CHAPTER 28

4.8K 164 35
                                    

"Babe?!" nanlaki ang mga mata ko nung marinig sila Sam, at Jennie mula sa likuran ko.


Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at napatungo na lang.


"Wala ka nang takas sa amin, Zoey. Mamaya pag-uusapan natin 'to." sinamaan ako ng tingin ni Jennie.


"O-oo..." nasabi ko na lang bago tumakbo patungo sa upuan ko.


"Oh, ano na? Kanina pa kami naghihintay dito, ah?" sira ni Jennie sa katahimikan. Lunch ngayon at nasa coffee shop kami. Magkatabi kami ni Kurt at nasa harapan namin yung tatlo.


"A-ano..." napasulyap ako kay Kurt. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay pero may bahid na ngisi ang labi niya.


Napaiwas ako ng tingin bago pinalobo ang pisnge ko. Pinagdikit ko ang hintuturo ko. "Sus, Zoey. Walang magagawa 'yang pagpapacute mo diyan." umirap si Jennie.


"Sasabihin din naman kasi namin 'to sainyo, eh... Sa tamang panahon." pinilit kong wag mautal.


"Kailan pa ang tamang panahon na 'yan?" pinagtaasan ako ng kilay ni Jennie. Si Jennie lang ang parang galit samantalang yung dalawa ay tahimik lang na nanonood sa amin.


"Siguro ngayon, hehe."


"Kailan kayo naging official?" si Sam ang nagtanong.


"Nung birthday ko..." napatungo ako.


Natawa ng sarkastiko si Jennie, "Isang linggo mong hindi ipinaalam sa amin?"


Napaangat agad ako sa kaniya ng tingin at sunod-sunod na umiling, "H-hindi! Kasi ano... Sasabihin din namin 'yon sainyo."


"Tsh." naisagot na lang ni Jennie. "Kami na lang ba ni Sam ang walang alam dito?" tanong pa niya.


"Pamilya ko pa lang ang nakakaalam." awkward akong ngumiti.


"Bakit parang hindi man lang nagulat si Rose?" tanong niya bago ibinaling ang tingin sa katabi na si Rose.


"Alam ko na." sagot ni Rose.


Nanlaki ang mga mata ko. "P-pa'no?" hindi ko na napigilag sumabat.


Napaiwas siya ng tingin bago tumikhim, "May nakasabi lang sa akin." seryoso nito ngayon.


Nanlaki ang mga mata ko. "Sino?"


"Basta." pansin ko ang pananahimik niya ngayon. Parang ang lungkot niya.


"Imposible naman kung si Xeilla kasi hindi naman kayo close. Tsaka parang hindi pa naman niya alam." napanguso ako. "Mas lalong imposible kung si kuya. Hindi kayo close no'n— oh, okay ka lang ba?"


Nagmamadali niyang kunin ang tubig niya at sumimsim doon. Nabilaukan kasi siya bigla sa kinakaing cake. "Hindi mo pala alam?" tanong niya matapos makarecover doon sa pag-ubo niya.


Parang nagloading bigla ang utak ko. "S-saan?"


"Kuya mo ang nagkwento sa akin."


"Close kayo?"


"Hindi naman..." umiwas siya ng tingin.


Binalot kami ng katahimikan. Tanging aircon lang ng coffee shop ang naririnig. Halata namang nagsisinungaling ang isang 'to e. Imposibleng hindi lang sila friends...


"Ikaw? Kailan mo pa sa amin ipapakilala ang boyfriend mo?" napaangat ako ng tingin kay Jennie matapos marinig ang tanong niya.


Napakunot ang noo ko. Sino ba ang kausap niya? Ako? Nakatingin lang kasi siya ng diretso sa iniinom.

Sunlight of Our Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon