Liv's POV♡
Nandito ako ngayon sa classroom hinihintay yung teacher namin. Actually recess ngayon pero halos lahat ng estudyante hindi pumuntang cafeteria. Kahit na 'food is layp', hindi parin maiiwasan ang katamaran pumunta roon. Ngayon sa third semester namin, ang dami na agad na conspiracy.
Isa pa toh, si Cheenie, hanggang ngayon crush parin niya si Chan seong..which is yung katabi ko. Bakit ba palagi siyang nakajacket? Onti nalang mapoposses na siya ng mga jacket gods. Baka naman nasanay na siya sa Korea.
*
Tapos na yung classes so lahat kami bumalik sa dorm except kay Cheenie. Pero, hindi naman siya cleaner ah.
"Oh diba anim tayo, nasan si Cheenie?" tanong ni Kristine habang binubuksan yung pintuan ng dorm.
Lahat sila nag shrug edi naki shrug nalang ako.
Ginawa nalang namin yung everyday 'mood' namin sa dorm, which is magcellphone.
After minutes of doing such extra-curricular nonsense, biglang dumating si Cheenie.
"Guys uuwi nako."Hakdog?
"Bakit?" We all questioned in chorus.
"May chickenpox ako."
Hakdog?
Pagkatapos umalis ni Cheenie, nagkatinginan kami lahat. "Sino ang nag skin contact kay Cheenie kanina?" Tanong ko at lumingon ako kay Venise kung saan siya'y nakahiga sa kama ni Cheenie.
"Okay lumayo kay Venise!" Sigaw ni Claire.
"Hinug ko si Cheenie kanina."
Sabi ni Kristine in a serious tone."Lumayo kay Kristine!"
Dinis infect namin yung buong kwarto lalo na sa kama ni Cheenie. Naglagay pa kami ng mga caution signs to prevent further conspiracies.
timeskip--
11:02 pm
Gabi na pero gising pa rin ako. Tulog na yung mga kadorm mates ko. Imagine mo si Venise tulog na..hakdog?
Matutulog na sana ako kaso biglang nagchat sakin si Cheenie.
Cheenie♡
⇒[Sis, hindi nako crush ni chan seong :<]
Tagal mo na yang sinasabi←
⇒[Pero liek EHHH T_T]
←Fine, ano ba nangyari?
⇒[alam mo yung doon sa status nya, alam nyo yung mga pick a topic ganern ganern, tas yung topic nya, crush, tas nung tanong, same school ba daw. Tapos sabi nya no, so di nya ako crush]
sis, ok lang yon←
matulog ka na ←
baka lumala pa sakit mo←⇒[ok po..]
✔️seen
eyoomia [thankyou dun sa binigay mong idea HAHAHAHAH]
Pagkatapos ng pagchachat..natulog nako..maaga pa gising bukas..at uuwi na rin bukas eh.
*
『Timeskipp』
Sunday- 4:00pm
Kristine's POV♤
Bumalik na akong dorm...thinking na wala nanaman si Cheenie and now for a whole week. Sino na magcocomfort kay Venise?? OmG
"Wassup." Speaking of Venise nandito na siya. Naabutan pa niya akong nakalutang dito.
After 10 minutes..
And then again dumating na rin si Claire at naabutan kaming naglalaro ng arnis na parang ewan.
After 10 minutes ulit...
And then again dumating na rin si Chesca at naabutan kaming tatlo na nag-aaway na sa mga arnis sticks.
"Magpahinga na muna kayo guys." Sabi ni Chesca..
O nga naman, kanina pa kaming naglalaro ng arnis, di naman kami marunong. Baka maging arnis pa kaming tatlo. Ayoko nga..
"Hala *chomp* ano meron sa *chomp* Taal?"
Tanong ni Claire habang nakain siyang bonete."Totoo ba yon?" Tanong naman ni Chesca.
"Hala..nakita mo ba yung my day ni Rose?" Tanong ni Venise.
"Yung may mga smoke?" Sagot ni Claire.
Hala.
"Kailngan nating mag impake."
"Oo nga noh."
At saka kaming nag impake lahat.
Ilang minutes ang nakalipas tapos biglang may nangyari.
Lumilindol.
"Hala naramdaman niyo yon?" Tanong ni Claire habang nag-aayos na siya palabas ng dorm.
"Lumilindol?" Lahat na kami bumaba sa lobby.
"Magfacemask na kayo at maghintay sa mga further announcements. Mag-ingat na rin sa possibility na mag aftershock." Sabi ng dorm manager namin at saka na kaming umakyat pabalik.
"Suspended ba?" Tanong ko..
"Dapat lang..kawawa naman externs." Sabi ni Chesca..
Externs nga lang ba? Or may specific person? Hmmmmm
Umiling si Chesca nung tumitig kaming lahat sa kanya. Ha..nahuli..
Alam ko ang ewan ko naman sa gagawin ko pero kailangan ko gumawa ng reqs. Kasi pano kung may pasok nga talaga bukas? Edi goodbye grades. It's just great.
Nakailang aftershocks na at unti-unti na kami natatrauma..lalo na si Claire at di siya makatulog. Pang ninth attempt na nga niya eh. Currently nasa kama siya ni Liv dahil ayaw niya sa matulog sa taas. Isa pa toh..hindi pa nagsususpend...naststress na kami sa reqs and stuff.
Saktong pagkabukas ko ng notebook ko biglang ng suspend ng classes. Aba't buti naman. ;-;
Ang dami na talagang mga aftershocks kaya napag-isipan na ng dorm manager namin na matulog nalang kaming lobby.
So lahat na kami natulog dito..yung ibang tao naman nagpicturan pa..akala mo naman first time nilang matulog. Hello? Ang haldog niyo..
Uuwi si Venise ng mga 1 am..at maghihintay nalang kami ng further announcements..
Next day//
Ok uuwi kami. Wao...
Pumunta na kaming carpool at umuwi na kami.
And gosh my carpool reeks of coffee and I stand corrected, hindi ko pala carpool yon.
☁︎
Mag ingat kayo mga prends..
~woot margaukie_signin' out~