Chapter 8

10 0 0
                                    


"B-babe..."

Walang alinlangangang pumunta si Alex sa lalaking kahalikan ni trinity kanina.

"Walang hiya ka Luis! Akala ko kaibigan lang talaga! Tapos ganyan na pala?! Kainis mo dude! Inunahan mo pa akong humalik kay trinity!" Galit na galit na sabi ni Alex habang pinagsusuntok yung Luis.

So, never pang nahalikan ni Alex si Trinity? Wew.

"A-ano ba! A-alex t-tama na yan!" Umiiyak na awat ni Trinity. Nakatingin lang ako sa kanila.

Pero bigo si Trinity sa pag-awat kay Alex at Luis na nagpapalitan ng suntok.

"Alex! Tumigil ka na! Tama na!" Awat ko at hinawakan siya sa kamay para matigil siya kakasuntok.

Buti hindi siya nagmatigas at napatigil ko sa pagsusuntok.

"B-babe----"

"You shut up Trinity and stop calling me babe! Ang galing!!! Dito pa talaga sa tambayan namin kayo maghahalikan?! Yan ba ang kababata lang?!"

"Kasi hindi mo naman ibinibigay ang time mo sa'kin! Mas lumala ng dumating ang babaeng yan!" Turo niya sa'kin.

Bakit ako napunta sa usapan?!

"Wala siyang kinalaman dito Trinity!" Inis na sabi ni Alex.

"Talaga? Kaya ba magkasama kayo ngayon?! Akala mo hindi umaabot sa'kin ang usap-usapan na lagi kang nakabuntot at inaasar siya?! Ano akala mo Alexander?! Natutuwa pa ako sa nangyayari sa atin?! Ayoko na pagod na ako sayo! Nakakasawa ka! Tapos na tayo!"

"Ang sabihin mo! Matagal mo na din akong ginagago trinity!"

"Ako?! Ginagago ka?! Ang simple ng gusto ko alexander, pero hindi mo mabigay! I just want time! A time kahit konti lang!"

"At hinanap mo sa iba?! Putangina trinity! Nakakaputangina at iyang luis pa talaga--"

"Mas may oras siya para pakinggan ako! Ikaw ano bang lagi mong sinasabi?! Di ba 'busy ako' 'No time' anong gusto mong gaw---"

"Akala mo din bang hindi ko alam ang pinaggagagawa mo habang sinasabi kong wala akong oras na kasama ka?! Anong silbi ng pagiging Three-yo ko, kung wala akong koneksyon sa mga estudyante? Sila mismo ay nakasaksi sa mga ka walang-hiyaan mo! Matagal na akong nagtitimpi sa'yo alam mo yun?! Ngayon sabihin mo sa'kin na nagsisinungaling at ako ang nagloloko sa atin ngayon trinity acebedo..."

Hindi nakasagot si trinity at naiiyak na lamang na nakatingin kay alexander.

Bitch naman pala talaga. Siya ang slut people! Hindi ako! Mga pakers!

"Kasi pre, hindi ka marunong umiskor. Nakakasawa ka-----"

*Blag!*

Sinuntok na naman ni Alex yung Luis.

"Sayong sayo na dude!!! Magsama kayo!"

"Alex! Tama na yan!" Sigaw ko at hinila na siya palayo dun.

Juice colored! Wala akong balak maging referee!

"Nakakagago Xyrene! Yung siya pa talaga ang nagloko dahil nakakasawa na ako?!  Pwede namang makipaghiwalay siya sa'kin bago lumandi sa iba!" Inis na sabi niya.

"Alam mo ilabas mo ang sama ng loob mo ngayon pa lang." Sabi ko. Mas nakakabuti yun.

"Sasamahan mo'ko?" Tanong niya.
Sasamahan ko ba? May pinagdadaanan eh...

"Oo, dadamayan kita kasi brokenhearted ka." Natatawa kong sabi. Natawa naman siya kahit papano.

Nandito kami sa isang bar. Dinadamayan ko ang brokenhearted. Mas madami na siyang nainom kaysa sakin.

Condone My Past ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon