01 | First Day

35 3 4
                                    


Kristine's POV

Hello po pala, ako po ay si Kristine.

Kagagraduate ko lang ng elem at heto ako ngayon, nabubulok sa kahaba-habang bakasyon.

Pano naman, 4 months!?!? IMAGINE. 4 months kang di nag-aaral at unti-unti ka ng nawawalan ng brain cells. Konti nalang magiging negative na yung akin. WHAHAHAAHHAHAAHAHA. Ok, I'll admit, nag-aaral rin naman ako pero hindi yung full force, noh? I mean sana all masipag mag-aral in the means na bakasyon.

Haayss....anyways..di naman sa pagmamayabang, sa darating na 1st year sa highschool ay papasok ako sa isa sa mga pinakamagandang school. Actually top 2 siya so yaaaaa.... And share ko lang, pupunta ako sa school na ito na WALA akong kilala at bukas na yon, bukas ang paglipat ng mga gamit sa dorm, and flex ko lang, dun ako titira.

IMAGINE, magiging kadorm mo ang di mo man lang kilala? NO WAY! ("Yes way"-sabi ng conscience ko) Syempre full force ko siyang tatanggapin kasi why not, diba? At para ring magkaroon ako ng bagong mga kaibigan, hehe^_^

"Kristine! Matulog ka na!" Sigaw ng the one and only mama ko.

"Oo na po!" Tsk tsk...


Next day- - - - - - - -


Gumising ako sa napakalakas na alarm kong alarm at syempre, alam niyo naman ang alarm ko ay ang intro ng Kill This Love. Para naman nakakagulat diba? Pero share ko lang...nagpapalit ako ng alarm everyday. Cause why not?

Timeskip≫

Nakaligo nako, kain at lalabas nako ng bahay. Sumakay ako sa kotse namin at kinuha ko yung earphones at Iphone ko.

"Excited ka na ba Kristine?" Tanong ng tatay ko...

"Uhh ya?" Reply ko namang may alinlangan.

"Tsk...sino ba namang excited sa first day ng klase?"

Heto naman ang aking ate Margret kung saan nag-aaral ng mabuti... haaysss Actually, lima kami sa pamilya..syempre parents ko, ate at ang nakababatang kapatid ko kung saan ay natutulog ng mahimbing, sana all. Nagbasa nalang ako dito ng wattpad at yesss last chapter na pala ako. Di ko na namalayan ay nauntog ako sa kotse namin kasi masyado akong MATANGKAD hayyss. Luh nandito na pala kami, bat ang bilis naman? Hays ang weird pero fine, bumaba ako sa kotse at dumiretso ng admin papuntang Academic Building 1. Dun kasi daw mag-oorient ng mga sections at kung sino mga kaklase mo..

Kaklase....

Kaklase....

Pag-iniisip ko yon, ang tanging umiikot sa aking utak ay kung magkaka-kaibigan ba ako dito? I bitterly smiled. Sana.....

"Okay, tayo ay 7-Lemonade, ako ang magiging adviser niyo for the whole school year whether you like it or not."

Grabe si ma'am, nagsmirk siya..WHAHHHA ang funny kaya..yung iba kong mga kaklase naka poker face -_- wsshshshhshshssh
Habang nagsusulat kami ng chu~chu~ aba! Bigla-bigla nalang may nag-alarm na A MILLION DREAMS dun sa may bintana...huh? Lalaki pala yon. From now on yun yung itatawag ko sa kanya... "million dreams" WHAHHAHAHAHA. Tapos naman, ang dami samin walang ballpen, pero I u derstand naman, kasi sino ba namang mag-eexpect na mayroong isusulat, first day palang. Pshhhh.... Pagkatapos nun...we were asked to go to our dorms at mag-ayos na ng gamit. Siyempre naman nahihiya ako. Pagkapasok ko sa dorm namin "Room 311", may naririnig akong sumigaw na...


"Yun ba yung naka maroon?"


Bigla naman akong tumingin sa damit ko kasi naka maroon ako ngayon. HALA. Isang babaeng malapad ang ngiti at nagreach ng kanyang kamay sakin. "Hi, ako nga pala si Liv" Hmm.. Liv...hindi naman sa pagste- stereotype pero mukha siyang popular girl. WHAHHAHA EWAN KO BA. Naka-eyeglass siya, maikli ang buhok at may braces. "Ha! Yan ba yung Kristine?!?!?" Isang babae ang nagtanong, pero....ang lakas ng boses niya....mga 10000 Hertz ata yon. Naka-eyeglass, maikli ang buhok, at may braces rin siya na may parang may pagka nerdy look siya...at magkaparehas lang sila halos ni Liv pero mas maliit nga lang siya. Nag hi rin siya sakin.. "Hi, ako ay si Cheenie" Tumingin ako sa aking paligid...yung iba kong mga kadorm mates ay busy sa pag-aayos ng gamit at pagpaalam sa kanila g mga magulang, except sa isa.. Mayroon akong isang nakita, nasa tapat lang ng pintuan kasama ang kanyang nanay. Nag-eye contact nga kami eh...pero agad rin naman akong umiwas kasi ang awkward kaya..and most of all magiging creepy ako..heheh

Pagkaalis ng mga magulang..agad-agad kong kinuha ang Harry Potter kong libro at umakyat sa ladder...ay nga pala sa taas ako matutulog kasi bunkbed yung gamit namin. "Tara laro tayo ng UNO!" Sigaw ni Cheenie. Nahihya akong sumali pero kailangan ko...kasi eto na yung chance ko para maging close ang aking mga kadorm mates. O nga pala, ngayon ko lang napansin, di papala ako nagsasalita. Oof. "Sali ako." Reply ko. Ayon naglalaro na kami...katabi ko ngayon si Venise..para sa akin siya yung may pagkaleader na itsura...ewan ko lang...WHHAHAHA tapos nasa right ko yung sinasabi kong babae na nasa tapat ng dorm kanina..Chesca nga pala pangalan niya...para sa akin, siya yung tipong...tahimik tapos mahilig maglinis...katabi naman ni Chesca ay si Cheenie tapos si Liv. Then si Claire. Si Claire ay yung parang mahilig magbasa ng books tapos tahimik. 5:00 na pala. "Di pa ba tayo kakain?" Sabi ni Claire. "O nga kain na tayo." Sabi ni Venise. Sa totoo lang, gutom na ako so tumungo nalang ako..WHAHHAHAHAHA. SOOO YAAAA. Di na namin natapos yung UNO at bumaba na kami para pumunta ng cafeteria.

Kelan kaya namin matatapos ang UNO.....??....

311: Life In The DormWhere stories live. Discover now