Ang malakas at matinis na boses ni Joyce ang madidinig sa bahay na tinitirhan nilang dalawa ni David.
"DAVID LEE, SABING TAMA NA E," sigaw ng dalaga kasabay ang malakas na pagtawa dulot ng walang tigil na pangingiliti sa kanya.
Isang normal na araw na sa kanila ang ganito, simula pa lamang nang mapagdesisyunan nilang tumuloy sa iisang bahay. Sa edad na dalawampu't limang taon, nagkakilala ang dalawa at kalauna'y naging magkasintahan din.
"Joyce, heto nga pala si David. Yung sinasabi ko sayong bago nating katrabaho. From another airline talaga siya, ngunit nang magtapos ang kanyang kontrato roon, ay lumapit siya rito sa atin," dinig na sabi ni Joyce mula sa kanyang kaibigan, habang nasa tabi nito ang tinutukoy na bagong piloto.
"Hello, ako si Joyce Sanchez, isa rin akong flight attendant dito, kagaya nitong kaibigan ko. Sana hindi ka magsisi na lumapit ka sa airline na ito," nakangiting banggit ni Joyce habang kanyang kinukuha ang kamay ng lalaki upang makipagkamay.
Doon pa lamang sa panahong iyon, iba na agad ang naging dating ng babae para kay David. At unti-unti habang lalo pa silang naging magkakilala, hindi mapigilan ng lalaki na magkagusto kay Joyce.
Kakalapag lamang uli noon nila sa Pilipinas mula sa isang one-way flight paLos Angeles. Sa kabila ng pagod, hyper na hyper pa rin si Joyce at ang kaibigang si Erica.
Hindi alam ng dalawang magkaibigan na nasa likod pala nila si David, napansin lamang ito ng lumingon si Erica.
"Oh, David. Andyan ka pala hindi ka man lang nagsasalita dyan," natatawang sabi ni Erica kasabay ang paghampas nito sa braso ng binata. "Mukhang may kailangan kang sabihin dito sa kaibigan ko. Mauuna na ako ha? Magtetext na lang ako sayo sis, pag nakarating na ako," dagdag pa nito kasabay ang paglakad pag-alis, hindi man lang inantay ang sasabihin ng kaibigan.
"Ah, Joyce. Pwede ba tayong kumain ngayon? Dinner sana, sa restaurant ng family mo?" tanong ng lalaki nang makalayo na si Erica at sila na lamang dalawa ang natitira?
"At bakit? Para saan?" sagot naman ni Joyce, halatang niloloko ang lalaki. Ngunit sa kaba ni David ay hindi niya ito napansin.
"Uh, wala lang. Gusto lang sana kitang makasama," ani ni David habang kinakamot ang kanyang batok, halata ang kaba sa binata.
"Charot lang hoy, ito naman masyadong seryoso. Aren't you asking me out? Isn't it the real reason?" tanong ng babae.
"Nahalata mo?"
"Sino ba namang hindi? You keep on sending me foods whenever we have the same flight. You always try to flirt with me during layovers. Did I understand it wrong? Did I get the wrong signals?" sagot ni Joyce, halatang kinakabahan na rin. Sa tagal ba naman ng pagsasama nilang dalawa, ay alam niyang may gusto na rin siya lalaki.
"No. I think I send it right and you received it right, as well. Since it's already quarter to 5, I'll think I'll fetch you at 7?"
"Sure, that's okay. But please, dalhin mo ko sa ibang restaurant, I think I've had enough of my family's cooking," sagot ni Joyce sabay ang pakita ng mukhang kunwari ay nandidiri na.
Natawa na lamang silang dalawa, at sabay na naglakad patungo sa parking lot ng airline na pinagtatrabahuhan nila. At matapos ang gabing yon, naging magkasintahan din ang dalawa.
Natapos na rin ang walang hinto na pangingiliti ni David sa kanyang kasintahan. Kasalukuyan na silang nakaupo sa kanilang kama, habang walang hinto ang kanilang paghinga.
"Nakakairita ka na. Lagi mo nalang akong kinikiliti kapag sinasabi kong gusto ko pang matulog," naiinis na sabi ng babae sa kanyang kasintahan na tinawanan lamang siya.
BINABASA MO ANG
How can i love the heartbreak, when you're the one i love?
RomanceCan love be enough to fight for what is right?