THREE

15 0 0
                                    

How can i start again if i am too broken?

Naiisip ko na lang mahihirapan ang sunod na lalaking magmamahal sa akin. I was too damaged beyond repair.

Kanina pa ko gising but my body refused to move. Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame ni pagbukas ng ilaw ay hindi ko magawa. Nababalot ng kadiliman ang buong kwarto pati na rin ang puso ko. Noong niyakap ako ni Steph kanina umiyak lang ako ng umiyak. Panandalian akong tinakasan ng lakas nang loob na ginagamit ko nitong mga nakaraang araw.

Kahit noong dinala ako ni Steph dito sa kwarto ay patuloy pa rin ang pag-iyak ko. Steph didn’t ask anything,  hinintay nyang kusa akong magkwento. Pero siguro by this time nakausap na nya si mama at alam na nya kung ano ang nangyari. Bukod sa pamilya ko ay wala pa akong ibang pinagsasabihan ng totoong dahilan kung bakit wala nang kasal na magaganap hindi sa may pakialam ako kung ano ang sasabihin ng ibang tao gusto ko lang ng pansamantalang katahimikan.

My thoughts was interrupted by the noise outside. Mukhang may nagkakasiyahan
. Pinilit kong tumayo at dumungaw sa bintana, may tatlong taong naliligo sa pool isang babae at dalawang lalaki. Meron ding dalawang lalaki na nakaupo lang sa gilid ng pool si Stephen ung isa. Mukhang maganda ang pinag uusapan nila dahil nakangiti sya. Biglang nag angat nang tingin si Stephen at nagtama ang aming mga mata, napawi agad ang ngiti nya at sumeryoso ang kanyang mukha. Ano bang atraso ko sa lalaking toh at parang laging masama ang timpla sa akin.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkatitigan, nagulat na lang ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto.

Patch? Are you awake?” sandali akong napatingin sa may pinto at nang bumalik ang tingin ko sa labas wala na si Stephen.

Sa halip na sumagot lumapit ako sa pinto at binuksan ito.

Mukhang nagulat si Steph pagbukas ko ng pinto dahil nakaakto pa syang kakatok.

Good, you’re awake. You wanna join us?” hindi na ko nagtanong pa kung saan dahil halata naman sa suot nya kung ano yun.

I don’t have anything to wear.” tiningnan lang ako ni Steph with a ‘duh’ look on her face. “What? Sa tingin mo magdadala ako ng swimsuit kung sa Baguio ang punta ko?”

Figures. Well i have extra naman dyan don’t worry bago yun, hindi ko pa nasusuot. Come on i have to feed you first.”

Sunod ako. San nga pala ang CR?”

Ok. Ayun sa dulo may mga towels na rin dun. Baba ka agad hah, nasa dining lang kami.” tumango na lang ako.

Kinuha ko sa bag yung mga toiletries ko at dumiretso na ko sa banyo.

Pagbalik ko sa kwarto may isang string type bikini set na nakapatong sa kama. Mukhang iniwan ni Steph kanina. Nagdalawang-isip ako kung isusuot ko ba o hindi. 1st time kong magsusuot ng ganito pag nagkataon. Hindi kasi ako pinapayagan ni Felix. The hell to that man, i can wear what ever i want.

Pinatungan ko na lang ng short at white sando.

Finally. Come on take a seat. You should eat, i bet hindi ka pa kumain since yesterday.” bati ni Steph pagkakita nya sa akin sa may pintuan ng dining room.

Sila lang ni Stephen ang kumakain. At ang kumag ni hindi man lang ako tinitingnan. Naku Patricia eh ano naman sa’yo kung hindi ka tingnan.

Makakain na lang nga epekto lang toh ng gutom. Tama si Steph kahapon pa ako hindi kumakain.

I have some friends pala nasa may pool area sila later ipapakilala kita. Mom and Dad were out of town since yesterday until next week so this place is ours.” parang kinikilig na sabi ni Steph. Nginitian ko lang sya. Palihim kong sinusulyapan si Stephen pero seryoso lang sya sa pagkain nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to love like you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon