PROLOGUE

11 0 0
                                    

"Ang sakit! Ang sakit-sakit, Mahal ko siya e Mahal na mahal..Kaya pala kapag nag-a-i love you ako sa kanya, Ngi-ngiti lang siya sa 'kin at hahalikan ako sa noo. Putcha! All this time, Niloloko ko lang pala ang sarili ko."

Ang pag-ibig, hindi lamang puro saya at puro kilig.. Dumadating din sa puntong puro na lang pahirap at sakit.
Sabi nga ng iba hindi matatawag na masaya ang isang relasyon kung puro na lang saya at kung puro na lang sakit, Dapat pantay lang.

Sa pag-ibig din kailangan ng tiwala at katapatan sa isa't-isa para mas maging secured ang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan.

Si Jessie Alfejo, Isang babaeng naka-sentro ang kaisipan sa pag-aaral at makatapos ng kolehiyo sa kursong  BS Secondary Education major in Filipino. Tipo ng babaeng mataas ang paninindigan lalo at kapag nasa tama ang kanyang ipinaglalaban. 'Walang time sa lovelife'  pero magbabago ang lahat sa kanya ng makilala niya si Niccolai Zamora na varsity player ng Football sa kanilang university at nasa 4th year College na sa kursong Marine Engineering, Hearthrob at kilalang-kilala sa buong campus. Magkakakilala sila sa hindi pangkaraniwang pagkakataon na kanilang hindi inaasahan pareho.

Nagsimula ang kanilang relasyon sa isang pustahan hanggang nauwi sa seryosohan.

Pero, Sabi nga ng iba.. Walang lihim na hindi nabubunyag! Kaya ng malaman ni Jessie na pinagpustahan lamang siya para paibigin, Kakaiba ang kanyang ginawa.

Sa paglipas ng panahon, Muling magku-krus ang kanilang mga landas.. Mahal pa sa pagkakataong iyon ni Niccolai si Jessie kahit napakatagal na ng lumipas ngunit gumuho ang kanyang mundo sa balitang nasaksihan niya mismo kay Jessie.

May happy ending kaya sila?
May pag-asa pa kaya sila?
Pagmamahalan pa din kaya ang maghahari?

Sabay-sabay nating abangan at paka-tutukan. ❤️

All rights reserved.

July 2020.

Thanks and God bless!



a m a z i n g_j a y c e e 😘

SOMEONE that I used to LOVEWhere stories live. Discover now