Kyle's POV
"Magandang umaga, Señor!" nakangiting bati saakin ng isang bata at yumuko "Puwede po ba ng makahingi ng isang pirasong tinapay?"
Ngumiti ako "Kahit tatluhin pa natin!"
"Maraming salamat, Señor!"
Masayang lumabas ang bata. Palaging humihingi saakin ang batang 'yon ng pagkain. Bibigay daw niya sa kanyang Lola na naiwan sa kanilang bahay.
'Knock! Knock!' 'Knock! Knock!'
"Pasok.."
Bumukas ang pintuan at nakita ko ang isang lalaking mage na hinihingal. Nagulat ako nang makitang may dugo ang kanyang damit. Napatingin ako sa itim na papel na hawak niya.
"S-Señor! Nawasak ang isa sa mga depensa ng kingdom. A kingdom is defenceless without a ruler. Kailangan na po natin maging handa! Hindi natin alam kung kailan sila pupunta.."
"Ano ang hawak mo?" turo ko ang itim na papel na hawak niya.
"I found this somewhere between the border of Xie Kingdom and Mage Kingdom.."
Napabuntong hininga ako "It's from the Dark Kingdom.."
Binigyan ko siya ng gamot. Sumaludo siya at lumabas na ng opisina ko.
Huminga ako ng malalim at binuksan ang letter..
Darien's POV
"Rawrrr!"
Pinipigilan ko ang sarili kong uminom pa ng ilang shot. Nakakita kasi ako ng bote at niyaya ako ng isang lalaki.
"Preeeee!" inakbayan ako ng lalaki at nagsalin pa ng alak sa baso ko "Isa pa! Isa pa! Isa pa!"
Ngumuso ako "Stop it! Ayaw ko na!"
Nag sad face naman ang lalaki "Sige na pare?"
"Darien.."
Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Zayden na nakahalukipkip habang nakatingin saakin.
"How many times I need to tell you? Don't talk to strangers.."
Humalakhak ang lalaki "Ano daw? Pogi daw ako?"
Sinamaan ko siya ng tingin "Ako daw yung pogi!"
"Argh!"
Naramdaman kong binuhat ako ni Zayden hanggang sa makabalik kami sa bahay ni ninong Chris.
"You're drunk, Darien.."
"Hindi ako lasing!"
"I know that.. you're haft drunk, dummy.."
Nanlaki ang mata ko "Sinong dummy?!"
"Good evening.."
Sabay kaming napalingon kay Chris na kasunod si Ashley. Kahit lasing ako alam kong parang nawawala sa sarili si Ashley.
"Yo Ashley!" kumaway ako sa kanya ngunit wala siyang ginawa kundi ngumiti. "Yahhh? May ginawa ka ba sa kanya?" tiningnan ko si Chris na tiningnan lang ako.
BINABASA MO ANG
The Fallen Kingdom: The New Era
Fantasy| Sequel of The Fallen Kingdom : Kingdom Of Mages |