Ilang oras ang hinintay ni Jessie para sa kanyang mga magulang at mga kapatid na maka-uwi ng bahay. Kaninang-kanina pang nararamdaman niya ang gutom dahil mula alas-7 ng gabi at ngayong alas-10 na ng gabi ay hindi pa siya kumakain.
Animo'y bulkan na nag-aalburoto na ang kanyang tiyan dahil sa gutom. Pero ang lahat ng iyon ay kanyang tiniis at hindi niya inalintana basta't hihintayin niya ang kanyang pamilya na makauwi ng bahay.
Paglipas ng 10:50pm....
"I told you, Tyrone. Iwas-iwasan mo na ang mga ganyang barkada tingnan mo at nasasali ka pa sa gulo ng mga yun." Narinig ni Jessie na sabi ng kanyang Daddy Roberto ng bumukas ang pinto.
Unang pumasok ang Daddy Roberto niya, Kasunod ang Kuya Tyrone niya bago ang Mommy Carmen niya at ang huli ay si Yaya Emmie na buhat-buhat si Chelsea.
Medyo nabuhayan na siya ng loob at medyo napawi na ang kanyang alalahanin..
"Dad,Mom! Ano pong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Jessie sa mga ito ng makapasok sa pintuan ng bahay.
Bakas sa mukha niya ang pamumutla at lalong paglukot ng kanyang mukha ng makita ang ekspresyon ng mukha ng kanyang Kuya Tyrone.
"Honey, Hayaan mo na sabi at ako na ang kakausap dito sa anak natin.. Trust me!" Sabi ng Mommy Carmen niya ng hindi pinansin ang tanong niya.
Makahulugang tingin lamang ang itinugon ng kanyang Daddy Roberto sa kanyang Mommy Carmen.
Samantala, Dumire-diretso lamang si Tyrone paakyat sa kwarto nito na wala ng reaksyon ang mukha, Kaya, Talagang nagtataka si Jessie sa mga pangyayari.
"Son, Let's eat first. Hindi ka ba nagugutom?" Pigil ng Mommy Carmen niya sa papaakyat na si Kuya Tyrone.
Walang itong sagot na nakuha mula sa anak na nagtuloy lamang sa kwarto nito.
"Ahhmm, Mom! Dad.. Kain na po muna tayo, Si Kuya for sure bababa yun kapag nagutom." Yakag ni Jessie sa mga magulang niya.
Tsaka lang noon idineretso ni Yaya Emmie si Chelsea sa kwarto ng bata na natutulog na habang buhat-buhat nito.
"Hmmm. Busog pa naman ako, Bantayan ko muna si Chelsea.. Honey! Call me there after you eat." Sagot sa kanya ng kanyang Mommy Carmen na mayroong masamang tingin habang sumusunod kina Yaya Emmie.
Dismayadong sinundan na lang ng tingin ni Jessie ang mga ito habang papalayo. Ng tuluyan ng nakapanhik at nawala na sa paningin ni Jessie, Tsaka lamang siya humarap sa kanyang Daddy Roberto.
"Dad, Let's go! Kain na po tayooo." Nagpaskil si Jessie ng ngiti sa kanyang labi kahit pa hindi iyon talaga ang nararamdaman niya, Mas pinili na lang niyang itago ang nararamdaman sa pagiging cold ng kanyang Mommy Carmen sa kanya.
"Sure, Anak! Tamang-tama.. Gutom na ako sa haba ng byahe namin dahil sa traffic." Sabi ni Roberto na nginitian din siya at inakbayan pa ang anak at sabay na nagtungo sa Dinning Area.
------------
"Dad, Bakit po ba? Ano po bang nangyayari? Ano po bang problema ni Kuya?" Sunod-sunod na tanong ni Jessie ng makalapit sila sa mesa at nagsandok ng kanilang kakainin.