Chapter 1

14 0 0
                                    

3rd year college na si Jessie sa Ateneo University de Manila.

Bukas ang kanilang First Day muli bilang 3rd year student na sa kurso niyang BS Secondary Education major in Filipino.

Alas-5 na iyon ng hapon, Pumunta si Jessie sa bahay nila Faye para kamustahin at tanungin kung handa na din ba ito sa First Day nila bukas dahil iisa lamang naman ang course nila. Nagre-reminisce  sila ng memories ng kaibigang si Faye na nasa kwarto nito ng hapong iyon.

"Bukas na First day natin, Bes. Excited na akong makita si Papa Nick."
Sabi ni Faye.

Na akala mo may mga heart ang mata nito dahil sa kilig na kilig sa iniisip nito.

"Sino ba yang Papa Nick na yan? Lagi na lang yang kinukwento mo. Hindi ko naman kase kilala yan". Sagot ni Jessie.

Sa aminin man ni Jessie o hindi, Hindi niya talaga  kilala ang 'Nick' na sinasabi ng kaibigan nito.

Madalas man niyang naririnig ang pangalang ito dahil noong mga previous years niya sa University ay bukod sa nakukuwento ng kanyang kaibigan ang tungkol sa lalaking ito, Mga nakakasalamuha niya ay naririnig niyang bukam-bibig lagi ng mga babae doon ang pangalang 'Nick'.

Nacu-curious na talaga siya sa hitsura ng laging binabanggit ng kaibigan.

"Ano ka ba naman, Bes. Matagal ko ng ikinukwento sayo siya. Yung foot ball player na sobrang pogi. May mapupulang labi, makakapal na kilay at mapupungay na mga mata. Basta ampogi-pogi talaga niya."  Sabi pa din ni Faye.

Kilig na kikig pa din. Talagang malakas ang tama ng kaibigan sa kung sino mang lalaking iyon.

"Alam mo, curious na tuloy talaga ako. Hmmm. Malay natin, ma-meet ko na siya this year." Sagot ni Jessie na hindi pinapahalata ang nararamdaman.

"Ewan ko ba naman kase sayo. Niyayaya kita palagi sa Field nun para manood ng laro nila, Lagi mong sinasabi.. Kailangan mo ng umuwi. Puro ka pag-aaral try mo din kase minsan ang maglibang." Dugtong pa ni Faye.

"E siyempre, Alam mo namang isa ako sa inaasahan ni Daddy kaya kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral." Wika ni Jessie sa kaibigan na biglang lumungkot ang mukha nito.

"Speaking of your Parents, Ano? kamusta na kayo ng Mommy mo? Mabuti na ba siya sayo?" Sabi ni Faye na bigla ding nagbago ang mukha na mula sa kilig ay biglang nalungkot din ang ekspresyon nito.

Tumahimik ang dalawang panig.

"Huy, Nako, Alam ko na. Alam ko na yang ekspresyon na yan." Kapagkuwa'y sabi muli ni Faye.

"Ewan ko ba, Bes. Ginagawa ko naman ang lahat e. Pinaparamdam ko naman sa kanila na mahal na mahal ko sila. Pero si Mommy, Hindi ko maramdaman kung mahal ba niya talaga ako o ano e. Ang cold-cold pa din niya sa akin". Himutok ni Jessie sa kaibigan na unti-unti ay nag-uunahan ang mga luha sa pag-agos.

"Alam mo Bes, Halika nga dito..." Sabi ni Faye na hinila ng marahan si Jessie papunta sa kanya at niyakap ito.

SOMEONE that I used to LOVEWhere stories live. Discover now