CHAPTER 26

5.1K 177 22
                                    

August 22,

"I've liked you since I realized my worth after Pauleen left me."


Nanlaki ang mga mata ko. Pero, bakit ang sungit niya sa akin nung mga araw na 'yon? Halos kapalan ko na nga ang mukha ko noon, makausap lang siya, eh.


"Zoey."


Napaangat ako sa kaniya ng tingin, "H-ha?"


"I love you." he mouthed.


Nag-init ang magkabilaan kong pisnge. Hindi ba siya naiilang sabihin 'yon?! Pinalobo ko ang pisnge ko at nagbaba ng tingin. Nagpanggap akong abala sa pagkukutkot ng kuko ko.


"Zoey."


Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko.


"Zoey, look at me." natawa na siya. "Zoey." hinawakan niya ang baba ko gamit ang hintuturo niya at pilit na pinapatingin sa kaniya.


Sa ginagawa niyang 'yon ay mas lalo akong kinakabahan sa gagawin ko. Nasa dulo na ng dila ko na sabihin sa kaniyang mahal ko rin siya pero hindi ko magawa. Matagal ko na itong naisipan na magandang sa birthday ko isabay ang date ng anniversary namin, kaso papaano ko ipaalam na sinasagot ko na siya?


Sasabihin ko bang, 'Sinasagot na kita!,' kaso nahihiya ako! Baka isipin pa niya na masyado akong atat na atat sa kaniya. At hindi naman ito nagtatanong if pwede niya na ako maging girlfriend e. Kailangan ko pa ata ng tutorial sa kdrama.


Psh, hayaan na nga! Alam naman na niya na inlove na inlove ako sa kaniya, eh. Gawin ko nalang ulit yung mga moves ko noon nung binibigayn ko pa siya ng mga cookies ko.


Umangat na ako ng tingin sa kaniya. Mas lalong lumaki ang ngisi niya at kaunti na lang ay matatawa na. Ipinikit ko muna ang mga mata ko bago nagpakawala ng malaking hininga, "O-oo."


"Oo?" natawa na siya.


Iminulat ko ang mga mata ko, "R-remember this date, August 22." makahulugang sabi ko.


"Yes? And it's your birthday." his voice was soft.


Tumango ako saglit. "And our anniversary." bulong ko.


Muling kumalabog ng mabilis ang tibok ng puso ko nang manahimik siya. Hindi ba niya ako nagets? O kaya naman ay ayaw niya na maaga? I looked up at him upang makita ko ang reaction niya. Nakatitig ito sa akin at dahan-dahang napalitan ng seryoso ang mukha niya.


May mali ba roon sa sinabi ko? Napanguso ako, "B-bakit?" pag-angat ko ng tingin sa kaniya ay nagulat ako dahil ganoon na lang kalalim ang pagkakatitig niya sa akin.


Nagulat ako dahil gano'n nalang kabilis ang oras. Kaunting-kaunti nalang talaga ay mahahalikan niya na ako! Ipinikit ko ng madiin ang mga mata ko, hinihintay ang pagdampi ng labi niya. Siguro ilang segundo akong naghintay pero, wala!

Sunlight of Our Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon