Claire's POVIlang days ng nakalipas at matatapos na ang final exam . Last day na namin bukas. Ngayon na sa dorm ako, syempre nakakatamad mag-aral so why not? Natingin lang kami ni Kristine sa mga K pop profiles sa google, mamaya na raw kami mag-aral pag 3:30 na.
*
So sa wakas tapos nakong mag-aral so matutulog nako. Nakita ko ang paglabas ng bathroom ni Kristine at tinuro niya yung nasa hilagang kanan. Kung nasaan nandon si Cheenie, nakahiga na hawak-hawak ang Math textbook niya , natutulog habang nagsusulat ng 'chocolate ice cream cheorom nogabeorineun jigeum nae gibun so lovely' sa whiteboard.
Oo, sa whiteboard. Nag-shrug nalang ako at natulog nako.
Timeskipp--
It's currently 4:30 am na at gumising ako sa nakakainis kong alarm. Oo, ang mahal kaya ng apple music para bumili ng isang song don. Wth, alang naman bumili ako ng maraming songs don. Kaya iisa lang ang song ko dito at buti nalang matino yung binili sakin ni Papi.
Current alarm: What is love?
Nakaligo na si Liv, Kristine, at si Venise. Di nako maliligo kasi nakaligo nako kagabi. It's a waste of soap and shampoo naman kasi.
Learn from me peasants.
So si Cheenie tulog pa. Alangan. As if naman magigising siya ng ganoon kaaga. Actually 5:10 am na and naliligo pa rin si Chesca. Pero syempre nagpapalit pa siya ng songs doon sa bathroom, mga Sarah G. songs. AHHAHAHAHAHA. Nakabihis nako ng uniform, actually kaming apat prepared na, Cheenie is sleeping soundly and Chesca is in the bathroom.
"Chesca bilisan mo!!"
"Oo wait lang!"
Oo sigaw yan ng mga kadorm ko, pano ba naman kase malalate check out kami. Hanggang 6:30 lang kasi pwede.
*
So habang naka earphones ako ngayon, nagpapatugtog ako dito ng Hush by Everglow, rinig ko parin yung mga sigaw ng kadorm ko.
"Bato Bato Pik"
"Bato Bato Pik"
Wth, malalate na kami naglalaro pa sila. "Bakit kayo naglalaro? MALALATE TAYO."
"Eh nag-aaway kasi kami kung sino yung magbababa ng dorm keys." Sabi ni Kristine habang nag gla-glare kay Venise.
"Claire, kakatamad kaya magbaba ng susi" Sabi naman ni Venise. And you know what? I just face-palmed and took the dorm keys from Kristine's hands and bumaba nako. Sumunod rin naman sakin yung iba. And oo, tapos na rin maligo si Cheenie. Ang bilis noh? One of the notable abilities kasi non ni Cheenie. Paglabas namin ng dorm yung iba dumiretso na sa Acad Building, para daw makapagreview sila.Sanaol.
Kumain nalang ako ng breakfast kasama sina Liv at Kristine at dumiretso na ring classroom.
"Okay students, change of plans, sa gym na tayo mag-eexam."
hatdog?"Please line-up and form two line-segments!" Sabi ng Math teacher namin kasi Math ang last exam namin.
"Oh, by height daw!" Sigaw ng President namin habang inaasar yung pinakamaliit samin na babae, si Kristine. So I just chuckled nung tumingin ako kay Kristine na nag-glaglare kay Cheenie at kino-compare niya height nila.
"Mas matangkad nga ako sayo!" Sabi ni Cheenie. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Buti nalang sina Liv at Venise, tahimik na nagrereview. And then again, sanaol. Pero si Cheska nakatingin lang kay____
Sa wakas nakapunta na kaming gym habang naglakad kami ng isang kilometro papuntang gym.
"Naka-isang kilometro ata tayo dun ah." Wth, mind reader ka na Liv? "KILOMET-KILOMETRO!" Oo, nakanta nanaman si Chesca ng Sarah G. Gusto ko na sanang mag flip out kaso magstastart na yung exam. Pinaupo kami sma sahig ng gym at doon kaming pinag-exam. Ang uncultured noh? Bakit kaya di bleachers, meron namang bleachers. Tsk. Binigay na samin yung test papers and WTH. 30 na multiple questions tapos 10 na word problems? 1 hr lang yung alotted time?? hayss
*
Hinanap ko agad sina Cheenie at Kristine sa nagkalat na mga estudyante sa gym. Inassign kasi sila sa section namin na maglilinis ng Grade 7 bleachers, ang malas nila noh? Ang hirap kaya sila hanapin, sa kadami daming tao dito sa gym plus MATANGKAD pa sila kaya KITANG-KITA sila at HINDI NATATABUNAN ng mga tao.
"Sino maglilinis ng bleachers? Sana di ako." Sabi ni Chesca."Wag ka mag-alala sis, sina Kristine at Cheenie naka assign."
Bigla siyang nagsmirk.
"Pinagpala nga ang dalawang maliit na yon."
Nahanap namin si Venise at Liv sa crowd, buti pa sila ang daling hanapin unlike those two. Hinahanap rin pala nila sina Kristine. After ilang minutes ng paghahanap, nag give up kami at lumabas ng gym. Bahala sila don, nagpromise ako kay Venise na sasamahan ko siya at pupunta siya kay ma'am Faye, magma-make up test kasi siya sa Computer Science, di kasi siya nakapagtest kahapon kasi
masakit tiyan niya.
"Nasan po si ma'am Faye?" Pagtanong ni Venise sa isa sa mga teachers sa faculty.
"Ay, nasa taas siya.""Thankyou po."
Binilisan na namin ang lakad at napagod kami. Excuse me?!? 3 floors toh at pabalik-balik lang kami. Konting-konti nalang magteteleport na kami kasi bruh...
"Oh ano ginagawa niyo diyan?" Bigla akong tumingin sa kumausap sakin at si Kristine pala iyon. Hindi ko namalayan na nakaupo na kami sa stairs.
"San kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap nina Cheenie.""Huh? Nandun lang kami sa bleachers..naglilinis kami."
"I swear di ko talaga kayo nakita." sabi ko.
"Bulag lang kayo............PEASANTS"
Inirapan ko nalang si Kristine at di na sumagot sa sinabi niyang conspiracy kasi pagod na pagod ako. Nagulat ako nung may binulong sakin si Venise. "Don't worry, at least mas matangkad ka." Tumawa naman ako at tumayo.
"Punta nalang kasi kayo ng Computer Lab noh?" Sabi ni Kristine. O nga noh. I mentally face-palmed at myself and pumunta na kami sa laboratory.
*
Umuwi kami mula sa conspiracy na yon and natulog nako. Kakapagod.;-;