na isinasayaw ng hangin at mga huni ng panghapong ibon at insekto ang maririnig. Nakakagaan nang pakiramdam ngunit hindi ko maiwasan ang kabahan.

Binilisan ko ang paglalakad dahil sa sumagi sa aking isipan. Usap-usapan sa kabilang bayan na may mga nilalang na nangunguha ng mga tao sa oras ng alas tres ng hapon hanggang alas tres ng madaling araw. Patunay dito ang pagkawala ng mga babae, mapadalaga man o may asawa. Kung anong nilalang iyon ay hindi pa matukoy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wild Spring of FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon